Pagiging Magulang Serye 22 – Pagtulong sa Inyong Anak na Nasa Preschool na Maging Matatag 1 (3 hanggang 5 taong gulang)
Ang Kahalagahan ng Katatagan
Di-maiiwasan ang mga paghihirap sa ating buhay. Maaaring maging mayamutin o malungkot ang ilang bata bilang resulta, habang ang iba ay nakakayang makaangkop o makabawi nang mabilis mula sa mga kahirapan. Nagpapakita ang mga huling nabanggit ng proseso ng positibong pag-angkop na karaniwang kilala bilang katatagan. Karaniwang nananatiling maagap at may positibong pananaw sa harap ng kahirapan ang mga batang nagpapakita ng katatagan. Ipinahiwatig ng pananaliksik na ang mga batang nagpapakita ng katatagan ay may kakayahan, may tiwala, mas malusog, may mas higit na tagumpay sa akademiko at mas kasiya-siya sa kanilang pag-aaral sa paaralan.
Maaari ninyong tulungan ang inyong anak na nasa preschool na maging matatag sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga kalidad sa kanyang sarili mismo at pagpapahusay ng mga salik sa kanyang kapaligiran. Ang mga pangunahing katangian sa isang bata na nagpapahusay ng katatagan ay pagpapahalaga sa sarili, pagiging positibo ang pananaw, pag-asa, komunikasyon at mga kakayahan sa paglutas ng problema. Mahalaga rin mga salik sa kapaligiran ang positibong pagiging magulang, suporta at kooperasyon sa paaralan.
Pagtataguyod ng mga Katangian sa Kalooban ng Inyong Anak
Pagpapahalaga sa sarili
Tinutukoy ng pagpapahalaga sa sarili ang damdamin ng kahalagahan na nararamdaman ng isang tao tungkol sa kanyang sarili. Nagsisilbing panangga ang mataas na pagpapahalaga sa sarili laban sa pagkasira ng loob matapos ang paghihirap. Sa kabilang dako, maaaring magapi ng kabiguan at pagtanggi ang tiwala sa sarili ng mga batang may mababang pagpapahalaga sa sarili. Matutulungan ninyong mabuo ng inyong anak ang pagpapahalaga sa sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga sumusunod:
- Pagpapakita ng pagmamahal at pagbibigay ng pansin sa inyong anak
- Ipakita ang inyong pagmamahal at bigyang-pansin ang inyong anak sa pamamagitan ng walang-salitang paraan (mga ngiti, yakap, halik, pagtapik) pati na rin ng mga sinasalitang paraan (hal. "Lagi kitang mamahalin, mahal kong bunso").
- Kung minsan, gumagawa ng kalokohan ang lahat ng bata. Ipakita ang di-pagsang-ayon sa di-angkop na pag-uugali ng inyong anak (hal. "Hindi tama ang pakikipag-away") sa halip na ang bata mismo (hal. "Grabe ka").
- Tanggapin ang inyong anak kung ano siya upang matutunan niyang tanggapin ang kanyang sarili.
- Pangangalaga sa mga kalakasan ng inyong anak
- Nabubuo rin ang pagpapahalaga sa sarili kapag nakikilala ng bata ang kanyang sarili sa pagkakaroon ng mga personal na kalakasan sa pamamagitan ng inyong positibong puna.
- Kilalanin ang interes at mga kalakasan ng inyong anak, hal. paglalaro ng soccer, pagbabasa, pagiging matulungin, atbp.
- Magtakda ng makatotohanan at natatamong layunin sa pagbuo ng kanyang mga kalakasan sa ganap na potensyal. Magsimula sa isang antas na tumutugma sa kakayahan ng inyong anak. Halimbawa, pahalagahan ang kasiglahan ng inyong 3-taong gulang na anak sa pagsusulat sa halip na asahan siyang gumuhit ng isang pigura na may mga detalye. Maaari nitong magarantiya ang makabuluhang simula at mas malamang na patuloy na makamit ng inyong anak ang kanyang ganap na potensyal.
- Pagbuo ng positibong pagtingin sa sarili ng inyong anak
- Padadaliin ng inyong nakatutulong na pagsusuri sa inyong anak ang kanyang pagbuo ng positibong pagtingin sa sarili.
- Kuhanin ang bawat pagkakataon upang ipahayag ang inyong pagpapahalaga matapos magpakita ang inyong anak ng anumang positibong pag-uugali o tagumpay. Dapat na partikular ang pagpapahalaga, hal. "Salamat sa pagtatabi ng iyong mga laruan pagkatapos mong maglaro "
- Suriin ninyo kasama ng inyong anak, kung ano ang kanyang mga nagawa araw-araw - gaano man kaliit ito.
