Manatiling Kalmado Habang Nagtatrabaho mula sa Bahay Kasama ang mga Batang Anak
(Peb 2020)
Manatiling Kalmado Habang Nagtatrabaho mula sa Bahay Kasama ang mga Batang Anak
Maraming magulang ang nagkakaproblema upang makayanan ang pagtatrabaho mula sa bahay sa mga araw na ito, isa ka ba sa kanila? Narito ang ilang tip sa mga ito; maaari din ninyong i-scan ang QR Code para sa mas maraming payo sa pagtatrabaho mula sa bahay kasama ang mga anak mula sa website ng FHS.
Paghahanda ng Isipan
- Suriin kung mayroon kayong anumang idealistikong paniniwala tungkol sa pagtatrabaho mula sa bahay
- Magtakda ng makatotohanan at praktikal na mga inaasahan
- Tanggapin ang inyong mga limitasyon
- Kamtin ang mga layunin nang hakbang-hakbang
- Alisin ang pagkabalisa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maiikling pahinga pagkatapos makamit ang maliit na layunin
- Pahalagahan ang sarili ninyong mga pagsisikap
Magtakda ng mga Limitasyon para sa mga Bata
- Magkaroon ng maaliwalas na espasyo para sa pagtatrabaho
- Sabihin sa inyong mga anak ang mga pagsasaayos at patakaran bago ka magtrabaho mula sa bahay
- Isara o ikandado ang pinto habang nagtatrabaho; kung hindi, subukang gumamit ng gate pang kaligtasan upang mapanatiling nasa labas ng kuwarto ang mga bata
- Gawing mga larawan/teksto ang mga patakaran; ipaskil ang mga ito kasama ng iskedyul ng bata sa isang pinto/ refrigerator
- Magplano nang maaga sa pamamahala ng hindi pagsunod:
- Mga sanggol at bata: maamo → nangugulo/ alisin mula sa eksena
- Mga Batang nasa Preschool: bigyan ng parusa na dati nang napagkasunduan
- Purihin ang pagsunod kaagad + hikayatin ang patuloy na kooperasyon
Magplano Nang Maaga, Manatiling Madaling Makibagay
- Linawin ang mga kinakailangan at pagsasaayos sa trabaho sa mga employer o katrabaho bago pa magsimula
- Sabihin ang inyong mga limitasyon at pangangailangan
- “Hindi ako makasasagot kaagad sa ilang panahon”
- “Mas gusto kong magkaroon ng mga tawag na pulong pagkatapos ng tanghalian”
- Repasuhin ang listahan ng gagawin at unahin ang mga gawain
- Hal. Tapusin ang mga gawaing nangangailangan ng masusing pag-iisip kapag natutulog ang mga bata
- Panatilihing mayroong mga bagay na kailangan sa trabaho, hal. tubig/kape/mga meryenda, upang maiwasan ang madalas na paglabas-pasok sa opisina
- Gumamit ng headphones upang mawala ang ingay
- Maging madaling makibagay at handa upang muling baguhin ang uunahin/ baguhin ang inyong plano
Panatilihin ang Pakikipag-ugnayan ng Mga Bata
- Magtakda ng rutina at ayusin ang naaangkop na mga aktibidad bago magsimula
- I-save ang espesyal na mga aktibidad + mga paboritong laruan para sa oras na nagtatrabaho ang magulang
- Para sa mga nakatatandang anak, magtalaga ng “listahan ng gawain” purihin at gantimpalaan sa pagtapos ng mga gawain sa tamang oras
Kailangan ng mga Bata ang Inyong Pagsama
- Huwag kalimutang magpahinga!
- Maglaan ng oras para sa mga pang-araw-araw na aktibidad ng magulang-anak upang pagyamanin ang inyong ugnayan