Pagiging Magulang Serye 19 – Pagpapaunlad ng Kabutihan at Pagpapahalaga sa mga Bata 1
- Hindi tinatanggap ng kanyang mga kaibigan at guro si Dennis, 7 taong gulang, dahil sa kanyang walang galang na paraan. Mukhang ang pang-aapi sa iba ang kanyang tanging kasiyahan sa paaralan at sa kapitbahayan. Madalas din siyang gumagamit ng pisikal na pananalakay upang takutin ang iba at makuha ang kanyang gusto.
- Naaakit si Cheri, 10 taong gulang, sa maliliit na mga bagay na uso. Dahil natutukso, madalas niyang ninanakaw ang mga ito mula sa kanyang mga kaibigan. Kamakailan, natuklasan ng kanyang mga magulang na nagsisimula na siyang kumuha ng pera mula sa kanilang drawer.
Hindi kailanman papangarapin ng mga magulang na lumaki ang kanilang anak na maging alinman sa mga batang ito. Ano ang kulang sa kanila kaya kumikilos sila sa paraang ginagawa nila?
Ipinakita ng pananaliksik na kulang sa ilang katangian ang mga batang ito - ang mahahalagang kabutihan kung kaya ginagawa ng mga bata ang mga tamang bagay at maging mabait sa mga taong nasa paligid nila, hal., kabaitan, pangangalaga, pakikipagtulungan, paggalang, pagkontrol sa sarili at pananagutan. Ilang paraan ng pagiging magulang ang nagpapayaman sa pag-unlad ng mga positibong pagpapahalaga at kaya ang mahalagang kabutihan sa mga batang nasa preschool. Nilalayon ng polyetong ito na ipakilala ang mga pangunahing diskarte na ito. Tatalakayin sa mga bahaging II at III sa seryeng ito ang mga detalye ng pagsasagawa ng mga diskarteng ito sa mga piling pagpapahalaga.
Isipin:
Ano ang inyong mga pagpapahalaga?
Mapananatili ba ninyo ang inyong mga pagpapahalaga?
Pinanghahawakan ba ng lahat ng miyembro ng inyong pamilya ang pare-parehong mga pagpapahalaga?
Ano-anong kabutihan ang mahalaga para sa inyong anak?
Mga Pangunahing Diskarte para sa Pagpapaunlad ng Kabutihan sa mga Bata (6R1O)
R1: Pagiging Huwaran
- Mas makapangyarihan ang pagkilos kaysa pangangaral. Natututo ang mga bata sa paggaya sa mga halimbawa ninyo bagama't maaaaring hindi nila ito gawin kaagad. Patuloy na kumilos sa kung ano ang inyong sinasabi at ipakita sa inyong anak ang mga itinuturo ninyong mabubuting kabutihan.
R2: Pagkakaroon ng Makatotohanan at Makakamit na Inaasahan
- Nangangahulugan ang pagkakaroon ng mga makatotohanang inaasahan sa bata na pag-unawa sa kanyang mga kakayahan at pagpapahalaga kung ano ang kanyang nakakamit. Tumutulong sa kanya ang pagtatakda ng mga bagay na nakakamit upang malaman ang mga pamantayag kailangan at upang pagsikapang maabot ang mga layunin.
- Bago makasanayan ng bata ang mga kailangang angkop sa edad na kakayahan, dapat siyang gabayan ng mga magulang at tulungan siya kung kinakailangan upang magtagumpay. Halimbawa, upang maglaro nang nakikipagtulungan sa iba ang isang 3-taong-gulang na bata, kakailanganin ninyo siyang gabayan at magtakda ng mga limitasyon na matatag at paulit-ulit.
R3: Pagbibigay ng Pagkilala
- Mahihikayat siyang ulitin ang kanais-nais na pag-uugali nang mas madalas sa hinaharap sa pagpansin sa pag-uugali ng bata na naaangkop sa pakisasalamuha sa lipunan at pagbibigay sa kanya ng pagpuri para sa pag-uugaling pinahahalagahan ninyo. Ilarawan ang pag-uugaling gusto ninyo kapag pinupuri ninyo siya, hal., 'Salamat sa paglalaro nang tahimik noong may kausap ako sa telepono.'*
R4: Tsart ng Gantimpala at Pag-uugali*
- Kailangan ng ilang bata ang mas maraming tulong sa pagtatag ng bagong kanais-nais na pag-uugali. Maaari ninyong subukang gumamit ng tsart ng pag-uugali upang magbigay ng karagdagang motibasyon sa inyong anak. Purihin at bigyan siya ng sticker kapag nagagawa niya ang target na pag-uugali tulad ng pagkontrol ng kanyang emosyon o pagtulong sa mga gawaing bahay.
- Kapag nakamit niya ang nakatakdang target para sa itinakdang na maikling panahon, maaari ninyo siyang bigyan ng kaunting premyo tulad ng espesyal na regalo upang mapanatili ang pag-uugali.
- Taandaan na ang diskarte ay panandaliang lamang. Upang tulungan ang bata na laging maisagawa ang bagong pag-uugali at gawin ito nang may pagkadama ng kasiyahan ng tagumpay sa halip na kabayaran, dapat laging gamitin ang pagkilala sa lipunan. Kasabay nito, dapat unti-unting bawasan ang pisikal na gantimpala.