Pagiging positibo at Pananaw na puno ng pag-asa
Mababawasan ang nakasisirang epekto ng paghihirap kapag tinitingnan ng mga bata ang mga kabiguan sa positibong paraan. Nag-iisip nang positibo ang mga positibong bata at may kakayahang makapangibabaw. Hindi sila mabilis sumuko dahil iniisip nilang makaiimpluwensya ang kanilang mga pagkilos sa kahihinatnan ng isang kaganapan. Bukod dito, alam ng mga batang may saloobin na puno ng pag-asa ang kanilang direksyon at may motibasyon na manaig kahit sa panahong mahirap. Matutulungan ninyong mabuo ng inyong anak ang pagiging positibo at may pag-asa sa mga sumusunod na paraan:
*Paglinang ng pagkapositibo
Tulungan ang inyong anak na tingnan ang kabiguan bilang: | Huwag sabihin ang: |
---|---|
|
|
|
|
|
|
Magkakaroon ng malaking epekto sa pagiging positibo ng inyong anak ang inyong mga salita. Kapag natapos ng inyong anak ang isang gawain o nakagawa ng isang tagumpay, huwag maging masama sa kanya sa pagsasabi ng ilang bagay gaya ng, "Huwag kang maging sobrang excited!" Nagawa mo lang ito sa pagkakataong ito", "Mahusay ka lang sa pag-drawing" o "Sinusuwerte ka lang." Sa halip, bigyan siya ng pagpapahalaga at pagpapalakas ng loob, "Nagawamo!" o "May talento ka sa pag-drawing."
- Pagtataguyod ng kakayahang makapangibabaw
- Pumili ng mga laruang angkop sa antas ng pag-unlad ng inyong anak. Pagtataguyod ng kakayahang makapangibabaw ang mga laruan at gamit na kayang kontrolin ng inyong anak at tutugon sa mga pagkilos. Pinadadali ng mga ito ang pag-unawa ng inyong anak sa kaugnayan ng mga dahilan sa pagitan ng kanyang mga pagkilos at mga resulta. Halimbawa, masisiyahan ang isang taong gulang na bata sa mga nota ng musika na mula sa kanyang pagpindot ng buton; at kampante sa paggamit ng gunting ang mga apat na taong gulang na bata.
- Labis na mausisa ang mga bata. Kadalasan, ginagaya nila ang pag-uugali ng matatanda bago ninyo malamang handa na silang matuto. Sa sandaling magpakita ng interes ang inyong anak, hikayatin siyang sumali sa mga gawaing pag-aalaga ng sarili gaya ng pagkain at pagbibihis.
- Mag-alok ng mga pagpipilian sa inyong anak na may makatuwirang limitasyon (hal. dalawa o tatlong pagpipilian), gaya ng mga pagpipilian sa kanyang pananamit, meryenda, laruan at aklat na babasahin.
- Sanayin ang inyong anak sa pagtatakda ng layunin. Dapat na partikular at makakamit ang layunin, hal. "Tapusin natin ang pag-drawing bago manood ng TV".
- Tulungan ang inyong anak na makamit ang layunin nang unti-unti. Halimbawa, gabayan siya para matapos ang larawan, "Gusto mo bang mag-drawing ng anumang bagay kalapit ng aso? Gusto mo bang magdagdag ng ilan pang mga kulay?" Hikayatin at purihin siya sa kanyang pagsisikap. "Halos tapos na ito. Napakakulay ang larawan!"
- Pagpapaunlad sa pag-asa
- Kumilos bilang isang huwaran ng inyong anak at magpakita ng puno ng pag-asang pananaw sa buhay hal. "Hindi ko makita ang tamang laki ng T-shirt para sa akin sa tindahang ito, sa palagay ko'y mayroon sa kabilang tindahan".
- Magbasa ng mga kuwento na naghahatid ng mga ideya ng pag-asa at pagtitiyaga sa inyong anak gaya ng 'Ang Pagong at ang Kuneho' at 'Ang Batang Bayani ng Holland'.
- Baguhin ang mga saloobing nakakasira ng kalooban ng inyong anak at gawing nagpapalakas ng loob at nagbibigay-kapangyarihan. Halimbawa, kapag sinabi ng inyong anak, "Lagi akong nabibigong makakuha ng mga sticker mula sa aking guro," maaari kayong tumugon na, "Hindi ka nakatanggap ng sticker mula sa guro mo ngayon. OK lang iyon! Sige na, pasayahin mo ang sarili mo! Subukan mo ulit bukas!"
