Pagiging Magulang Serye 13 - Pakikipag-usap gamit ang mga Salita Para sa 2-4 na taong gulang na bata

(Binago ang nilalaman 12/2019)

Pagkatapos ng ikalawang kaarawan, mas naipahahayag ng inyong anak ang kanyang mga pangangailangan nang pasalita gamit ang kanyang pinagsama-sama at naipong bokabularyo. Tumutulong sa inyong anak ang pagbibigay ng angkop na kapaligiran ng wika na may mga aktibidad sa paggamit ng wika upang mabuo ang kanyang wika bilang isang kagamitan para makipag-usap, matuto at mag-isip. Habang nag-iiba-iba ang mga bata sa bilis ng pag-unlad ng wika, partikular sa mga kasanayan sa pagpapahayag, mahalagang maintindihan ang antas ng mga kakayahan sa wika ng inyong anak.

Mga Katangian ng Pag-unlad ng Wika para sa 2-4 na taong gulang na bata

Nasa ibaba ang maikling pangkalahatang paglalarawan ng pag-unlad ng wika para sa mga batang mula 2 hanggang 4 na taong gulang. Mababasa ang mas maraming detalye sa polyeto ng serye sa Pag-unlad ng Bata.

Humigit-kumulang na Edad

Pag-unawa

Pagpapahayag

2-3 taon

Naiintindihan ang mga simpleng 'oo/hindi', mga tanong na 'ano' at 'saan'

  • Nagsasalita sa mga parirala o simpleng pangungusap hal. 'Mommy gusto ko ng cookie'
  • Nagsisimulang gumamit ng mga panghalip
  • Sa edad na 3, nagsasalita ng maiikling pangungusap gamit ang mga panghalip hal. 'Gusto ko ang aking tasa'
  • Gumagamit ng mga pang-uri hal. 'maganda', 'mainit'
  • Gustong magtanong ng mga katanungang 'ano', 'saan'

3-4 taon

Sumusunod sa pang-araw-araw na tagubilin hal. "Ilagay ang mga damit sa basket ng labahin na nasa banyo."

  • Inilalarawan angmga kaganapan at kung ano ang nangyayari gamit ang mga simpleng salita
  • Gustong magtanong ng mga katanungang 'bakit'
  • Sa edad na 4, matatas nang magsalita

Paano Magbigay ng Kapaligiran Mayaman sa Wika?

Pakikipag-usap sa Inyong Anak

Kayo ang pinakamalapit na tao at huwaran ng inyong anak. Sumusulong ang mga karanasan sa pakikinig at pagsasalita sa pamamagitan ng paggamit ng pang-araw-araw na pagkakataon upang makipag-usap sa inyong anak.

  • Paglalarawan sa inyong mga kilos

    Ilarawan sa inyong anak kung ano ang inyong ginagawa, hal. 'Inilalagay ni Mommy ang mga damit sa drawer.' Isaalang-alang ang antas ng pang-unawa ng inyong anak at gamitin ang malilinaw at maiikling salita.

  • Paggamit ng mga tanong

    Gumamit ng mga angkop na tanong upang kumuha ng mga ideya at salita mula sa inyong anak. Halimbawa, 'Gusto mo ba ng tinapay?' 'Ano ang ginagawa mo?' Kapag lumalawak na ang kanyang bokabularyo, gumamit ng mas maraming tanong na masasagot sa iba't ibang paraan gaya ng 'Anong gusto mo para sa almusal?' sa halip na mga tanong na masasagot ng oo, hindi at limitadong set ng posibleng sagot. Mahihikayat nito siya na sabihin nang detalyado kung ano ang gusto niya.

  • Aktibong pagsagot

    Karaniwang nagpapahayag at palatanong ang isang 3-taong-gulang na bata. Kapag lumalapit siya sa inyo, subukang ihinto ang inyong ginagawa at asikasuhin kung ano ang sinasabi niya. Hikayatin siyang magsalita sa pamamagitan ng pagngiti, pagtango o mga pagpuri. Matiyagang maghintay na matapos siya bago kayo sumagot.

  • Pagdaragdag ng mga bagong salita at konsepto

    Nagpapadali sa pagaaral ng inyong anak ang pagdaragdag ng mga bagong konsepto sa kanyang mga sinabi. Halimbawa, kapag sinabi niyang 'Mommy gusto ko ng cookies', maaari ninyong sabihin na, 'Gutom ka na at gusto mong bigyan ka ni Mommy ng ilang cookie.' Isa pang halimbawa, kapag sinasabi niyang 'mga aso tumakbo kayo rito', maaari ninyong sabihin, 'Oo nga, may puting aso. May parating din na itim na aso.'