R5: Pagtatakda ng mga Patakaran na may Parusa
- Mahalaga ang pagtatakda ng mga limitasyon sa pang-araw-araw na buhay sa pagtuturo sa bata tungkol sa pagsunod sa mga patakaran, paggalang sa ibang tao at pagiging responsable sa kanyang sariling pag-uugali. Mahalaga ding magsikap ng tiyak sa antas ng pagkontrol upang gabayan siya sa mga naaangkop na pag-uugali bago niya matutunan ang pagkontrol sa sarili.
- Mapapatibay ang kanyang pagkaunawa sa tama o mali sa pagpayag sa inyong anak na maranasan ang makatuwirang mga parusa sa paglabag sa mga patakaran, paglampas sa mga limitasyon o hindi pagsunod. Halimbawa, walang kuwento sa oras ng pagtulog kapag malalim na sa gabi, o pumunta sa tahimik na oras nang 5 minuto kapag nahuling nakikipag-away.* Maaaring kailanganin ang iba’t-ibang patakaran para iba’t-ibang pangyayari.
- Kapag sinusuportahan ang mga patakaran ng mga parusa, at patuloy na ibinigay ang positibong atensyon at pagpuri para sa kanais-nais na pag-uugali, unti-unting matututunan ng inyong anak ang pamantayang inaasahan sa kanya, maging sa magkakaibang pangyayari.
* Ipinaliliwanag ng Polyeto 15 at 16 sa seryeng ito ng Pagiging Magulang ang mga positibong diskarte sa pagiging magulang nang mas detalyado.
R6: Pangangatwiran/Pagtatalaga
- Ang pamamaraan ng paggamit ng pagpapaliwanag at pangangatuwiran na may pagbibigay-diin sa mga resulta ng mga pagkilos ng isang tao sa iba ay kilala rin bilang pagtatalaga.
- Mas mahalaga ang pagiging huwaran kaysa sa pangangatuwiran. Gayunman, kailangan ninyong ipaliwanag at talakayin sa bata nang paminsan-minsan upang ilabas ang mga pagpapahalaga at paniniwalang nasa likod ng pagkilos. Maaaring maging makapangyarihang paraan ito ng pagpapaunlad ng magagandang katangian at pagpapahalaga.
- Laging magbigay ng dahilan sa inyong anak bago ninyo isagawa ang diskarte sa pag-uugali upang matutunan niya kung bakit mas gusto ng iba ang ilang pag-uugali. Para sa mga batang nasa preschool, maaari na ang pagsasabi lamang ng direktang epekto sa iba at posibleng parusa na ibibigay sa kanila, hal., 'Maaari mong masaktan ang iyong nakababatang kapatid na lalaki kapag itinulak mo siya. Kailangan mong manahimik sa loob ng 2 minuto upang maging kalmado ka.'
- Tandaan na huwag mangatuwiran sa bata kaagad pagkatapos isagawa ang parusa upang hindi muling sumigla ang kanyang emosyon.
- Sa araw-araw na pakikipag-usap sa inyong anak, maaari din ninyong gamitin ang mga pang-araw-araw na pangyayari upang talakayin kung bakit may ginagawa ang isang tao at kung paano makakaapekto ang pagkilos na iyon sa ibang tao. Halimbawa, maaari ninyo siyang tanungin kung bakit nagnanakaw ng pera ang isang tao ayon sa balita at paaano ito makaaapketo sa ibang tao, at tulungan siya mismong makagawa ng sagot. Mapatataas nito ang respeto ng bata para sa ibang tao at ang kakayahan niyang makita ang pananaw ng ibang tao.
O1: Bukas na Talakayan
- Dapat gumawa ng mga oportunidad para sa bukas na talakayan sa loob ng pamilya upang makapagpahayag ng kanilang pananaw ang mga miyembro. Nagbibigay ng magandang punto ang mga araw-araw na pangyayari para simulan ang mga ganitong talakayan.
- Maaari ding gawin ang bukas na talakayan matapos magbasa ng kuwento sa libro na may tema tungkol sa pagpapahalaga. Pumili ng kuwento na kawili-wili at naaangkop para sa antas ng pagbasa ng bata at magbasa na kasama siya. Pagkatapos, talakayin sa kanya ang mga pag-uugali ng mga tauhan at tanungin siya tungkol sa kanyang mga naramdaman sa kanila.
- Kung may bukas na pag-uugali ang mga magulang, hinahayaan ang bata na maihayag ang kanyang mga opinyon, magiging possible na malaman nang higit pa ang tungkol sa kanyang pangangatuwiran. Kaya, makinig sa kanyang mga sinasabi. Purihin siya sa paggawa ng mga nakatutulong o malikhaing mga komento. Gumamit ng pagtatalaga upang talakayin sa kanya ang mga bagay na hindi pa niya naiisip o ang mga hindi tama. Halimbawa, sobrang galit ang inyong anak sa kanyang kaibigan kaya gusto niyang saktan ito. 'Nakikita kong galit na galit ka kay John. Isa iyon sa paraan ng pagpapakita ng reaksyon. Ano ang mangyayari kapag pinalo mo siya?' 'May naiisip ka bang ibang mas mabuting paraan ng pagtingin/paggawa nito?'
Maaring ibuod ang mga nabanggit na diskarte bilang '6R1O'. Gamitin ang mga ito nang may tiyaga. Kailangan ng mga bata ang paulit-ulit na pagtuturo at pagpapakita upang pagsama-samahin ang kanilang natutunan. Huwag mabigla na malamang nakalimutan nila kung ano ang itinuro sa kanila nang paulit-ulit. Sa paglipas ng panahon, makikita ninyo na nagbunga ang inyong pagsisikap at pagtitiyaga.
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng 'Masayang Pagiging Magulang!' para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.