Oras sa Screen para sa Inyong mga Anak: Bigyang-pansin ang Uri at ang Oras
Nagbibigay ang media na nasa screen ng mabilis na access sa iba't ibang impormasyon na maaaring ipakita gamit ang mga kaakit-akit na mga visual at audio effect. Naging isa ito sa mga karaniwang media para sa pagkatuto ng mga bata. Gayunman, mayroong alinlangan hinggil napananatiling epekto sa pag-aral para sa mga sanggol at batang nasa preschool gamit ang mga produktong may screen. Kinumpirma ng mga internasyonal na pananaliksik na karaniwang laging ginagawa nang nakaupo ang mga gawaing ‘oras sa screen’ at maaaring magkaroon ng mga negatibong epekto sa mga bata ang kalabisan nito. Inirerekomenda ng mga organisasyong pangkalusugan mula sa buong mundo na limitahan ang oras na ginugugol ng mga bata sa harap ng screen. Sinusunod ng Kagawaran ng Kalusugan ng Hong Kong ang tagubilin ng World Health Organization at pinapayuhan ang mga magulang na hindi dapat lalampas sa 1 oras kada araw ang oras sa screen ng mga batang edad 2 hanggang 5. Para sa mga edad 2 o mas bata, iwasang hayaan silang may kontak sa anumang produktong elektronikong may screen maliban sa paggawa ng interactive na video-chat sa ilalim ng paggabay ng magulang. Sa kabila nito, hindi maiiwasan na madagdagan ang oras ng mga bata sa harap ng screen kapag nananatili sila sa bahay, may kaugnayan man ito sa pag-aaral sa bahay, pakikipag-usap sa kapwa gamit ang mga video chat, o libangan sa panahon ng pandemya. Habang sinusubukan lahat ng paraan para malimitahan ang oras sa mga gadget, paano pinipili ng mga magulang ang tamang produktong may screen at mga aktibidad upang gawing mabisa ang pag-aaral? Maaari ninyong isaalang-alang ang “3 C” sa ibaba:
Bata (Child):
- Pumili ayon sa edad, mga kakayahan at kagustuhan ng mga bata
- Suriin paminsan-minsan ang pagganap ng mga bata (hal. interesado ba sila sa mga gawain sa harap ng screen? Gaano kabisa ang pag-aaral?) upang makapagpasya kung naaangkop ba o hindi ang gawain sa harap ng screen
Konteksto (Context) (sa ano ginagamit ang media na nasa screen):
- Ang magulang ang pinakamahalagang konteksto kapag gumagamit ang mga bata ng produktong may screen! Ipinapakita ng mas maraming pananaliksik na habang maaaring natututo ang mga sanggol at maliliit na bata sa pamamagitan ng elektronikong media, hindi nila gaanong nagagamit kung ano ang kanilang natutunan nang direkta sa totoong buhay at hindi gaanong epektibo ang pag-aaral nang walang harapang pagtuturo ng mga adulto. Mas natututo ang maliliit na bata kapag isinasali ng mga adulto ang karagdagang paliwanag, tanong at paggamit ng nilalaman sa totoong buhay.
Nilalaman (Content):
Mahalaga ang kalidad ng gawain sa harap ng screen:
Angkop na nilalaman | Hindi angkop na nilalaman |
---|---|
|
|
Bukod sa “mga 3 C”, iminumungkahi sa mga magulang na isaalang-alang ang “mga 4 S” na nasa ibaba upang maiwasan ang mga problema mula sa paggamit ng screen:
- Manatili sa mga patakaran nang walang labis na paggamit (Stay with
rules without overuse)
- Magtakda muna sa mga bata ng mga simpleng patakaran sa paggamit ng mga produktong may screen, kabilang ang kung kailan at saan dapat gamitin ang mga ito, limitasyon sa oras at mga patakaran, hal. "tanungin si Dad / Mom bago gumamit", pati na rin mag-setup ng oras at lugar na "walang screen", hal. walang paggamit ng screen sa silid-tulugan o habang / pagkatapos ng hapunan. Hindi dapat napakatagal ang paggamit ng produktong may screen, at maiiwasan ang mga problema sa naunang pagtatakda ng limitasyon
- Dahil hindi pa nauunawaan ng mga batang nasa preschool ang konsepto ng oras, maaari silang paalalahanan o hudyat ng mga magulang bago matapos ang gawain sa screen. Hal. paggamit ng mga kagamitan gaya ng timer, hourglass o pagsasabi sa bata bago pa man na “I-o-off ko ang gadget kapag natapos ang programa”
- Manatiling malusog sa mga rutina (Stay healthy with
routines)
- Pinaaalalahanan ang mga magulang na bumuo ng rutina para sa mga bata pagkatapos ng oras sa harap ng screen at maghanda ng gawaing nakalilibang para maiwasan ang labis na paggamit ng mga produktong digital. I-click ang Pagkakaroon ng Saya Kasama ang Inyong mga Anak habang Nanatili sa Bahay upang malaman ang higit pa
- Huwag kalimutang mag-ehersisyo sa bahay! Maaaring subukan ng mga magulang at anak ang Mga Pisikal na Laro para sa Magulang at Anak na inirekomenda ng StartSmart@school.hk
- Protektahan ang mga mata kapag gumagamit ng mga produktong may screen. Iminumungkahi sa mga magulang na pumili ng mas malalaking screen para sa online na pag-aaral ng kanilang mga anak, siguruhing may sapat na liwanag ang silid, at panatilihing tama ang pagkakaupo at ang layo, anggulo at linaw ng screen para mabawasan ang pinsala sa paningin. Maaaring sumangguni ang mga magulang sa Mabuting paggamit ng Internet at mga Produktong may Elektronikong Screen ng Kagawaran ng Kalusugan para sa mga detalye.
