Pagiging Magulang Serye 8 - Disiplinahin ang Inyong Anak na Nagsisimulang Humakbang sa Positibong Paraan
Pagkilala sa Inyong Anak
Nagagawang maglakad at mag-usap pagkatapos ng kanyang unang kaarawan, nagiging mas nagsasarili ang inyong anak na nagsisimulang humakbang. Siya ay tuluy-tuloy na magmamadali sa pagtuklas at pag-eksperimento gamit ang kanyang mga bagong kakayahan. Gayunman, hindi pa kaya ng inyong munting siyentipiko ang mag-isip nang malawak. Kaya nagmumukha ang inyong sanggol na, dating ganap na umaasa at sumusunod, ay naging medyo hindi mapigilan. Maaari ninyong matagpuang madalas niyang sinusubukan ang inyong pasensya, sumusuway sa inyong mga utos at Ngunit hindi niya ito ginagawa nang sadya upang hamunin kayo. Ang yugtong ito ay maaaring tumagal hanggang pumasok siya sa kindergarten. Sa panahong ito, pinakamahalaga para sa inyo na tulungan ang inyong anak na malaman kung ano ang maaari at hindi maaaring gawin.
Paggamit ng Positibong Disiplina
Pinatitibay ng positibong disiplina ang malapit na kaugnayan ng magulang-anak kabilang ang pag-unawa sa isa't isa at tiwala sa pagitan ninyo at ng inyong anak. Nangangahulugan ang positibong disiplina na paggamit ng nakatutulong at hindi nakasasakit na mga paraan upang itaguyod ang pag-unlad ng mga pag-uugali sa lipunan at positibong pagkakilala sa sarili sa inyong anak. Sangkot dito ang pagkaunawa sa mga damdamin ng inyong anak, pag-intindi sa kanyang mga pangangailangan sa pag-unlad, pagkilala at paghikayat sa kanyang mga kawili-wiling pag-uugali at pagtatakda at pagpapanatili ng mga makatuwirang limitasyon. Tumutulong ito sa inyo na na pakitunguhan ang inyong anak nang mahinahon at tumutulong na lumaki ang inyong anak na maging matulungin at masayang bata.
Pagbibigay-pansin at Pagpuri
Palalayawin ba ng pagpuri ang aking mga anak?
Hindi lumalayaw ang mga bata sa pagpuri. Sa katotohanan, tanging ang mga batang tumanggap ng kaunting papuri o gantimpala mula sa mga adulto ang tila madaling natatangay ng papuri. May tendensiya rin silang humingi ng gantimpala bago sumunod sa mga kahilingan.
Kailangan ng inyong anak na nagsisimulang humakbang ang inyong pansin at papuri upang buuin ang tiwala sa sarili sa pagtuklas at pagkatuto. Nagkakaroon ng mataas na pagpapahalaga sa sarili ang mga batang madalas na pinupuri ng kanilang mga magulang sa mga partikular na kasiya-siyang mga pag-uugali. Sa dakong huli ginagawa nito silang hindi labis na umaasa sa mga pag-apruba at panlabas na gantimpala upang kumilos nang tama. Mas malamang na makikita rin nila ang iba sa positibong pananaw kapag lumaki na sila.
- Maging mabait sa pagpansin at pagpuri sa inyong anak
Purihin ang inyong anak sa tuwing nakikita ninyo siyang maging mabait. Ang mga pang-araw-araw na pag-uugali na madalas nating binabalewala, gaya ng pag-upo nang tahimik upang maglaro o hindi paggalaw sa mga bagay na hindi niya maaaring hawakan, ay mga positibong pag-uugali na marapat ang inyong pansin at pagpuri. Patataasin ng inyong maagap na pagpansin sa kanyang mga positibong pag-uugali ang kanyang tsansang ulitin ang mga ito.
