Pagiging Magulang Serye 23 – Pagtulong sa Inyong Anak na Nasa Preschool na Maging Matatag 2 (3 hanggang 5 taong gulang)
Maaari ninyong tulungan ang inyong anak na nasa preschool maging matatag sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga kalidad sa kanyang sarili mismo at pagpapahusay ng mga salik sa kanyang kapaligiran. Habang inilalarawan ng Part I ang mga katangian ng isang bata na nagpapahusay ng katatagan, ipakikilala ng polyetong ito ang kasing halaga na mga dahilan sa kapaligiran. Kabilang dito ang suporta ng magulang, positibong pagiging magulang at pakikipagtulungan sa paaralan.
Mga Dahilang Nagpapahusay sa Kapaligiran ng Bata
Pagbibigay ng suporta
- Kailangan ng inyong mga anak ng inyong suporta kapag nahaharap sa mga paghihirap:
- Bumuo ng malapit na kaugnayan sa inyong anak mula sa kanyang murang edad sa pangangalaga sa kanya, pakikipag-usap at pakikipaglaro sa kanya. Mabubuo ang tiwala niya sa inyo at lalapit sa inyo para sa tulong kapag kailangan.
- Mas mahalaga kaysa anupaman ang pag-aalok ng emosyonal na suporta sa inyong anak sa panahon ng paghihirap at pagkabigo. Mapagiginhawa siya ng inyong yakap o mga nakapapanatag na mga salita. Halimbawa, kapag umiiyak siya dahil sa mga nahulog na bloke na itinayo niya nang ilang oras, sa halip na sabihin ang, 'Bakit ka umiiyak? Hindi umiiyak ang mga lalaki', dapat ninyong kilalanin ang kanyang mga damdamin sa pagsasabi ng, 'Naku! Napakagandang kastilyo nito. Siguro naiinis ka.' Pagkatapos, bigyan siya ng pagpapalakas ng loob, 'Gumawa tayo ng mas maganda.'
- Upang itaguyod ang pagiging malaya, laging hikayatin ang inyong anak na lutasin ang mga problema nang mag-isa. Sa kabilang dako, maging handa na magbigay ng paggabay at mag-alok ng praktikal na tulong kapag malinaw na hindi niya kayang hawakan ang sitwasyon. Mas madaling malalampasan ng inyong anak ang mahirap na yugto kapag naroon kayo upang magbigay ng kinakailangang suporta.
- Hikayatin ang inyong anak na humingi ng tulong kapag hindi niya makaya ang sitwasyon. Maging huwaran at ipakita sa kanya kung paano humingi ng tulong. Sa paggawa nito, itinuturo ninyo sa inyong anak ang pag-iisip na humihingi ng tulong.
Positibong Pagiging Magulang
Gumagamit ang positibong pagiging magulang ng nakatutulong at hindi nakasasakit na mga paraan upang itaguyod ang pag-unlad ng mga pag-uugali sa lipunan at positibong pagkakilala sa sarili sa inyong anak. Sangkot dito ang pagiging huwaran,hinihikayat ang kaaya-ayang pag-uugali sa inyong anak at pagtulong sa kanya na matutunan ang mga patakaran, mga limitasyon, at mga kahihinatnan. Tutulong ito na malinang ang damdamin na pagiging responsable at pagkontrol sa sarili at itataguyod ang mga kakayahan sa komunikasyon at paglutas ng problema sa inyong anak. Pinadadali ng lahat ng kakayahang ito ang katatagan.
- Pagiging mabuting halimbawa
- 'Kung ano ang ama, gayundin ang anak'. Sa pagtingala sa inyon bilang isang huwaran at paggaya sa inyong magandang halimbawa, mas mabubuo ng inyong anak ang kaaya-ayang pag-uugali at mga positibong pagpapahalaga.
- Paghikayat ng positibong pag-uugali na nagpapahusay ng katatagan
- Sa simula, kailangan ng inyong anak ng madalas na mga pagpuri mula sa inyo upang itatag ang kaaya-ayang pag-uugali. Madaragdagan ng inyong atensyon ang dalas ng kaaya-ayang pag-uugali.
- Kapag naging matatag ang kanyang pag-uugali, maaari ninyong unti-unting bawasan ang inyong mga papuri. Gayunman, kailangan pa rin ninyo siyang bigyan ng positibong atensyon. Pinanatili ng pagkilala at pagpapalakas ng loob nang paminsan-minsan ang kaaya-ayang pag-uugali.
- Pagtatakda ng limitasyon
- Maaaring makatulong ang pagtatakda ng mga angkop na limitasyon na malinang ang disiplina sa sarili at responsibilidad sa inyong anak.
- Talakayin sa inyong anak ang mga patakaran at limitasyon na gusto ninyong sundin niya. Siguraduhin na ang mga ito ay malinaw, partikular, nasa mga positibong termino at angkop sa edad ang mga ito. Halimbawa, maaaring maging patakaran na angkop sa mga 5 taong gulang ngunit hindi para sa mga 3 taong gulang ang 'pagbibihis nang mag-isa pagkagaling sa paaralan'.