  • Pagkatuto sa isang natural na kapaligiran

    Maaaring magsalita ang inyong anak sa maiikling pangungusap na hindi tama ang gramatika, hal. 'Bakit ako hindi pwede laro' sa halip na 'Bakit hindi ako puwedeng maglaro?' Gayundin, maaaring hindi siya kadalasang makabigkas nang tama hanggang maabot niya ang edad na apat. Huwag siyang ipahiya. Ulitin lang ang kanyang mga salita nang tama at huwag hingin sa kanya na gayahin kayo. Halimbawa, kapag sinasabi niya ang 'sop' para sa 'sopas', sabihin lang sa kanya, 'Oo, sopas ito.'

Pagbabasa kasama ang Inyong Anak

Ang batang may edad 2 hanggang 4 ang may gusto sa pagbabasa. Masisiyahan siyang maupo sa inyong kandungan at tumingin sa mga larawan habang nagbabasa kayo para sa kanya. Subukang maglaan ng ilang oras araw-araw upang magbasa na kasama siya. Hindi lang nito pinahuhusay ang inyong malapit na kaugnayan sa inyong anak, pinadadali din nito ang pag-unlad ng wika, imahinasyon at pag-iisip ng inyong anak.

Paano pumili ng aklat
  1. Dapat itong magtaglay ng makukulay at malilinaw na nakaguhit na mga larawan.
  2. Dapat may katuturan ang mga larawan sa pagsasabi ng kuwento nang wala ang mga naka-print na salita. Dapat simple at maikli ang mga nakasulat na salita.
  3. Dapat angkop ang nilalaman para sa antas ng pag-unlad ng bata at inilalarawa ang mga bagay o pangyayari na pamilyar sa kanya.
Paano magbasa kasama ang inyong anak
  1. Hayaan ang inyong anak na pumili ng aklat at pahina upang basahin.
  2. Paupuin sa inyong kandungan o sa inyong tabi at magbasa na kasama siya.
  3. Hayaan siyang humawak sa aklat at ilipat ang mga pahina.
  4. Tumuro sa mga larawan habang inilalarawan ninyo ang mga ito.
  5. Gabayan siya na obserbahan at ilarawan ang mga larawan o sabihin sa inyo ang kuwento.
  6. Kapag nagbabasa ng kuwento sa kanya, laktawan ang mga salita o bahagi ng pangungusap para punan niya paminsan-minsan. Huminto at magtangon gaya ng 'Ano ang mangyayari pagkatapos?' Tutulong ito sa inyong anak na matutong maglarawan ng mga kaganapan at mabuo ang lohikal na pangangatuwiran.
  7. Gusto ng mga bata na marinig ang parehong kuwento nang paulit-ulit. Gamitin ang katangiang ito at isagawa ang mga pamamaraang nabanggit upang gabayan ang inyong anak na magkuwento mismo ng mga kilalang kuwento nang unti-unti.
  8. Tandaan na magpakita ng interes at magbigay ng mga papuri at pagpapalakas ng loob sa kanyang mga sinasabi.
  9. Huwag puwersahin ang bata sa paghingi sa kanya na baybayin o basahin ang mga salita. Gagawin lang nitong nakaiinip at nakatatakot na gawain ang pagbabasa para sa kanya.

Paglalaro kasama ang Inyong Anak

Gusto ng mga batang edad 2 hanggang 4 na magsalita nang mag-isa habang naglalaro. Gusto niyang maglaro ng iba't ibang papel na nararanasan sa kanyang pang-araw-araw na buhay o makipag-usap tungkol sa kanyang imahinasyon.

Makipag-usap sa inyong anak habang nakikipaglaro sa kanya gamit ang mga pamamaraan ng komunikasyon na nabanggit sa seksyon na "Pakikipag-usap sa Inyong Anak".

Mga Gawaing Pangmusika kasama ang Inyong Anak

Naaakit ng ritmo ang interes at atensyon ng isang bata. Mapadadali rin ng pakikinig sa musika at pagkanta na kasama siya ang pag-unlad ng wika ng inyong anak. Gumawa ng sarili ninyong mga titik at gawing mga pamilyar na tugma ang mga ito. Halimbawa, maaaring baguhin ang 'London Bridge is falling down' sa 'Leaves from trees are falling down' o 'London Bridge is long and tall'. Magiging mas masaya kung sasabayan ng mga kilos.