- Pagbibigay ng pansin sa inyong anak sa pamamagitan ng:
- Pagtingin at pagngiti
- Paghawak sa kanya nang banayad
- Pagyakap at pagyapos
- Pagpalakpak
- Pagtaas ng inyong hinlalaki
- Pagtingin sa kanyang mga mata nang pantay habang nagsasalita
- Kapag pinupuri ang inyong anak:
- Maging positibo. Sabihin, 'Mabait kang bata sa paglalaro nang mag-isa! ' ' Salamat sa pananatili sa iyong upuan habang kumakain.' 'Magaling at iniwan mo itong mag-isa. '
- Be prangka, maikli at partikular.
- Iwasan ang mga pagpuna o panghihiya na maaaring makapagpahina sa inyong mga pagpuri at makalito sa bata. hal. 'Mabait na bata, pero puwede bang wala nang mga ganyang mga kalokohan.'
- Maging maagap upang ipaalam sa inyong anak kung ano ang pinupuri ninyo,
- Purihin siya sa kanyang pagsisikap sa halip na tagumpay upang ipagpatuloy ang kanyang motibasyon at hubugin ang kanyang pag-uugali sa ninanais na direksyon.
- De-kalidad na Oras at Nakalilibang na mga Aktibidad
Kailangan ng inyong aktibong anak na nagsisimulang humakbang ng marami ninyong pansin at oras. Subukan ang inyong makakaya upang gumugol ng ilang espesyal na oras, kahit na maikli ito, upang maglaro at makipag-usap sa kanya araw-araw. Itong 'de-kalidad na oras' na nae-enjoy ninyo nang magkasama ay magpapatatag sa inyong pagkakabuklod at palalalimin ang kanyang tiwala sa inyo, itinatakda ang batayan para sa mabisang pamamahala ng pag-uugali.
Kung minsan, maaaring maging napakaabala ninyo upang magbigay ng maikling sandali sa kanya. Siguraduhin na mayroong mga aktibidad upang makpag-ugnay sa kanya sa naturang oras upang mas kaunti ang tsansa na magkaproblema siya. Dapat maging kawili-wili sa kanya ang mga aktibidad at angkop sa kanyang antas ng pag-unlad. Bukod sa mga laruan, maaaring maging masaya at malikhain ang mga kahong walang laman, mga sisidlan o matitibay na gamit sa bahay. Maaari ninyong panatilihin ang pagiging bago ng mga aktibidad para sa inyong anak sa pamamagitan ng pagsasaisantabi sa ilan sa mga ito nang pana-panahon para sa paghahalili. Huwag kalimutang hikayatin siya sa pamamagitanng pagbibigay sa kanya ng maikling pagpansin at mga papuri, kapag tumitingin siya o naglalakad nang malapit sa inyo, habang pinanatili niya ang kanyang sarili na abala sa mga naturang aktibidad.
Pagtatakda ng mga Limitasyon at Pamamahala ng mga Maling Pag-uugali
Madalas na sumasali ang inyong anak sa aktibong pagtuklas ngunit maaaring hindi niya alam kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. Hindi niya ito ginagawa nang sadya upang hamunin kayo.
Napakabata pa ba para sumunod sa mga patakaran ang batang nagsisimulang humakbang?
Kailangan ng inyong anak ng malinaw at patuloy na pagtatakda ng limitasyon upang tulungan siyang maintindihan ang mga hinihingi ng mga adulto. Kung papayagan ninyo ang inyong anak na gawin kung anuman ang kanyang gusto na may ilang malinaw na limitasyon, magiging mas mahirap para sa inyo na kumontrol kapag nagkaroon siya ng mga hindi katanggap-tanggap na pattern ng pag-uugali. Magiging mas madali at mas masaya ang pagiging magulang sa pagtulong sa kanya na makamit ang pagsunod sa patakaran at pagkontrol sa sarili sa pamamagitan ng pagtatakda ng limitasyon.
Magiging sobrang palaasa ba ang aking mga anak sa pagtatakda ng limitasyon?
