Pagiging Magulang Serye 6 - Ang Kantang Pampatulog II - Hindi Makatulog ang Aking Anak
Pagkatapos ng 6 na buwang gulang, ginugugol pa rin ng inyong sanggol ang karamihang oras sa pagtulog araw-araw. Kung umaayaw o mahirap makatulog sa oras ng pagtulog ang sanggol, maaari kayong mabalisa tungkol dito. Kung nagigising siya nang maraming beses sa kalagitnaan ng gabi, malamang na makaramdam kayo ng sobrang pagod. Hindi lamang nakakaapekto sa mga bata ang problema sa pagtulog ngunit maging sa pamilya sa iba’t-ibang aspeto. Kung may anumang nabanggit na problema ang inyong sanggol, maaari ninyong tuklasin ang mga dahilan kung bakit…
Bakit nangyayari ang mga problema sa oras ng pagtulog?
- Umaaasa ang sanggol sa pamamagitan ng magulang upang makatulog
Kung umaaasa ang inyong sanggol sa inyong pag-aasikaso upang makatulog gaya ng pagsuso, pagpapatulog, pagbuhat at pag-ugoy, malumanay na pagtapik o paglalakad upang maginhawaha siyang makatulog. Kapag nakagawian ang mga pagsasanay na ito, hindi lamang ito nakaaapekto sa kanyang kakayahan paginhawahin ang sarili, nagiging lubos na umaasa rin siya sa inyo at sa pagsama ninyo sa kanya sa pagtulog. Kailangang ulitin ang (mga) paraan upang makatulog ang inyong sanggol sa oras ng pagtulog kapag nagigising siya sa kalagitnaan ng gabi. Dahil hindi siya makatulog nang mag-isa, maaari siyang umiyak o maghudyat na humihingi ng inyong tulong. Maaari ding gawin nitong maglaan kayo ng maraming oras at pagsisikap kapalit ng oras ng inyong pagtulog.
Upang mapangasiwaaan ang problemang ito, kailangan ninyong hayaan ang inyong anak na mapaunlad ang kanyang kakayahan sa pagpapaginhawa sa sarili. Maaari kayong sumangguni sa mga pamamaraang inilarawan sa ‘Kung umiiyak ang inyong anak sa gabi’.
- Pagkagambala ng normal na rutina
Maaaring makagambala sa normal na rutina ang pagbabago ng tagapag-alaga, pagkakaospital at iba pang pagbabago sa pang-araw-araw na mga aktibidad.
Karaniwang pansamantala lamang ang mga resultang problema sa oras ng pagtulog at kadalasang naiwawasto nang kusa sa sandaling muling naitatatag ang regular na rutina. Dapat maintindihan ng tagapag-alaga at subukang sundin ang karaniwang rutina ng sanggol upang matiyak ang maayos na transisyon.
- Pagkakasakit o kawalang-ginhawa
Maaaring manatiling gising ang inyong anak at umiyak kung hindi maginhawa ang kanyang pakiramdam o may kirot. Maaari kayong humingi ng payong medikal kung nagpapatuloy ang kanyang pag-iyak.
- Sobra o Kulang sa Pagpapasuso Bago Matulog
Maaaring magdulot ng kawalang-ginhawa ang sobrang pagpapasuso at dahil dito ay mahihirapan sa pagtulog. Sa kabilang banda, maaaring manatiling gising ang inyong sanggol kung gutom siya. Habang nagiging pamilyar kayo sa mga palatandaan at pangangailangan ng inyong sanggol, malalaman ninyo kung paano mag-adjust sa kanyang gana.
- Kakulangan ng rutina sa pang-araw-araw na buhay
Kung kulang sa pang-araw-araw na rutina ang inyong sanggol, mahihirapan siyang magkaroon ng rutina sa pagtulog. Kapag mayroong sariling pang-araw-araw na rutina ang mga tagapag-alaga, mabilis na maitatatag ang rutina ng sanggol.
Walang iisang paraan para sa mga problema sa pagtulog ng sanggol. Magtatag ng rutina sa oras ng pagtulog para sa inyong sanggol nang mas maaga hangga’t maaari ang batayan ng lahat. Maaari kayong sumangguni sa ‘Ang Kantang Pampatulog 1—Pagbuo ng Regular na mga Pattern sa Pagtulog’ para sa mga detalye. Maaaring makatulong ang pagtalakay sa mga miyembro ng inyong pamilya at patuloy na magtulungan nang sama-sama.