Mga Madalas Itanong sa Pag-unlad ng Wika

Paano hikayatin ang aking anak na magsalita sa harap ng ibang tao?

Dapat matuto ang mga bata na magsalita sa natural na kapaligiran. Hindi lang kayong dalawa magigipit kapag pinuwersa ninyo ang inyong anak na magsalit o gumanap sa harap ng mga tao. Payagan siyang bumati sa pagtango o pagngiti kapag nakatatagpo ng mga hindi kilala. Kadalasang magsisimulang magsalita ang mga bata matapos nilang sumigla at malibang.

'Nauutal' ang aking anak kapag nasasabik siyang magsabi ng isang bagay. May mali ba sa kanya?

Karaniwan sa mga 2- hanggang 3-taong-gulang na ulitn ang mga tunog, pantig at salita kapag nagsasalita sila. Madalas lumilitaw ang gawi kapag napupuwersa o nagmamadali. Hindi ito pagkautal ngunit normal na pag-ulit kapag hindi matatas ang pagsasalita. Maaari itong mawala kinalaunan habang tumatanda ang inyong anak. Sa halip na ipahiya o punahin siya, maging matiyagang makinig sa kanya nang hindi sumasabad o nanghihikayat. Iwasang magsalita nang napakabilis para gayahin ng bata. Kung matindi o nangyayari pa rin ang mga pag-ulit ng salita matapos ang edad na apat, kumonsulta sa doktor o therapist sa pagsasalita.

May empleyado akong kasambahay na Filipino upang alagaan ang aking anak. Makaaapekto ba ng kapaligirang dalawa ang wika sa pag-unlad ng wika ng aking anak?

Walang ebidensya mula sa mga pananaliksik na magdudulot ang dalawang wika ng masamang wika sa mga bata. Sa kapaligiran na may sapat at magandang kalidad na input ng dalawang wika, nagkakaroon ang mga bata ng parehong wika at naaabot ang mga tagumpay. Sa mga batang may pagkabalam sa kanilang wika, iminumungkahi ng ilang mananaliksik na nagagawa ng mga batang magkaroon ng katulad na kahusayan sa wika gaya ng kanilang kaedad na iisa ang wika nang walang dagdag na kawalan. Gayunman, maaaring asahan ang pangkalahatang pagkabalam sa parehong wika. Kaya, kung nangyayari ang pagkakaroon ng dalawang wika sa natural na kapaligiran sa bahay, maaaring kailanganin ang paglimita sa paggamit ng wika.

Makatutulong ba na makapagsalita ang aking anak ang panonood sa mga produktong may elektronikong screen?

Nagbibigay ang mga produktong may elektronikong screen ng kaakit-akit na nakikitang larawan upang kuhanin ang pansin ng mga bata at mapayaman ang mga ideya ng mga magulang upang makipag-usap sa kanilang mga anak. Gayunman, nagbibigay lang ang mga ito ng isang paraan ng paghahatid ng mga mensahe sa halip na dalawahang pag-uusap. Maaaring may interaksyon ang ilang computer o mobile apps ngunit nagkakaroon ang mga ito ng mga hindi kailangang ingay o larawan na gumagambala sa mga bata mula sa pagbabasa o panonood sa nilalaman. Maaari ding kailangan ang pag-screen ng kalidad ng nilalaman. Pumili ng mga materyales na ini-screen sa mga device na ito at angkop sa antas ng pag-unlad ng inyong anak. Magtakda ng limitasyon sa oras para sa panonood sa elektronikong gamit, manood nang magkasama at isabay ang pag-uusap. Gabayan siya upang maintindihan ang nilalaman at malaman ang kanyang mga ideya sa palabas o aktibidad. Limitahan ang oras ng panonood gamit ang iba't ibang elektronikong media sa hindi lalampas sa isang oras para sa mga 2-taong-gulang na bata. Mas epektibong paraan sa pagpapadali ng wika ang paggugol ng de-kalidad na oras kasama ang inyong anak.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa “Kailangan ba ng inyong 0-5-taong gulang na mga anak ang mga produktong may elektronikong screen?

Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng pag-aalaga sa bata at pagiging magulang para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.