Umuunlad pa ang kakayahan ng inyong anak na nagsisimulang humakbang na mag-isip nang makatuwiran at gumawa ng pagpapasya. Kailangan niya ng inyong pangangasiwa upang masiguro ang kanyang kaligtasan. Lalong mahalaga, matutulungan siya ng inyong paggabay na maintindihan kung ano ang katanggap-tanggap at hindi katanggap-tanggap na mga pag-uugali, at matagumpay na makapag-adjust at makayanan ang mga hinihingi sa kanya.
Maaaring maguluhan ang mga bata ng napakaraming patakaran at limitasyon. May mga pagkakataon na maaari ninyong hikayatin ang inyong anak na bumuo ng kalayaan at paglutas ng problema sa pamamagitan ng pagpayag sa kanya na gumawa ng mga desisyon na angkop sa edad. Halimbawa, maaari ninyo siyang hayaan na tuklasin ang iba't ibang paraan sa paglalaro sa loob ng mga makatuwirang limitasyon, o pumili ng mas gusto niyang mga damit o meryenda mula sa ilang pagpipilian.
Mas mabisa ba ang pamamalo o pananakot?
Maaaring ihinto kaagad ng pamamalo o pananakot ang paggawa ng kalokohan ng inyong anak. Gayunpaman, panandalian lang ang epekto. Maikli pa lang ang memorya ng batang nagsisimulang humakbang at maaari niyang makalimutan kaagad ang itong mga hindi kanais-nais na parusa. Kailangan niyang matuto mula sa inyo ng katanggap-tanggap na paraan upang kumilos, kung hindi, uulitin lang niya ang hindi kanais-nais na pag-uugali. Magiging mas mabisa ang paggamit ng nakatutulong at hindi mapanganib na mga paraan ng positibong disiplina sa pagtuturo sa inyong anak na kumilos nang wasto.
Mga Hakbang sa Pamamahala ng Pag-uugali
- Magtakda ng 2-3 simpleng patakaran sa bahay, hal. 'Umalis lang sa upuan matapos ubusin ang pagkain'. Tukuyin nang malinaw ang mga lugar sa bahay na hindi maaaring pasukin ng inyong anak na nagsisimulang humakbang (hal. kusina)
- Kailangang hindi nagbabago at mahigpit na sinusunod ang mga patakarang itinakda ng lahat ng tagapag-alaga.
- Pagbibigay ng maliliwanag na mga tagubilin.
- Kapag hindi sinusunod ng inyong anak ang mga patakaran, manatiling mahinahon. Subukang sabihin ang kanyang damdamin at mga pangangailangan. Pagkatapos ay sabihin sa kanya nang mahigpit ang 'hindi' na may hudyat ng 'hinding hindi'. Purihin siya kung tumigil siya. Kung hindi siya tumigil, gabayan siya na sundin ang inyong utos gaya ng pagkuha sa kanya at pagsandal sa kanyang likod sa kanyang upuan o paglabas sa kanya mula sa 'ipinagbabawal na lugar'. Pagkatapos, panatilihin siyang abala sa ilang kawili-wiling aktibidad o sa paggawa ng mga aktibidad na kanyang gagawin na kawili-wili.
- Kung gumagawa siya ng mapanganib na kilos, agad siyang patigilin at sabihin sa kanya nang malinaw kung ano ang dapat niyang gawin sa halip. Halimbawa, 'Huwag hawakan nag socket. Halika at makipaglaro kay mommy.' 'Tumigil sa pag-akyat. Bumaba ka para maglaro ng bola.' Pagkatapos purihin siya sa kanyang pagsunod at akitin siya sa isa pang kawili-wiling aktibidad.
