Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya

(Binago Ene 2020)

Nagbibigay ang Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya (FHS) ng Kagawaran ng Kalusugan (DH) ng komprehensibong saklaw ng mga serbisyong pagtataguyod ng kalusugan at pag-iwas sa sakit para sa mga bata mula pagsilang hanggang 5 taong gulang at kababaihan na edad 64 o mas bata sa pamamagitan ng network nito na mga Maternal and Child Health Centre (mga MCHC) at Woman Health Centres (mga WHC).

Pagpapakilala ng Serbisyo

  1. Maternal and Child Health Service

    Sinasaklaw ng Maternal and Child Health Service ang kalusugan ng bata, kalusugan ng ina, pagpaplano ng pamilya at pag-screen ng cervix.

    Kalusugan ng Bata

    Ipinatutupad ang Pinagsamang Programa sa Kalusugan at Pag-unlad ng Bata sa mga MCHC para itaguyod ang kabuuang (pisikal, pag-unawa, emosyonal at panlipunan) kalusugan at kapakanan ng mga bata. Ang mga pangunahing bahagi ng pinagsamang programa ay:

    Pagtuturo at suporta sa pagiging magulang

    Layunin ng programa sa pagiging magulang na bigyan ang mga magulang ng lahat ng batang pumupunta sa mga MCHC ng kinakailangang kaalaman at kakayahan upang mapalaki ang malulusog at mahusay makibagay na mga bata. Ibinibigay sa lahat ng magulang ang paggabay sa pag-aasam sa pag-unlad ng bata, pag-aalaga ng bata at pagiging magulang sa panahong bago manganak at sa buong panahon ng mga taon sa preschool ng mga bata, sa anyo ng mga polyeto ng impormasyon, mga mapagkukunan na audio-visual, website, nakarekord na hotline, mga workshop sa pagiging magulang (isinasagawa sa Cantonese lamang) at pagpapayo sa indibiduwal.

    Ibinibigay sa mga nangangailangang magulang ang mga serbisyong sumusuporta. Kabilang dito ang mga pagtuturo sa pagpapasuso at grupo ng suporta para sa mga ina na nagpapasuso, nakaistrukturang Triple P group na programa (magagamit sa Cantonese lamang) para sa mga magulang na nakararanas ng mga problema sa pamamahala sa anak, suporta para sa mga magulang na may problema sa kalusugan ng isipan sa panahon ng panganganak o mga partikular na pangangailangang sikolohikal at panlipunan.

    Pagbabakuna

    Ibinibigay ang isang komprehensibong programa sa pagbabakuna upang mapangalagaan ang mga sanggol at mga bata mula sa labing-isang nakahahawang sakit sa pagkabata, katulad ng, tuberkulosis, hepatitis B, poliomyelitis, dipterya, tetanus, mahalak na ubo, impeksyon ng bakteryang pneumococcus, bulutong-tubig, tigdas, beke at rubella.

    Pagmamatyag sa Kalusugan at Pag-unlad

    Binubuo ito ng serye ng rutinang mga pagsusuri na isinasagawa ng mga propesyonal sa kalusugan, nakadisenyo upang makamit ang napapanahong pagtukoy at pagsangguni ng mga batang may mga problema sa kalusugan at pag-unlad. Kabilang dito ang unang konsultasyon para sa kalusugan ng bagong silang na sanggol, pana-panahong pagsubaybay ng mga parametro sa paglaki ng bata, pag-screen sa mga partikular na edad sa pandinig at paningin bago mag-pre-school. Ginagawa ang pagmamatyag sa pag-unlad sa pakikipagtulungan sa mga magulang sa pamamagitan ng paggabay sa pag-aasam, pagtatamo ng ikinababahala ng mga magulang at pag-oobserba sa bata.

    Kalusugan ng Ina (Pangangalaga Bago at Matapos Manganak)

    Pinangangasiwaan ng mga MCHC ang isang komprehensibong programa ng nakabahaging pangangalaga bago manganak, sa pakikipagtulungan sa Obstetric Department ng mga pampublikong ospital, upang subaybayan ang buong pagbubuntis at proseso ng panganganak.

