Nagtitibi ba ang aking anak?
Nagtitibi ba ang aking anak?
Karaniwan sa mga sanggol at maliliit na bata ang pagtitibi. Gayunman, hindi ito karaniwan ang pagkakaroon ng pagtitibi sa mga sanggol na mas bata sa 6 na buwan, lalo na sa mga sumususo sa ina dahil nagtataglay ito ng sapat na tubig at madaling matunaw at masipsip. Kapag nagpalit ang mga sanggol sa gatas na pormula, o kapag nagsimulang kumain ng matigas na pagkain sa halos 6 na buwang gulang, maaaring tumigas ang kanilang dumi, na may mas madalang ang pagdumi. Maaari kayong mag-alala na tinitibi ang inyong sanggol. Nag-iiba-iba sa mga bata ang normal na gawi sa pagdumi. Nag-iiba-iba ito mula sa maraming beses sa isang araw sa mga bagong silang na sanggol hanggang sa isang beses kada 2 hanggang 3 araw sa mga bata. Kaya, hindi nag-iisang sintomas ang kadalasan ng pagggalaw ng bituka upang matukoy kung ang bata ay nagtitibi o hindi. Hangga't malambot ang dumi, itinuturing itong normal.
Ano ang pagtitibi?
Kapag hindi na dumudumi ang bata sa ilang kadahilanan, maiipon ang mga dumi sa kanyang bituka. Sa paglipas ng oras, titigas ang mga dumi at matutuyo, na magreresulta sa pagtitibi. Ang mga batang nagtitibi ay may mga sumusunod na palatandaan:
- Hindi regular o hindi pangkaraniwang pagkaantala sa paggalaw ng dumi.
- Tuyo at matigas na malalaking piraso ng dumi o maliliit na mga bilog na dumi
- Pananakit o kirot sa pagdumi, pagpigil sa paglabas ng dumi
- Mabahong amoy ng utot at mga dumi, sobrang pag-utot
- Malalabnaw na dumi sa pagitan ng mga dumi
- Paminsan-minsang pananakit ng tiyan o malaking (matigas) tiyan
- Nasirang tisyu ng puwit dahil sa paglabas ng matitigas na dumi
- Dumi na may kasamang dugo
- Mahina ang gana sa pagkain
- Kakulangan sa lakas, naiirita
Mga maaaring dahilan ng pagtitibi sa mga sanggol at maliliit na bata:
Mas malamang na nangyayari ang pagtitibi sa mga sumusunod na panahon ng pagbabago sa pagkasanggol/pagkabata:
- Pagpapakilala ng matigas na pagkain
- Pagbabago sa kinagawian sa pagkain
- Hindi balanseng diyeta, kakulangan sa dietary fibre o pag-inom ng likido
- agsasanay sa paggamit ng inidoro
- Pagpipigil dahil sa takot sa paggamit ng potty
- Hindi maayos na naitatag na kinagawian sa pagdumi
- Maling posisyon sa pag-upo sa inidoro
- Pagsisimula sa preschool
- Hindi kilalang kapaligiran ng palikuran
- Pagbabago sa mga pang-araw-araw na rutina
- Iba pang mga maaaring dahilan:
- Lagnat, pagkatuyo ng tubig sa katawan, hindi pagkilos
- May punit malapit sa puwit
- Kakulangan sa ehersisyo
- May allergy sa gatas ng baka
- Epekto ng ilang mga gamot
- Nauugnay sa iba pang mga sakit
Pamamahala sa pagtitibi sa pagkabata:
Para sa mga sanggol:
- Normal na lumitaw ang pagbabago sa pagtitibi sa mga sanggol kung mayroong pagbabago sa komposisyon ng gatas na iniinom, tulad ng paglipat ng gatas ng ina at gagawing gatas na pormula o mula sa isang pormula na papalitan ng iba. Mahalagang tandaan na hindi dapat ihalo ang iba't-ibang pormula sa iisang preparasyon. Laging sundin ang tagubilin ng tagagawa sa paghahanda ng pormula upang matiyak na sapat ang sustansya at tubig na iniinom ng inyong anak. Kung kinakailangan, maaari kayong magbigay ng kaunting tubig sa inyong sanggol sa pagitan ng mga pagkain.