- Kung nananatiling hindi sumusunod ang inyong anak na nagsisimulang humakbang, o sumisigaw pa o humihiga sa sahig upang tumutol, maaari ninyong gamitin ang sumusunod upang tulungan siyang kontrolin ang kanyang mga emosyon at makipagtulungan:
- Makasarili ang mga batang nagsisimulang humakbang at limitado ang kanilang mga kakayahang kontrolin ang kanilang mga emosyon at tiisin ang mga pagkabigo. Kapag nababalisa sila, maaari silang kumilos kaagad, na kadalasang tinatawag ng mga adulto bilang "mga pag-aalboroto". Umaasa sila sa paggabay ng magulang upang kontrolin ang kanilang mga emosyon. Kapag malakas ang emosyonal na reaksyon ng inyong anak, maaari kayong manatili sa tabi niya, banayad na pakalmahin siya o yakapin, at tanggapin ang kanyang mga nararamdaman at ipahayag ang kanyang mga pangangailangan sa mga simpleng salita, gaya ng: "nagagalit ka dahil hindi mo ito makuha ngayon." Subukang gabayan siya na makipagtulungan kapag pareho nang maganda ang pakiramdam ninyo.
- Kung minsan maaaring hingin niya ang inyong pansin gaya ng pagsigaw at paggulong sa sahig upang makita kung ano ang inyong reaksyon o upang subukan kung gagawin ninyo kung ano ang sinabi ninyo. Kung banayad ang kanyang hindi angkop na pag-uugali at pareho kayong nasa ligtas na kapaligiran, maaari ninyong gamitin ang 'nakaplanong pagwawalang-bahala', ibig sabihin huwag siyang pansinin nang anuman, maging ang hindi pagtingin sa kanya. Kapag ginamit nang tama at mahigpit, mawawala itong mga hindi angkop na pag-uugali sa lalong madaling panahon. Ngunit kung pinansin ninyo siya sa anumang paraan, kabilang ang pagngiti, pag-uusap, o pagsigaw sa kanya, mapalalakas ang hindi angkop na pag-uugali ng inyong pansin at magpapatuloy. Kapag inaalis ang inyong pansin sa panahon ng nakaplanong pagwawalang-bahala, maging handa na mas sumama ang kanyang hindi angkop na pag-uugali sa simula. Gayunman kung magtiyaga kayo, ihihinto niya ang paggawa ng pag-uugali. Sa sandaling ihinto niya ang hindi angkop na pag-uugali, maaari na ninyo siyang puntahan at ibaling siya sa isa pang aktibidad.
- Kung magpatuloy siya sa pagtutol o mag-alboroto sa hangganan na maaaring naaapektuhan ang iba, maaaring kailanganin ninyong alisin siya mula sa lugar. Manatiling mahinahon at kumilos sa tuwirang paraan. Yakapin ang inyong anak mula sa likod, hinahawakan ang kanyang itaas na mga braso at katawan upang mabawasan ang kanyang pagpupumiglas. Huwag magbigay ng iba pang pagtugon hanggang maging mahinahon siya. Sa paraang ito, matutulungan siyang maging mahinahon sa pagiging malayo mula sa mga nakakabagabag na sitwasyon. Sa pamamagitan ng hindi nakasasakit na pagpigil at pag-aalis sa kanya mula sa eksena, binibigyan ninyo siya ng proteksyon at pakiramdam ng seguridad. Kasabay nito, sinasabi sa kanya ng inyong paninindigan na sinusunod ninyo ang mga patakaran.
- Kapag huminahon na siya, purihin siya sa pagiging tahimik at nakikipagtulungan. Pagkatapos ibalik siya sa isang nakalilibang na aktibidad.
Natatangi ang bawat batang nagsisimulang humakbang. Posible na maaaring kailangan ng inyong anak ng mas mahabang panahon upang maintindihan at sundin ang inyong pagdidisiplina. Hangga't patuloy kayong nagsisikap sa positibong disiplina – inaalagaan ang inyong anak nang may positibong pansin at pagpapalakas ng loob, at pamamahala sa kanya nang mahinahon, matatag, at matiyaga sa loob ng malilinaw na limitasyon – matututunan niyang sundin ang mga patakaran sa pakikipagkapwa, magkakaroon ng kontrol sa sarili, at mabubuo ang pagpapahalaga sa sarili sa kurso ng kanyang paglaki.
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng "Masayang Pagiging Magulang!" para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.