    Binibigyan ang lahat ng babae ng mga pagsusuri pagkatapos manganak at payo tungkol sa pagpaplano ng pamilya at kontrasepsyon. Tumutulong din ang mga centre sa mga ina pagkatapos manganak upang makibagay sa mga pagbabago sa buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng karanasan sa mga suportang grupo at pagpapayo sa indibiduwal.

    Pagpaplano ng Pamilya

    Ibinibigay ang pagpapayo at reseta ng angkop na mga paraan ng kontrasepsyon sa mga babaeng nasa edad ng pagbubuntis. Ibinibigay rin ang pagpapayo sa mga kliyente na may mga problema sa pagkabaog at isasaayos ang referral sa espesyalista nang naaayon.

    Pag-screen ng Cervix

    Nagbibigay ang mga MCHC ng mga pagsusuring pag-screen ng cervix sa mga babaeng edad 25 o mas matanda na nakipagtalik na. Isinasagawa ng mga nurse ang mga pap smear. Maaaring makipag-appointment ang mga interesedang kliyente sa pamamagitan ng Phone Booking System (24 na oras na hotline: 3166 6631).

  2. Serbisyo sa Kalusugan ng Babae

    Naglalayon na itaguyod ang kalusugan ng kababaihan at harapin ang kanilang mga pangangailangan sa kalusugan sa iba't ibang yugto ng buhay. Nag-aalok ang tatlong Woman Health Centre ng mga promosyon sa kalusugan at mga programang pag-iwas sa sakit para sa kababaihang nasa edad na 64 na taon o mas bata. Ibinibigay ang edukasyon sa kalusugan, pagpapayo, eksaminasyon ng katawan at mga angkop na pagsusuri na pag-screen. Ibinibigay rin ang Serbisyo sa Kalusugan ng Babae sa 10 MCHC sa batayang kada sesyon.

  3. Mga Programang Pang-edukasyon

    (isinasagawa sa Cantonese lamang)

    Regular na isinasagawa ang mga programang pang-edukasyon sa anyong mga workshop at suportang grupo sa iba't ibang sesyon ng serbisyo sa mga MCHC pati na rin sa mga WHC. Sinasaklaw ang iba't ibang paksa sa kalusugan upang itaguyod ang kalusugan ng mga bata at kababaihan, at harapin ang kanilang mga pangangailangan sa kalusugan sa iba't ibang yugto ng buhay.

  4. Website ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya

    Bukod dito, maaaring makakuha ang publiko ng impormasyong pangkalusugan tungkol sa bata/ina/babae sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya, Kagawaran ng Kalusugan (www.fhs.gov.hk).

Mga Bayarin at Singil

Nakalista ang mga singil para Maternal & Child Health Service at Serbisyo sa Kalusugan ng Babae ayon sa sumusunod:

Maternal & Child Health Service

Mga Karapat-dapat na Tao*
(ayon sa pagdalo)

Mga Hindi Karapat-dapat na Tao*
(ayon sa pagdalo)

Kalusugan ng Bata Walang singil $365 (pangunahing singil para sa bawat pagpunta) (Note 1)
Bakuna laban sa Pneumococcal Walang singil $500 (bawat dosis) (Dagdag na Singil)
Bakuna Laban sa Varicella Walang singil $295 (bawat dosis) (Dagdag na Singil)
Bakuna laban sa Tigdas, Beke, Rubella at Varicella (MMRV) Walang singil $490 (bawat dosis) (Dagdag na Singil)
Bago manganak Walang singil $1190 (Note 2)
Pagkaanak Walang singil $1190
Pagpaplano ng Pamilya $1 $235
Pag-screen ng Cervix $100 $205

Serbisyo sa Kalusugan ng Babae

Mga Karapat-dapat na Tao*

Mga Hindi Karapat-dapat na Tao*

Taunang bayad (kabilang ang pag-screen sa kalusugan at mga serbisyong pagtataguyod ng kalusugan)

$310

$850

Bawat mammography

$225 (Dagdag na Singil)

$510 (Dagdag na Singil)

*Maaaring regular na baguhin ang mga nabanggit na singil nang walang paunang abiso. Para sa pinakabagong mga singil, mangyaring sumangguni sa web site http://www.fhs.gov.hk

Note 1: Kabilang ang mga bakuna sa ilalim ng “Programang Pagbabakuna sa Pagkabata sa Hong Kong ” (hindi kasama ang bakuna laban sa Pneumococcal, bakuna laban sa Varicella at bakuna laban sa Tigdas, Beke, Rubella at Varicella)

Note 2: Para sa mga buntis na ina na hindi residente, mangyaring dalhin ang "Sertipiko tungkol sa Kumpirmasyon ng Reserbasyon Bago Manganak at Panganganak" na ibinigay ng Hospital Authority.

