Checklist para sa Pagtuklas ng mga Problema sa Paningin
Mga Katangian ng paningin ng Sanggol
Narito ang ilang sa mga palatandaan ng normal na paningin na dapat ninyong tingnan sa unang taon ng inyong sanggol:
Mula 1 linggo
- Lumilingon ba ang inyong sanggol sa nakakalat na liwanag?
- Tumititig ba ang inyong sanggol sa inyong mukha?
Sa 2 buwan
- Tumitingin ba sa inyo ang inyong sanggol, sinusundan ang inyong mukha kung gumalaw kayo sa bawat gilid, at ngumingiti sa inyo?
- Gumagalaw ba nang magkasam ang mga mata ng inyong sanggol?
Sa 6 na buwan
- Tumitingin ba sa paligid nang may interes ang inyong saggol?
- Sinusubukan ba ng inyong sanggol na abutin ang mga malilit na bagay?
- Sa palagay ba ninyo ay may pagkaduling ang inyong sanggol? Tiyak na abnormal ang pagkaduling ngayon, gayunman bahagya at pansamantala.
Sa 9 na buwan
- Sinusundot at kinakahig ba ng inyong sanggol ang napakaliliit na mga bagay tulad ng mga mumo o 'hundreds and thousands' na mga dekorasyon ng cake gamit ang kanyang mga daliri?
Sa 12 buwan
- Tumuturo ba ang inyong sanggol sa mga bagay upang humingi?
- Nakikilala ba ng inyong sanggol ang mga taong kilala niya mula sa kuwarto, bago sila magsalita sa kanya?
Kung naghihinala kayo sa anumang oras na hindi normal ang paningin ng inyong sanggol, alinman dahil hindi ninyo masagot ng 'Oo' ang alinman sa mga item na nabanggit o naghihinala kayo ng pagkaduling, humingi ng tulong mula sa inyong bisita sa kalusugan o pangkalahatang manggagamot.
Kinuha mula sa Checklist para sa Pagtuklas ng Problema sa Paningin. Mary D Sheridan Mula Pagsilang hanggang Limang Taon: Pagsulong ng Pag-unlad ng mga Bata. Binago ang edisyon at ini-update nina Marion Frost at Ajay Sharma. (London: Routledge 1997), Appendix II. Ipinagkaloob ang pahintulot na gamitin ng International Thomson Publishing Services Ltd.
Mga Babala ng mga Sakit sa Mata sa mga Sanggol at Maliliit na Bata
Bihira ang mga problema sa mata at paningin sa mga sanggol ngunit maaring makasira sa pag-unlad ng paningin at mga mata, pati na rin sa kanilang kalusugan. Kung may mga sumusunod na palatandaan ang mga mata ng sanggol, dapat kumonsulta sa mga doktor ang mga magulang sa lalong madaling panahon.
- Hindi nakukuha ang atensyon ng mga sanggol ng ilaw, mga gumagalaw na laruan o iba pang nakagagambala
- Mga mata na hindi pantay (mukhang duling, pumipihit sa labas, o wala sa parehong lebel)
- Hindi nakakatitig ang (mga) mata o nakakasunod sa mga bagay o tao
- Nanginginig ang mga mata
- Mukhang puti o kulay abo na maputi ang balintataw (tinatawag ding leukocoria)
- Hindi pantay ang laki ng balintataw
- Iba ang hitsura ng mata mula sa iba, hal. Nakalaylay o namamagang (mga) talukap ng mata, nakausli o nakaluwang mga mata atbp.
- Pamumula at tagas sa alinmang mata na hindi nawawala ng ilang araw
- Laging sobrang sensitibo sa liwanag o nagluluha ang mga mata
- Patuloy na pagkiling ng ulo
- Laging kinukuskos o pinipisil ang mga mata
Ano ang Leukocoria?
- Nangangahulugan ang Leukocoria na “puting balintataw”. Ang balintataw ay puti sa halip na karaniwang itim sa direktang obserbasyon o sa mga litrato. Ito ay sintomas ng malubhang sakit sa mata kabilang ang namamanang katarata, retinoblastoma na karaniwang kilala bilang kanser sa mata, retinopathy ng pagka-premature, atbp.
- Kumonsulta sa doktor sa lalong madaling panahon kung hindi mukhang normal ang balintataw ng inyong sanggol.
- Maaari pa ninyong malaman ang tungkol sa kondisyong ito sa sumusunod na webpage:
- Sa Ingles: http://aapos.org/glossary/leukocoria
- Sa Tsino:
- https://www.ovs.cuhk.edu.hk/leukocoria/
- https://youtu.be/8bC5rMLtXYk
Ginawa ng Department of Ophthalmology and Visual Science ng CUHK