- Kapag naging 6 na buwang gulang na ang inyong sanggol at nagsimulang kumain ng matigas na pagkain, magbigay ng sapat na tubig at pumili ng mga pagkaing mataas sa dietary fibre tulad ng katas ng prutas (hal. mansanas o peras) at hiniwang mga gulay (hal. broccoli, spinach) upang maiwasan at mabawasan ang pagtitibi.
Para sa mga batang isang taon at pataas, maaari ninyong subukan ang:
-
Paghahanda ng malusog na diyeta
- Pagbibigay ng sapat na iniinom na likido
- Pinakamahusay na piliin ang malinaw na tubig sa pagitan ng mga pagkain.
- Walang nakapirming pamantayan para sa dami ng likidong iniinom ng mga bata. Kadalasang pagbibigay ng hindi bababa sa isang inumin kasama ng bawat pagkain at bawat meryenda.
- Kapag umiihi ang inyong anak kada 3-4 na oras, malinaw ang kulay ng ihi at walang matapang na amoy, umiinom siya ng sapat na dami ng tubig
- Gumawa ng mga pagkakataon na hayaan ang mga batang masanay na uminom ng tubig. Halimbawa, bigyan siya ng tubig sa mainit na panahon o pagkatapos ng mga pisikal na aktibidad; maglagay ng maliliit na tasa ng tubig sa mga lugar na maaabot niya
- Sa oras ng pagkain, magbigay lamang ng tubig o matabang na sopas bilang inumin upang hindi masira ang gana ng bata
- Iwasan ang matatamis na inumin tulad ng yogurt at soft drink dahil makaaapekto ang mga ito sa regular na paggalaw ng bituka at hahantong sa labis na timbang. Kung magbibigay kayo sa kanya ng sariwang katas na inumin, huwag lumampas sa 120 ml kada araw; Mas mainam na alukin siya ng buong prutas.
- Iwasan ang labis na pag-inom ng gatas. Aalisin nito ang gana ng bata upang kumonsumo at sumipsip ng mga sustansya sa matigas na pagkain tulad ng mahiblang pagkain. Para sa mga batang edad 1 taon at pataas, uminom ng hindi hihigit sa 360-480 ml na gatas bawat araw. Mula 2 taong gulang pataas, inirerekomenda sa mga bata na magpalit mula sa full fat patungong low fat na gatas maaaring uminom ng skim milk mula 5 taong gulang pasulong. Maaaring ipagpatuloy ng mga bata ang gatas ng ina kapag hinihingi hanggang sa 2 dalawang taong na gulang at lampas pa
- Pagbibigay ng mga gulay at prutas sa tanghalian at hapunan
- Mayaman sa dietary fibre ang mga gulay at prutas, hal. carrot, kalabasa, choy sum, orange, mansanas at duhat
- Maaaring madagdagan ng pag-inom ng tubig ang ilang makakatas na prutas at gulay hal. winter melon, pakwan at peras
- Ang pagbibigay ng mga cereal o mga pagkain may arina sa bawat pagkain
- Mayaman sa dietary fibre ang parehong kategorya ng mga pagkain
- Mga cereal, mas mainam ang buong pagkain o brown, ang tinapay, kanin, pasta, noodles at oats; mga pagkain may arina hal. mga kamote at patatas
- Iwasan ang mga pagkaing mataas sa asukal at taba
- Mga halimbawa: mga soft drink, kendi, cake, instant noodle, pritong pagkain at panghimagas
- Ang mga pagkaing ito ay naglalaman ng kakaunting dietary fibre. Pinupuno nito ang tiyan ng mga bata at binabawasan ang pagkain ng iba pang sustansya
- Pagkain ng 3 regular na pagkain at 2 nakaplanong meryenda lamang sa pagitan ng pagkain
- Magpanatili ng balanseng diyeta at regular na rutina. Huwag magbigay ng dagdag na pagkain na hindi kasama sa iskedyul
- Pagbibigay ng sapat na iniinom na likido
-
Panghihikayat ng mas maraming pisikal na aktibidad
Hikayatin ang inyong anak na manatiling aktibo. Mula sa paglibot sa paligid hanggang sa mas masisiglang laro ng bola o pagtakbo, tumutulong ang mga pisikal na aktibidad upang panatilihing aktibo ang sistema ng panunaw at pasiglahin ang paggalaw ng bituka.
