Pagiging Magulang Serye 5 - Ang Kantang Pampatulog I - Pagbuo ng Regular na mga Pattern sa Pagtulog
Maraming tanong ang mga bagong magulang tungkol sa pagtulog ng sanggol gaya ng ‘Normal bang gumising nang ilang beses sa gabi ang aking sanggol? Paanong hindi siya makatulog nang mag-isa? Kailan siya makakatulog sa buong gabi?’ Kung matututunan pa ng mga magulang ang mga katangian sa pagtulog ng sanggol, at kasama ang ibang suporta, unti-unting matututunan ng kanilang mga sanggol na bumuo ng magandang gawi sa pagtulog at paginhawahin ang kanilang sarili sa pagtulog. Kapwa kayo ng inyong anak na masisiyahan sa magandang pagtulog.
Mga Kalagayan ng Pagtulog ng Sanggol
- May iba’t-ibang kalagayan sa pagtulog – inaantok, mababaw na tulog / nananaginip, mahimbing na tulog, gising.
- Nagsisimula ang siklo ng pagtulog sa mababaw na tulog hanggang sa mahimbing na tulog at pagkatapos ay ang mababaw na tulog (tingnan sa susunod na pahina ang diagram ng pagtulog ng sanggol). Tumatagal ang bawat siklo nang halos dose-dosenang minuto sa pagkasanggol. Habang lumalaki ang inyong sanggol, unti-unting humahaba ang tagal ng siklo at sa edad na 3 hanggang 6, tumatagal ang bawat siklo nang halos 90 minuto gaya ng mga adulto'.
- Sa mababaw na tulog, humihinga nang mabilis at hindi gaanong regular ang inyong sanggol. Maaaring manginig nang bahagya ang kanyang katawan at mga braso at binti. Maaaring maobserbahan ang paggalaw ng mata sa ilalim ng talukap ng mata (maaaring nasa kalagayan ng panaginip). Maaari siyang mabilis na magising ng mga tunog o ilaw sa paligid. Sa kanyang buong pagtulog, maaari siyang saglit na magising nang ilang beses na normal at inaasahan. Maaari ninyo siyang hayaang matulog sa pamamagitan ng marahang pagtapik sa kanya o pagsasalita nang mahina sa kanya sa halip na pagbuhat sa kanya o pagpapakain sa kanya.
- Sa panahon ng malalim na pagtulog, hindi gaanong apektado ang inyong sanggol ng paligid. Nagiging regular ang kanyang paghinga na may ilang paggalaw ng katawan.
Mga Pattern sa Pagtulog ng Sanggol
Matapos isilang, umaasa ang sanggol sa kanyang sarili upang huminga at upang mag-adjust at pakibagayan ang kapaligiran sa labas ng tiyan ng kanyang ina - kabilang ang temperatura, liwanag/kadiliman, tunog pati na rin ang inyong pangangalaga. Wala pang anumang pattern sa pamumuhay sa umaga-gabi ang bagong silang na sanggol. Kumakain sila kapag gising at natutulog kapag busog. Umuulit ang pattern ng pagtulog-paggising sa buong araw at gabi bagama't ginugugol ng mga bagong silang ang karamihan ng oras sa pagtulog.
Matapos alagaan ang inyong sanggol nang ilang panahon, maaari ninyong simulang maintindihan ang mga hudyat ng pagod ng inyong sanggol. Hayaan siyang matulog kapag inaantok upang maiwasan ang kanyang sobrang pagod upang makatulog. Maaaring kailanganin ng inyong sanggol ng pagpapaginhawa upang makatulog. Umaasa siya sa inyong maayos na pangangalaga upang matulungan siyang maka-adjust sa araw-gabi na ritmo at upang ayusin ang pagtulog nang naaayon. Sa inyong maayos na pangangalaga at habang lumalaki ang inyong sanggol, magbabago ang kanyang pattern ng pagtulog.
Kapag tumuntong ang inyong anak sa 3 hanggang 6 na buwang gulang (larawan 1), maaaring magkaroon ang inyong sanggol ng mas mahabang oras ng pagtulog sa gabi at pagiging gising sa umaga. Ito ang panahon na nagsisimula siyang magkaroon ng ritmo ng araw-gabi.
Kailangan pa rin niya ng mga pag-idlip sa araw ngunit bumababa ang dalas ng mga pag-idlip habang lumalaki siya. Pansamantala, handa nang mabuo ang kanyang kakayahang paginhawain ang kanyang sarili upang makatulog* kung papayagan mo siyang makatulog sa kanyang kuna kapag inaantok siya ngunit gising. Maaari niyang paginhawahin ang kanyang sarili sa pagbalik sa pagtulog kahit na magising siya sa kalagitnaan ng gabi. Sa pangkalahatan, halos 60-70% ng mga 8-buwang gulang na sanggol ang kayang paginhawahin ang kanilang sarili upang makatulog.