Mangyaring dalhin ang balido at orihinal na kopya ng Sertipiko ng mga Tumatanggap ng Komprehensibong Tulong ng Social Security (para sa mga Medikal na Waiver) o Sertipiko para sa Waiver ng mga Medikal na Pagsingil.

Para sa kalusugan ng bata, pagpaplano ng pamilya, Bakuna laban sa Pneumococcal, Bakuna Laban sa Varicella, Bakuna laban sa Tigdas, Beke, Rubella at Varicella, pag-screen ng cervix at mga serbisyo sa kalusugan ng babae, hindi tinatanggap ang GF 181/Try 447/HA 181.

Ang Level 0 Voucher Holder ng Pilot Scheme sa Residential Care Service Voucher para sa Matatanda ay dapat magdala ng balido at orihinal na kopya ng sertipiko para ma-waive ang mga sinisingil.

Mga dokumento sa pagkuha ng mga serbisyo

Kailangang dalhin ng mga kliyenteng bumibisita sa mga MCHC o mga WHC para sa iba't ibang serbisyo ang mga sumusunod na dokumento at katibayan ng pagkakakilanlan

Serbisyo sa Kalusugan ng Bata

Unang pagrerehistro

  1. Rekord ng pagbabakuna, ibig sabihin kard ng iniksyon
  2. Mga dokumento ng pagkakakilanlan ng pagsilang, hal. Sertipiko ng Kapanganakan
    Para sa mga batang hindi isinilang ng taga-Hong Kong, pakidala ang mga balidong dokumento ng pagbibiyahe
  3. Mga balidong Kard ng Pagkakakilanlan ng mga Magulang sa Hong Kong (tinatanggap ang mga kopya)
    Para sa mga walang balidong kard, pakidala ang mga balidong dokumento ng pagbibiyahe (tinatanggap ang mga kopya)
  4. Rekord ng paglabas sa ospital ng sanggol (kung naaangkop)
  5. Kard ng Pagrerehistro Bago Manganak sa MCHC ng ina (kung naaangkop)
  6. Ang natapos na "Serbisyo sa Kalusugan ng Bata - Form ng Unang Pagrerehistro"

Mga kasunod na pagbisita

  1. Rekord ng pagbabakuna, ibig sabihin kard ng iniksyon
  2. Rekord ng Kalusugan ng Bata
  3. Rekord ng paglabas ng mga kasunod na pagkakaospital o medikal na sertipiko ng mga medikal na problema/sakit ng bata

Serbisyo Bago Manganak

  1. Balidong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong(Para sa mga wala nito, mangyaring dalhin ang balidong dokumento sa pagbiyahe, dokumento ng pagkakakilanlan ng asawa at dokumento ng kasal [hindi tinatanggap ang mga kopya] )
  2. Katibayan ng address na may petsa sa loob ng nakalipas na 6 na buwan
  3. Resulta ng pagsusuri ng pagbubuntis
  4. Rekord ng pangangalaga bago manganak (kung mayroon)
  5. Natapos na Form ng Unang Pagrerehistro (Para sa unang pagbisita lamang)
  6. Kard ng Pagrerehistro Bago Manganak sa MCHC (para sa mga kasunod na pagbisita lamang)

Dapat magdala ang mga kliyente ng sampol ng ihi kapag pumupunta

Mga Serbisyo Matapos Manganak

  1. Balidong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong
    Para sa mga wala, pakidala ang mga balidong dokumento ng pagbibiyahe
  2. Kard ng paglabas sa ospital o kard ng rekord ng panganganak

Serbisyo sa Pagpaplano ng Pamilya

  1. Balidong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong
    Para sa mga wala, pakidala ang mga balidong dokumento ng pagbibiyahe
  2. Kard ng Pagrerehistro para sa Pagpaplano ng Pamilya sa MCHC
    (para sa mga kasunod na pagbisita lamang)