Kung umiiyak ang inyong sanggol sa gabi
Sa mga unang buwan, kung umiiyak ang inyong sanggol matapos ilagay sa kama o sa kalagitnaan ng gabi, maaari ninyong naising puntahan at tingnan kung may partikular na dahilan, hal. basa ang kanyang lampin, o nagugutom siya. Kapag tinitingnan ang mga bagay, hayaang makita niya ang inyong mukha at marinig ang inyong magiliw na boses. Sa paggawa nito, maaaring napaginhawa ninyo siya at napakalma.
Hindi kailangan ng karamihang sanggol na pasusuhin sa gabi sa edad na 3 hanggang 6 na buwan. Kung bumutaw na ang inyong sanggol sa pagpapasuso sa gabi, at alam ninyong wala siyang sakit o kirot, di-sinasadyang magagantimpalaan ng pagtugon sa kanyang pag-iyak sa gabi sa pamamagitan ng pagpapaginhawa o pakikipaglaro sa kanya at maaaring gawin siyang manatiling gising nang mas matagal. Maaari din ninyong subukang maghintay nang sandali bago kayo tumugon sa kanyang pag-iyak. Upang matulungan siyang matutunang paginhawahin ang kanyang sarili sa halip na umasa sa inyo, narito ang tatlong paraan na maaari ninyong gamitin:
- Tinitiyak ng pamamaraang ito sa inyong sanggol na nariyan kayo at aasikasuhin siya habang pinanghihinaan kayo ng loob na samahan siya nang higit sa isang minuto sa bawat pagkakataon. Kung umiiyak ang inyong sanggol matapos ilagay sa kama o sa gabi, huwag tumugon kaagad. Maaari siyang tumahimik at muling makatulog pagkatapos ng ilang minuto. Kung umiiyak pa rin siya pagkatapos ng 5 minuto, maaari kang bumalik upang patahanin siya nang hindi siya binubuhat. Umalis pagkatapos ng isang minuto kahit umiiyak pa rin siya. Maghintay ng mas mahabang oras bago mo siya puntahan at tingnan ang kanyang pag-iyak. Ang pagpapahaba ng oras sa pagitan ng inyong pagtingin ay makatutulong sa inyong sanggol na paginhawahin ang kanyang sarili. Ang kahulugan ng pamamaraang ito ay patuloy na naghihintay ang tagapag-alaga ng mas matagal na oras bago tingnan ang bata at gumugugol lang ng maikling oras sa pagpapatahan sa sanggol at inilalagay siya sa kama nang inaantok ngunit gising nang mag-isa.
- Sasamahan ng tagapag-alaga ang bata sa kuwarto o kahit sa kama niya sa simula. Habang natutunan ng bata ang matulog nang mag-isa, unti-unting inaalis ang presensya ng tagapag-alaga mula sa kuwarto ng bata.
Kung hindi maaaring ilalagay ang kuna ng inyong sanggol malapit sa inyong kama dahil sa limitadong espasyo o hindi kayo mapalagay na iwanan ang inyong umiiyak na sanggol, maaari ninyong gamitin ang banayad na pamamaraang ito. Maaari ninyong tabihan siya sa kanyang kama at magpanggap na nakatulog na kayo at balewalain ang kanyang pag-iyak maliban kung may sakit o nasa panganib siya.
Kailangan ang patuloy at paulit-ulit na pangangasiwa mula sa mga miyembro ng inyong pamilya upang gumana ito.
- Tiyakin na maganda ang pakiramdam ng inyong sanggol o hindi nangangailangan ng pagpapalit ng mga lampin, huwag tumugon sa kanyang mga reklamo o pumunta sa kanyang kuwarto at tingnan. Hindi ito makakasama sa kanya ngunit makatutulong sa kanya na mabilis na matuto kung paano makatulog nang nag-iisa. Maaari ninyong gamitin ang pamamaraang ito kung sa palagay ninyo na umiiyak lamang siya upang kuhanin ang inyong pansin.
Dapat handa ang mga tagapag-alaga para sa unang paglakas ng tindi at tagal ng pag-iyak. Itinuturing na normal ang ganoong pag-uugali kapag ginagamit ang pamamaraang ito at mawawala kapag patuloy at matiyagang ginagamit ng mga tagapag-alaga ang diskarteng ito.