- Paggamit ng matigas na pagdidisiplina na may mga back up na parusa
- Ihanda nang maaga ang inyong anak sa kung ano ang parusang kanyang makukuha kung hindi siya sumunod sa patakaran.
- Hayaan siyang matutong maging responsable para sa sarili niyang pag-uugali. Halimbawa, kailangan niyang matutunan na hindi siya hihingi ng kapalit kung maiwala niya ang kanyang laruan dahil sa kapabayaan; o kakailanganin niyang pumunta sa paghinto nang sandali kung hinampas niya ang kanyang kapatid na babae.
- Dapat na may kaugnayan sa sitwasyon ang parusa. Hindi dapat gamitin ang nakasasakit na parusa gaya ng pagsigaw sa bata, pagpalo o pagpapahiya sa kanya.
- Maging mapamilit at hindi nagbabago sa pagpapatupad ng mga patakaran at parusa.
- Maaari kayong mag-alala na maging malungkot ang mga bata o maging kamuhian nila kayo dahil sa paggamit ng mahigpit na pagdidisiplina. Nangangahulugan ang positibong pagiging magulang na pagpapanatili ng malapit at kaaya-ayang kaugnayan sa inyong anak habang itinatakda ang matatag na limitasyon para sa kanya. Kapag kailangang gamitin ang isang parusa para sa kanyang maling pag-uugali, kailangan ninyong ipahiwatig sa bata na dahil ito sa pag-uugali at hindi siya ang inyong hindi sinasang-ayunan. Sa paggawa nito, tutulungan lang siya ng matigas na pagdidisiplina na matutong maging responsable at gagawing natatantiya ang inyong inaasahan. Pagkatapos, mababawasan ang mga problemang emosyonal at pag-uugali ng inyong anak at magiging mas matatag ang ugnayan sa pagitan ninyo ng inyong anak.
Ipinaliliwanag ng polyeto 15 at 16 dito sa serye ng Pagiging Magulang ang mga paraan ng positibong pagiging magulang nang mas detalyado.
Pakikipagtulungan sa paaralan
Mga lugar ang nursery at mga paaralan kung saan ginugugol ng inyong anak ang mahabang oras bukod sa bahay. Kaya, mahalagang piliin ang isa na nagbabahagi ng mga pagpapahalaga na kapareho ng sa inyo. Isaalang-alang kung:
- Pinapaboran ng kurikulum ang pag-unlad ng mga nagpapadaling dahilan ng katatagan. Halimbawa, kung kasama sa kurikulum ang kakayahan sa komunikasyon at paglutas ng problema at nabubuo ang mga kalakasan ng mga bata.
- Alam ng mga guro ang kahalagahan ng pagpapahusay ng katatagan sa paaralan.
- Mayroonginit, paggabay at suporta mula sa mga guro.
Kailangan ang pagtutulungan sa pagitan ng mga magulang at guro sa pagpapahusay ng katatagan ng mga bata:
- Panatilihin ang malapit na komunikasyon sa mga guro tungkol sa pagkaya ng inyong anak sa paaralan at sa bahay. Talakayin sa kanila kung paano mapahuhusay ang pag-uugali ng inyong anak sa paraang nakatutulong. Subukan ang mga mungkahi ng guro upang hikayatin ang inyong anak at hayaang malaman ng mga guro ang kanyang kaaya-ayang pag-uugali sa bahay. Malalaman din ninyo nang higit pa ang kanyang pag-uugali sa paaralan at makagagawa ng mga mungkahi sa mga guro kung kinakailangan.
- Gampanan ang aktibong tungkulin sa pagsali sa mga aktibidad na inorganisa para sa mga magulang sa paaralan gaya ng mga pulong, pagsasanay ng boluntaryo at magkakasamang aktibidad ng magulang at guro. Habang kaya ninyong gampanan ang mga pagkakataong bigyan ang inyong sarili ng kaalaman at mga kasanayan sa pagiging magulang, maaari ding kayong maging huwaran ng pagiging sabik na matuto para sa inyong anak.
Araw ng mga Magulang
- Kapag nakikita ng inyong anak ang inyong motibasyon na sumali sa mga gawain sa paaralan, magiging mas sangkot siya sa kanyang buhay sa paaralan. Palalakasin nito ang kanyang damdamin ng pagiging kabilang sa paaralan at patataasin ang tsansa ng paghingi ng tulong mula sa paaralan kapag kinakailangan.
Gaya ng pagtataguyod ng iba pang katangian at mga kasanayan, nakasalalay sa inyong tiyaga, pagpaparaya at pagsisikap ang pagbuo ng mga katangian ng katatagan sa mga bata. Isa itong panghabambuhay na proseso. Sa inyong pagmamahal at pangangalaga, handa ang inyong anak na simulan ang paglalakbay ng katatagan.
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng "Masayang Pagiging Magulang" para sa pag-aalaga ng anak at pagiging magulang para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.