Mga oras ng pagtulog
Magbabago ang mga oras ng pagtulog habang lumalaki ang ating sanggol:
Edad | Kabuuang oras ng pagtulog sa 24-na oras* na panahon (kabilang ang parehong pagtulog sa araw at sa gabi) |
---|---|
0-3 buwang gulang | ~ 14-17 oras |
4-11 buwang gulang | ~ 12-16 oras |
Edad 1-2 | ~ 11-14 oras |
Edad 3-4 | ~ 10-13 oras |
*Mga Sanggunian : Paggabay ng WHO sa pisikal na aktibidad, hindi aktibong pagkilos at pagtulog para sa mga batang wala pang 5 taong gulang. Geneva: World Health Organization; 2019. Lisensya: CC BY-NC-SA 3.0 IGO.
Sanggunian lamang ang nasa itatas. Natatangi ang bawat sanggol at maaaring may indibidwal na pagkakaiba-iba. May ilang sanggol na natutulog nang mas marami habang kaunting matulog ang ilan. May mas mahabang pagtulog sa gabi ang ilan kapag 2 buwang gulang ngunit kailangan ng ilan ng mas maraming oras upang mabuo ang sarili nilang bilis. Mga magulang subukang huwag ikumpara ang inyong sanggol sa iba at maayos siya hangga’t malusog at lumalalaki siya.
Paano Tulungan Ang Inyong Sanggol Na Makatulog Nang Maayos?
Pagbibigay ng Ginhawa
- Maginhawang temperatura sa kuwarto
- Maayos na bentilasyon
- Tamang dami ng damit o kumot. Maaari din ninyong tingnan kung masyado siyang naiinitan o nalalamigan sa paghawak sa kanyang batok. Tama lang ang mainit-init nang hindi pinapawisan.
- Gumamit ng kumot na gawa sa bulak upang maiwasan ang allergy.
- Kumportableng pagbalot
Makakaramdam ng higit na seguridad ang inyong sanggol kung babalutin ninyo siya sa malambot na kumot. Iwasang balutin siya nang napakahigpit na gagawin siyang naiinitan o nalilimitahan ang paggalaw ng kanyang mga binti. Tiyaking nakalantad ang kanyang ulo at mukha nang hindi nahaharangan ang kanyang daanan ng paghinga.
Kung hinila ang ibabang binti ng sanggol at ibinalot ng napakahigpit kapag ibinalot, maaaring hindi mabuo nang normal ang kanyang mga kasukasuan sa balakang.
Maaaring makuha ang marami pang detalye mula sa ‘Developmental Dysplasia of Hip (DDH)’
Mangyaring sumangguni rin sa ‘Kaligtasan sa Pagtulog’ para sa kaligtasan sa pagtulog ng sanggol.
Pagbibigay-diin Sa Kaibahan Sa Pagitan Ng Araw At Gabi
- Pagkakaiba ng ilaw sa kuwarto
- Dapat sapat ang liwanag ng kuwarto sa umaga. Padilimin ang ilaw bago matulog upang sabihin sa sanggol na oras na ng pagtulog.
- Maaaring magising nang umiiyak ang ilang sanggol sa gabi dahil masyadong madilim ang kuwarto. Maaaring mapanatag ang sanggol kapag may ilaw na panggabi at makikita niyang siya ay nasa pamilyar na paligid.
- Pagkakaiba sa mga aktibidad
- Kapag gising ang inyong sanggol sa umaga, aktibong makipaglaro at kausapin siya. Kapag naglalaan kayo ng de-kalidad na oras nang magkasama, binibigyan ninyo siya ng sapat na atensyon pati na rin ang pagpapanatiling alerto at interesado siya. Maiiwasan nito ang kanyang sobrang pagtulog sa araw.
- Kapag napagod siya gaya ng ipinakikita ng kanyang bumibigat na mga talukap ng mata, ikinukuskos ang kanyang mukha sa inyo o naghihikab, hayaan siyang magpahinga.
- Iwasang umidlip nang mahigit sa 4 na oras.
- Sa gabi, sumali sa mga tahimik na aktibidad upang maiwasan siyang masyadong matuwa bago ang oras ng pagtulog.
Kaligtasan sa Pagtulog
- Nagmamalasakit kami tungkol sa kung nakakatulog ba nang sapat ang ating sanggol at higit sa lahat, ligtas na natutulog at mababa ang tsansa na mangyari ang Syndrome na Biglaang Pagkamatay ng Sanggol (SIDs). Ipinakita ng mga pag-aaral na ang pagtulog nang patihaya ang ligtas at wastong postura sa pagtulog para sa mga sanggol. Mas mahusay ito kaysa sa pagtulog nang nakadapa o patagilid na posisyon sa pagpapababa ng pangyayari ng Syndrome na Biglaang Pagkamatay ng Sanggol (SIDs).