- Lumayo mula sa "mga elektronikong pampakalma" (Stay away
from “electronic pacifier”)
- Alam ba ng mga magulang kung sa ano-anong pangyayari mas malamang nilang papayagan ang mga bata na gumamit ng mga produktiong may screen? Sa kalagitnaan ng mga mabuti at masamang damdamin ninyo o ng inyong anak? Kapag pagod kayo? Kapag naiinip ang bata? Mapapadalas ba ang paggamit ng mga produktong may screen upang mapanatag o gantimpalaan ang bata?
- Madalas na mayroong madyik ang mga gawain sa screen upang dagliang mapakalma ang bata at pagpahintulot sa inyo na makapagpahinga. Ngunit kung dapat umasa ang bata sa mga gadget upang mapanatag ang mga negatibong emosyon at oras na hindi abala, hindi siya matututong kontrolin ang kanyang emosyon at mabuo ang pagkontrol sa sarili
- Kung napapansin ninyong umaasa kayo sa produktong may screen para mapanatag ang problema sa pag-uugali at emosyon ng inyong anak, oras na para suriin ang inyong mga paraan ng pagdidisiplina sa bata at maghanap ng alternatibong gawain at gantimpala na puwedeng ipalit sa screen. Maaaring makipag-usap ang mga magulang sa ibang miyembro ng pamilya at humingi ng tulong mula sa mga propesyonal.
- Kung nais ninyong matuto pa tungkol sa pagdidisiplina ng bata, maaari kayong sumangguni sa mga polyeto kabilang ang Disiplinahin ang Inyong mga Maliliit na Anak sa Positibong Paraan, Pamamahala sa Pag-uugali ng inyong Anak na nas Preschool I at II
- Maging isang mabuting huwaran (Set a role model)
- Ipinakita ng mga pag-aaral na hindi lamang nakaaapekto sa kalidad ng ugnayan ng magulang-anak ang pattern ng paggamit ng mga gadget ng magulang, ngunit sanhi din ito upang gayahin ng mga bata. Madalas ba kayong gumamit ng mga produktong may screen nang hindi ito namamalayan? Naaabala ba kayo sa mga elektronikong mensahe na humahadlang sa inyo sa pakikipag-ugnayan sa inyong mga anak o agarang pagtugon sa kanyang mga pangangailangan? Maaari ninyong isaalang-alang na isantabi ang inyong mga gadget at hindi ito tingnan sa oras ng mga gawain ng magulang-anak para hayaan kayong lubusang nakatuonsa inyong anak at para ipakita sa inyong mga anak ang wastong paggamit ng mga elektronikong gamit
- Madalas ba ninyong iniiwang nakabukasang TV sa bahay at hinahayaan ang inyong anak na magkaroon ng access sa screen, o manood ng mga di-angkop na palabas kasama sila? Natuklasan sa mga pag-aaral na maaari itong magdulot ng masamang epekto sa paglaki ng bata
- Karaniwan na sa mga miyembro ng pamilya ang magkaroon ng iba’t ibang pananaw sa mga produktong elektroniko. Kailangan ng mga magulang na alamin ang mga pattern at pag-uugali sa paggamit ng screen ng inyong sarili at ng mga miyembro ng pamilya, makipag-usap sa isa’t isa nang may paggalang, at bumuo ng mga katanggap-tanggap na gawi para sa paggamit ng inyong anak sa mga produktong may screen