-
Pamamahala ng pag-uugali
Maaaring gamitin ang pamamahala ng pag-uugali upang hikayatin ang magandang gawi sa pagkain at antas ng aktibidad ng inyong anak. Karaniwan itong ginagamit kasama ang mga diskarteng nabanggit at inireresetang gamot, kung kinakailangan.
- Magdisenyo ng malilinaw na hakbang upang tulungan ang inyong anak na magtatag ng regular na gawi tulad ng pag-inom ng tubig araw-araw, mas aktibong pamumuhay at iskedyul sa pagbabanyo (Sumangguni sa polyeto ng Pagiging Magulang serye ‘Magpaalam sa mga Lampin’)
- Gumamit ng direkta at positibong paglalararawan kung ano ang mahusay na ginagawa ng inyong anak upang mahikayat siya
- Maaari kayong gumamit ng tsart ng pag-uugali sa parehong banda upang mahikayat ang regular na gawi sa pagdumi ng mga batang nasa 2 taong gulang at pataas. Magsimula sa madaling target (hal. isang sticker para sa pagdumi sa bawat pagkakataon). Unti-unting dagdagan ang hirap. Maaaring magkaroon ng gantimpala, mas mabuti kung paboritong aktibidad ng bata sa halip na pagkain, kapag ang nakakuha ng ilang sticker (Sumangguni sa polyeto ng Pagiging magulang serye ‘Pamamahala ng Pag-uugali ng Inyong Anak na nasa Preschool’)
- Kung nagtitibi ang bata dahil sa kapaligiran, maaari ninyong alamin kung ano ang mga sanhi at gumawa ng pagsasa-ayos sa kapaligiran. Halimbawa, maaari ninyong kailanganing makipag-usap sa guro upang maunawaan ang kapaligiran sa banyo ng preschool at ang iskedyul ng paggamit sa banyo. O maaari ninyong hikayatin ang inyong anak na dumumi sa mas maginhawang oras
- Sa pamamahala ng pag-uugali, kailangan ninyong maging matiyaga, gumawa ng malapitang pag-oobserba at magpanatili ng rekord. Kausapin ang inyong anak upang maunawaan ang kanyang mga damdamin at hayaan siyang maunawaan nang lubusan ang mga hakbang upang masiyahan siya sa proseso ng pagdume
-
Resetang gamot
- Nangangailangan ng gamot ang halatang pagtitibi upang tumulong sa paglalabas ng matitigas na dumi. Mas magiging epektibo ito kapag ginamit kasama ng mga diskarteng nabanggit.
Pagkonsulta sa inyong doktor:
- Karaniwang napabubuti ang problema sa pagtitibi ng mga bata kasabay ng pagbabago sa diyeta. Kung nagpapatuloy ang problema, lumalabnaw ang mga dumi o may dugo sa dumi, dalhin agad ang bata sa doktor
- Huwag bumili ng mga panunaw o suppository nang walang reseta para gamitin ng bata. Dapat lamang na inireseta ng inyong pediatrician o doktor ng pamilya ang mga gamot sa paggamot ng pagtitibi ng mga bata