Para sa mga umiinom ng mga pildoras na kontraseptibo, pakidala ang mga natirang pildoras at ang sobre ng pildoras sa panahon ng inyong pagbisita

Serbisyo sa Pag-screen ng Cervix

  1. Balidong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong
    Para sa mga wala, pakidala ang mga balidong dokumento ng pagbibiyahe
  2. Mga referral letter mula sa Hospital Authority o mga follow-up slip na ibinigay ng mga MCHC
    hal. "Flexible Quota" slip o "FU by doctor" slip (para sa kasunod na pagbisita lamang)

Serbisyo sa Kalusugan ng Babae

  1. Balidong Kard ng Pagkakakilanlan sa Hong Kong
    Para sa mga wala, pakidala ang mga balidong dokumento ng pagbibiyahe
  2. Rekord ng Kalusugan ng Babae (para sa mga kasunod na pagbisita lamang)

Oras ng Serbisyo, Mga Address at Numero ng Telepono

Ang mga oras ng pagbubukas ng mga Maternal & Child Health Centre (maliban sa Cheung Chau, Mui Wo at ilang centre na part-time) sa ilalim ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya, Kagawaran ng Kalusugan ay ang sumusunod:

Ang Oras ng Pagrerehistro*

Ang Oras ng Pagbubukas

Lunes hanggang Biyernes

9 am hanggang 12:30 pm
2 pm hanggang 5 pm

9 am hanggang 1 pm
2 pm hanggang 5:30 pm

ika-2 at ika-4 na hindi pampublikong Pista Opisyal na Sabado ng bawat buwan

9 am hanggang 11:30 am

9 am hanggang 12 noon

*Mangyaring magparehistro sa Maternal and Child Health Centre sa loob ng nakatalagang oras ng pagrerehistro, kung hindi ay hindi isasaayos ang hinihinging serbisyo.

Mga paalala

Dahil sa magkakaibang serbisyo ng MCHC, nag-iiba-iba ang mga iskedyul ng serbisyo sa bawat centre. Pinatatakbo lang ang ilang centre sa mga partikular na araw ng linggo. Mangyaring tumawag sa hotline ng 24-oras na impormasyon sa 2112 9900, bisitahin ang aming website (http://www.fhs.gov.hk) o makipag-ugnayan sa mga indibiduwal na centre para sa mga detalye.

Pagrereserba ng Appointment

Nagsimula na lahat ng MCHC ng pagrereserba ng appointment para sa kalusugan ng bata.

Unang pagrerehistro

  • Para tiyakin na natitingnan nang walang pagkabalam ang mga bagong silang na sanggol na may mga pangangailangan sa kalusugan gaya ng paninilaw ng bagong silang na sanggol at mga problema sa pagsuso ng gatas ng ina.
  • Mangyaring makipag-appointment nang maaga sa piniling MCHC alinman sa personal sa panahon ng sesyon ng pagpapatingin sa kalusugan ng bata o sa telepono.
  • Mangyaring tandaan: Maaari lang magpareserba ang mga Hindi Karapat-dapat na Tao (mga NEP) sa hotline na numero ng telepono sa 3796 0861. Magsisimula ang pagpapareserba mula sa unang araw ng trabaho ng bawat buwan.

Mga kasunod na pagbisita

  • dalhin ang kard ng pagbabakuna ng inyong anak at magpareserba nang personal sa panahon ng sesyon ng pagpapatingin sa kalusugan ng bata sa MCHC.
  • tumawag nang direkta sa MCHC at ipaalam sa tauhan ang Case No. ng inyong anak na nasa Rekord ng pagbabakuna.
  • I-access ang Online Child Health Service Booking System sa aming website upang magpareserba, baguhin, kanselahin o tingnan ang isang appointment.

Impormasyon tungkol sa Maternal and Child Health Centre
http://s.fhs.gov.hk/d5fqn

Mga Maternal and Child Health Centre/Woman Health Centre na nagbibigay ng Serbisyo sa Kalusugan ng Babae
http://s.fhs.gov.hk/olq5x

Mga Maternal and Child Health Centre/Woman Health Centre na may mga Pasilidad na Walang Sagabal
http://s.fhs.gov.hk/f6s88

Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya

Website: www.fhs.gov.hk
Hotline ng 24 na oras na Impormasyon: 2112 9900
Hotline sa Pagpapasuso: 3618 7450