Suportado ng ebidensya sa pananaliksik na mabisa ang mga nabanggit na pamamaraan sa pangangasiwa ng mga problema sa oras ng pagtulog at mga paggising sa gabi ng inyong maliit na sanggol nang hindi magdudulot ng anumang pinsala sa kanya o hadlangan ang inyong pakikipag-ugnayan sa kanya. Tinutulungan ng mga ito ang inyong sanggol na magkaroon ng mas mabuting gawi sa pagtulog at ang kapakanan ninyong dalawa.
Nagkakaroon ng magkakaibang mungkahi ang iba’t-ibang eksperto at walang iisang pinakamagandang paraan. Dapat kayong pumili ng diskarte na sa pakiramdam ninyo ay pinakamaginhawa at pinakaangkop sa ugali ng inyong sanggol. Alinmang pamamaraan ang gagamitin ninyo, kailangan ninyong maging matatag at sundin ito. Kung malaman ng inyong sanggol na babalik kayo upang buhatin siya dahil sa kanyang pag-iyak, hindi siya matututong makatulog nang mag-isa. Masasangkot kayo sa masamang siklo ng pagtaas ng problema sa pagtulog.
Napakahalaga ng pag-aalaga sa inyong sarili kapag pinangangasiwaan ang mga problema sa pagtulog. Nakadepende nang malaki ang tagumpay ng inyong mga diskarte sa inyo at sa kooperasyon at suporta ng inyong pamilya. Kung may mga alalahanin kayo tungkol sa pagtulog ng inyong anak, maaari kayong humiling ng payo mula mga propesyonal sa medisina.
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng "Masayang Pagiging Magulang!" para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.
Kailangan bang pasusuhin ang aking sanggol sa gabi?
Nabubuo pa lang ang sistema ng panunaw at ang gana ng mga bagong silang na sanggol. Maaaring angkop sa kanila ang madalas ngunit kaunting pagpapasuso. Habang nabubuo ang kanilang ritmo ng araw-gabi, maaari silang makaramdam ng gutom sa kalagitnaan ng gabi at kailangang pasusuhin.
Matapos mabuo ng mga sanggol ang ritmo ng araw-gabi, sumususo sila nang mas marami sa umaga para sa mga sustansya ngunit unti-unting nababawasan sa gabi. Pagkatapos ng 3-6 buwang gulang, karamihan ng mga sanggol ang nakakasuso ng sapat sa araw at hindi na kailangang pasusuhin sa gabi. Kung maikli ang pagpapasuso sa inyong sanggol bago siya muling matulog sa kalagitnaan ng gabi, malamang na hindi makaramdam ng pagkagutom ang inyong sanggol ngunit hihingi ng inyong pagpapaginhawa upang muling makatulog. Kung sa palagay ninyo na ang pagpapasuso sa inyong sanggol sa gabi ang problema, maaari ninyong subukang sundin ang mga sumusunod na diskarte upang tulungan siyang maawat sa pagpapasuso sa gabi*:
Para sa mga pinapasusong sanggol:
- Ihinto ang pagpapasuso sa gabi kung sumususo ang inyong sanggol nang mababa sa 5 minuto. Gumamit ng iba pang pampaginhawang pamamaraan upang mapanatag siya
- Kung sumususo siya ng higit sa 5 minuto, maaari ninyong bawasan nang unti-unti ang oras ng pagpapasuso sa susunod na 5-7 araw
- Pagkatapos, bawasan ang oras ng pagpapasuso ng 2-5 minuto kada dalawang gabi
- Gawing mapanatag siya pagkatapos ng bawat pinaikling pagpapasuso
- Kung sumususo ang inyong anak ng maikli sa 5 minuto, ihinto ang pagpapasuso sa gabi.
Para sa mga sanggol na pinasususo sa bote:
- Ihinto nang ganap ang pagpapasuso sa gabi kung sumususo ang inyong sanggol ng mababa sa 60ml. Gumamit ng iba pang pampaginhawang pamamaraan upang mapanatag siya
- Kung sumususo siya ng higit sa 60ml, maaari ninyong bawasan nang unti-unti ang dami ng gatas sa susunod na 5-7 araw
- Pagkatapos, bawasan ang dami ng gatas ng 20-30ml kada dalawang gabi
- Gawing mapanatag siya pagkatapos ng bawat mas kaunting pagpapasuso
- Kapag sumususo ang inyong sanggol ng mababa sa 60ml, ihinto ang pagpapasuso sa gabi
*Sanggunian: Centre for Community Child Health, Royal Children’s Hospital (2012-2016). Ang programang e-learning sa pagtulog ng sanggol. Melbourne: RCH.