Pagkakaroon ng SAYA Kasama ang Inyong mga Anak habang Nanatili sa Bahay

(Peb 2020)

Pagkakaroon ng SAYA Kasama ang Inyong mga Anak habang Nanatili sa Bahay

Nahihirapan ba kayong panatilihing abala ang inyong mga anak ngayong nananatili kayo sa inyong bahay dahil sa pandemya? Narito ang ilang ideya ng mga aktibidad na gagawin sa bahay; maaari din ninyong i-scan ang QR Code para sa mga karagdagang payo kung paano maglibang kasama ang inyong mga anak sa bahay mula sa website ng FHS.

Maging Aktibo

  • Gumamit ng mga kutson / unan upang gumawa ng mga tunnel o mga balakid para gapangan o lusutan
  • Umihip ng mga balahibo at panatilihin ang mga ito sa hangin
  • Umihip ng mga bula
  • Maghalinhinan sa paggaya ng mga kilos ng bawat isa
  • Patugtugin ang mga paboritong musika at sumayaw
  • Gayahin ang mga galaw ng hayop (hal. elepante, ahas, bibe, atbp.)
  • Maglaro ng pagsalo o pag-shoot ng mga bolang gawa sa patapong papel
  • Paghahanap ng mga bagay
  • Subukan ang mga pisikal na laro ng magulang-anak na iminumungkahi ng "StartSmart@school.hk"

Tahimik na Oras

  • Pagguhit
  • Pagkukulay
  • Origami
  • Gumamit ng play dough
  • Lumikha ng aklat ng mga kwento o mga kard para sa pamilya o mga kaibigan gamit ang lumang dyaryo o mga magasin
  • Paghahalaman + itala ang paglaki ng mga halaman
  • Maglaro ng bahay-bahayan
  • Camping sa loob ng bahay
  • Sabay na magbasa
  • Magkasamang gumawa ng mga nobela
  • Gumawa ng mga papet mula sa mga lumang medyas para sa pagkukuwento

Tumulong sa mga Gawaing-bahay

  • Tumulong sa pag-aayos ng mesa para sa pagkain
  • Itabi ang mga mangkok / kubyertos + linisin ang mesa matapos kumain
  • Sabay na magluto
  • Paghiwa-hiwalayin ang mga nilabhang damit
  • Itupi ang maliliit na tuwalya
  • Diligan ang mga halaman

Huwag kalimutan:

  • Subukang isingit ang mga gawain sa pang-araw-araw na iskedyul at panatilihin ang rutina
  • Magtakda ng tinatayang mga oras para sa rutina at mga gawain na may kakayahang umangkop; iwasan ang labis na iskedyul
  • Magbigay ng paunang abiso at gabayan ang bata sa pagliligpit pagkatapos ng isang gawain
  • Hayaan ang mga bata na magkaroon ng “libreng” oras
  • Kailangan din ng mga tagapag-alaga ng pahinga!