- Tulungan ang inyong anak na matuto mula sa kanyang mga pagkakamali o mga kabiguan. Hayaan siyang gumawa muna ng mga kalutasan bago ninyo siya gabayan para sa mga alternatibo. Halimbawa, maaari ninyo siyang gabayan upang tukuyin ang mga sanhi ng pagkabigo at tapos ay itanong, "Ano ang iba mo pang magagawa sa susunod para makuha mo ang premyo?"
Mga kakayahan sa komunikasyon at paglutas ng problema
Nagagawang malampasan ang mga kahirapan ng mga batang may kakayahan sa komunikasyon at paglutas ng problema. Ang mga sinusunod na alituntunin ay:
- upang hikayatin ang inyong anak na ipahayag ang kanyang sarili at
- upang tulungan siyang lutasin ang problema nang mag-isa sa halip na paglutas ng problema para sa kanya.
- Pagpapaunlad ng mga kakayahan sa komunikasyon
- Hikayatin at tulungan ang inyong anak na ipahayag ang kanyang mga saloobin at damdamin. Halimbawa, "Dahil naiwala mo ang iyong teddy bear, naging sobrang tahimik ka. Sige na, sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo?" Kung nanatiling tahimik ang inyong anak, tanungin siya, "Masama ba ang loob mo sa pagkawala ng iyong teddy bear? Sabihin mo pa sa akin ang tungkol dito."
- Sikaping pigilin ang pagpapahayag sa pamamagitan ng mga hindi kanais-nais na pag-uugali gaya ng pag-angal, pag-aalboroto o paglusob. Magbigay ng mga parusa gaya ng pagdadala sa kanya sa tahimik na oras. Humanap ng mga pagkakataon na turuan siya kung paano ipahayag ang kanyang mga emosyon sa isang paraan na katanggap-tanggap ng lipunan sa ibang panahon kapag pareho na kayong kalmado.
- Ipaalala at gawin ang paghahalinhinan sa pag-uusap hal. "OK! Makikinig muna ako sa iyo at pagkatapos ako naman ang magsasalita."
- Hikayatin ang inyong anak na magsanay ng mga kakayahan sa komunikasyon sa pamamagitan ng larong kunwa-kunwarian. Halimbawa, kapag naglalaro siya bilang doktor, maaari niyang sanayin ang pakikinig at pagtatanong; kapag naglalaro siya bilang pasyente, maaari niyang sanayin ang pagpapahayag ng mga nararamdaman.
Ipinaliliwanag ng polyeto 13 sa Serye ng Pagiging Magulang na ito ang pag-unlad ng mga kakayahan sa komunikasyon habang inilalarawan ng polyeto 16 ang pamamahala ng pag-uugali nang mas detalyado.
- Pagtataguyod ng mga kasanayan sa paglutas ng problema
- Gisingin ang interes sa paglutas ng mga problema at pagharap sa mga pagsubok sa pamamagitan ng mga laro, hal. simpleng jigsaw puzzle, modelong gusali ng riles ng tren at larong pagkukunwari.
- Tulungan ang inyong anak na kilalanin at ipaliwanag ang problema. Halimbawa, kapag binabasa ninyo ang 'Tatlong Maliliit na Baboy' sa inyong anak, hikayatin siyang isipin, "Bakit nasa panganib ang unang maliit na baboy?"
- Pasiglahin ang inyong anak na gumawa ng mas maraming solusyon hangga't maaari.
- Tulungan ang inyong anak na pumili ng solusyon. Magbigay ng ilang pagpipilian kung mahirap para sa kanya na magpasya, hal. "Gusto mo bang gumamit ng lapis o felt pen para gumuhit ng larawan?"
Sa kabuuan, maaari ninyong pahusayin ang katatagan ng inyong anak sa pagtulong sa kanya na harapin ang mga kahirapan at lutasin ang mga problema nang positibo, may magandang pananaw at tiwala. Ngayong natalakay na ang pagpapahusay ng mga katangian sa inyong anak, maaari ninyong basahin ang polyeto 23 Pagtulong sa Inyong Anak na nasa Preschool na Maging Matatag II sa serye ng Pagiging Magulang para sa mga dahilan sa kapaligiran na nagpapaunlad ng katatagan sa inyong anak.
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng "Masayang Pagiging Magulang!" para sa pag-aalaga ng anak at pagiging magulang para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.