- Upang malaman pa ang tungkol sa Syndrome na Biglaang Pagkamatay ng Sanggol (SIDs) at
kaligtasan sa pagtulog,
- Sumangguni sa polyeto tungkol sa ‘Ligtas na Pagtulog Kaaya-ayang Panaginip’ magkasamang inakda ng Department of Health, HKSAR at ng Department of Paediatrics, The Chinese University of Hong Kong.
- Sagutan ang ‘Ligtas Ba Ang Inyong Bagong Silang Na Sanggol?’ at lagyan ng tsek kung sapat o hindi ang isinagawang mga hakbang na pangkaligtasan para sa inyong sanggol
- Panoorin ang video na ‘Kaligtasan sa Bahay’ upang malaman pa ang tungkol sa kaligtasan sa bahay at kapaligiran ng pagtulog
Tumutulong ang Pagtatatag ng Rutina sa Oras ng Pagtulog sa inyong sanggol upang Matulog sa Regular na Oras at Magkaroon ng Kakayahang Paginhawahin ang Sarili
- Simulan ang pagtatatag ng magandang rutina sa oras ng pagtulog matapos magpakita ng ritmo ng araw-gabi ang inyong sanggol.
- 20 - 45 minuto bago ang oras ng pagtulog, i-off ang TV at anumang iba pang device na may screen. Magsaayos ng mga aktibidad sa oras ng pagtulog na nakakarelaks at nakakakalma. Halimbawa, paliligo, pagkukuwento, banayad na laro, pagkanta ng pampatulog, pakikinig sa mahinang musika, atbp. Dapat maging kasiya-siya ang mga aktibidad na ito nang hindi siya sumisigla. Matapos ang mga aktibidad sa oras ng pagtulog dapat nang matulog.
- Dapat piliin ang mga aktibidad batay sa mga katangian at gawi ng inyong sanggol. Ang pinakamahalaga, dapat pakainin ang inyong sanggol, padighayin at may malinis na lampin.
- Ilagay ang inyong sanggol sa kuna kapag inaantok na siya ngunit gising. Hayaan siyang maginhawahan upang makatulog*. Iwanan siya sa kuna matapos sabihin ang goodnight
- Maaaring paginhawahin ang sanggol sa pagtulog kapag hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Hayaan siyang paginhawahin ang sarili upang makatulog kapag ang maganda ang kanyang pakiramdam.
- Maaari kang sumangguni sa aming video ‘Pagbuo ng regular na rutina sa pagtulog’ (Video sa dayalektong Cantonese na may mga subtitle sa Ingles) para sa karagdagang impormasyon.
*Tinutukoy ng pagpapaginhawa sa sarili ang kakayahan ng sanggol na makatulog nang mag-isa kapag inaantok nang walang anumang pamamagitan ng magulang. Ang mga pinakakaraniwang gawi sa pagtulog ay iyong mga maaaring humadlang sa pagkatuto ng sanggol at pag-unlad ng kanilang kakayahang paginhawahin ang sarili. Kabilang sa masasamang gawi na ito ang pagsuso o pag-inom ng gatas habang pinatutulog, pag-ugoy, paghaplos o paglakad upang matulungan ang mga sanggol na makatulog. Sa sandaling maitatag na rutina ang mga pattern na ito, ganap na aasa ang inyong sanggol sa inyong atensyon at pagsama upang makatulog. Makukuha ng mga gawi na ito sa pagtulog ang marami ninyong oras at lakas.
Paano kung makatulog ang aking sanggol habang sumususo? Maaari ninyong ihinto ang pagpapasuso at ilagay siya sa kama nang hindi siya nagigising. Maaari ninyo siyang pasusuhin nang medyo mas maaga sa susunod upang mabawasan ang tsansa ng pagkatulog habang pinapasuso.
Maliban sa pagbibigay ng pagkakataon para sa inyong sanggol na matuto, makatutulong ang inyong determinasyon at pagpapatuloy sa inyong sanggol na mabuo ang magandang rutina sa oras ng pagtulog. Makatutulong sa inyo ang pang-unawa, suporta at kooperasyon mula sa lahat ng miyembro ng pamilya na makamit ang layunin. Kung may problema sa pagtulog ang inyong sanggol, mangyaring sumangguni sa polyeto na Kantang Pampatulog II-Hindi Makatulog Ang Aking Sanggol sa mga seryeng ito.
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng "Masayang Pagiging Magulang!" para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.