Pag-iwas sa Pulmonya at Impeksyon ng Daanan ng Hininga – Pansariling Pangangalaga sa Isipan

(Inilathala noong 02/2020)

Bilang pagtugon sa mga posibleng banta ng kasalukuyang epidemya, maraming tao ang maaaring makaramdam ng sobrang pasanin, pagkabahala, pagkabalisa, o maging pagkatakot. Bilang tagapag-alaga, habang maaaring abala kayo sa mga hakbang sa pag-iwas upang maprotektahan ang kalusugan ng inyong mga sarili at ng inyong pamilya, hindi dapat pabayaan ang pangangalaga sa mga pangangailangan pang-emosyon ng inyong mga sarili at ng inyong mga anak.

Mga Posibleng Reaksyon ng mga Tagapag-alaga sa Biglang Paglitaw ng Virus

Sa harap ng biglang epidemya, maaari ninyong tandaan ang mga sumusunod na pagtugon bilang karagdagan sa mga pag-uugali (tulad ng palakasin ang kalinisan ng katawan at tahanan):

  • Mga Saloobin

    "May ilang mask na lang ang natitira, ano ang dapat kong gawin?", "Ayaw maghugas ng kanyang mga kamay ng aking anak na lalaki, mahahawa ba siya?"...

  • Mga Damdamin

    nag-aalala, nababalisa, naiirita, nagagalit, atbp.

  • Mga Pagtugong Pisyolohikal

    pananakit ng kalamnan, mabilis na paghinga, mabilis na pagtibok ng puso, atbp.

Mga Posibleng Reaksyon ng mga Bata sa Biglang Paglitaw ng Virus

Hindi pa naiintindihan ng mga sanggol at maliliit na bata kung ano ang nangyayari sa paligid nila, ngunit maaaring maapektuhan ang kanilang damdamin at pag-uugali ng mga pagbabago sa emosyon ng kanilang mga tagapag-alaga.
Hindi lubhang nauunawaan ng mga batang nasa pre-school ang sitwasyon ng epidemya at maaaring malito sa mga pagbabago sa pag-uugali ng mga miyembro ng pamilya. Maaari silang makaramdam ng pagkabalisa na maaaring mahawa ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Maaari silang mainip o ma-miss ang kanilang mga kamag-anak, guro at kaklase dahil sa mga pagbabago sa karaniwang mga rutina tulad ng pagsuspinde sa pagpasok sa paaralan at nabawasang mga aktibidad sa labas ng bahay. Maaari din silang mabigo o hindi sumunod kapag nagpatupad ng mahihigpit na hakbang sa kalinisan ang mga tagapag-alaga.

Mga Payo sa Pangangalaga ng Sikolohikal

Maaaring sumangguni ang mga tagapag-alaga sa mga mungkahing nasa ibaba upang mapahusay ang inyong mga kakayahan pati na rin ng sa inyong mga anak upang makayanan ang pagtugon sa biglang paglitaw ng virus.

(I) Para sa mga Tagapag-alaga

  • Subukang ipahayag ang pag-unawa, pagtanggap at paggalang kapag may iba't-ibang pananaw at damdamin ang mga miyembro ng pamilya bilang pagtugon sa biglang paglitaw ng virus.
  • Dapat ninyong malaman ang inyong mga damdamin; kapag nakakaramdam ng pagkabalisa, paalalahanan ang inyong sarili na lilipas din ang biglang paglitaw ng virus kinalaunan at subukang magpokus sa pag-angkop sa magagawa at makatotohanang mga paraan upang makayanan ang sitwasyon.
  • Asikasuhin ang inyong mga pangunahing pangangailangan upang mapalakas ang inyong imyunidad, hal. pagpapanatili ng balanseng diyeta, pagkakaroon ng sapat na pahinga at tulog.
  • Maglaan ng oras para sa paglilibang o mga kawili-wiling aktibidad, hal. pakikinig sa musika, simpleng ehersisyo na pagbabanat, pagbabasa, o pagkonekta sa mga kaibigan.
  • Iwasan mapuno ng labis na impormasyon. Patunayan kung maaari, o i-access ang tumpak na impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang mapagkukunan.
  • Humingi ng suporta mula sa ibang miyembro ng pamilya sa mga gawaing bahay at/o pag-aalaga sa bata hangga't maaari.
  • Magsanay ng ehersisyong pamparelaks, hal.

(II) Para sa mga Bata

Sa pangkalahatan, maaaring makaapekto sa pananaw ng inyong anak sa sitwasyon ang mga pag-uugali at damdamin ng mga tagapag-alaga tungkol sa biglang paglitaw ng virus. Habang sinusubukan ninyong ipakilala o paalalahanan ang inyong mga anak sa mga hakbang sa kalinisan, maging maingat sa inyong tono at iwasang maging mapilit.

Bukod dito, sa pagharap sa mga pagbabago, madalas na nahihirapan ang maliliit na bata na masabi ang kanilang mga damdamin at pangangailangan. Kailangang bigyang-pansin ng mga tagapag-alaga ang mga pagpapakita at pagbabago sa pag-uugali ng mga bata, tuklasin ang nasa likod ng kanilang mga pangangailangan at damdamin, at tumugon nang naaangkop at kaagad upang mapagaan ang kanilang pagharap sa sitwasyon.

1. Kontrolin ang mga damdamin

Mga Prinsipyo Mga Mungkahi
i. Palakasin ang pagkadama sa kaligtasan
  • Tiyaking nakakaramdam ng pagmamahal, pag-aalaga at pagpoprotekta ang mga bata
  • Ituro ang pagkadama ng pagkanatatantiya
Mga Sanggol at Maliliit na Bata
  • Magbigay ng karagdagang ginhawa sa pamamagitan ng mga paghawak, pagyakap at hayaang manatiling malapit ang mga bata sa mga tagapag-alaga
  • Sumali sa mga pamilyar na aktibidad tulad ng pagkanta at pagbabasa ng mga kuwento nang magkasama
Mga Batang nasa Pre-school
  • Magbigay ng panatag na pananalita maliban sa kaginhawahang pisikal
  • Magbigay ng paunang paunawa at paliwanag sa mga pagbabago sa mga pang-araw-araw na rutina. Hal. “Mananatili tayo sa bahay bukas dahil sarado pa rin ang paaralan.”
ii. Suportahan ang pagpapahayag ng mga emosyon
  • Makinig nang mabuti at matiyaga
  • Magbigay ng pagkakataong maipahayag ang mga emosyon
  • Iwasang pilitin ang mga bata na magsalita
Mga Sanggol at Maliliit na Bata
  • Direktang pangalanan ang mga emosyon, bigyan ang mga bata ng mga tulong (tulad ng mga card tungkol sa damdamin) upang pag-usapan ang tungkol sa mga nararamdaman
Mga Batang nasa Pre-school
  • Tiyakin sa mga bata na normal at katanggap-tanggap ang kanilang mga nararamdaman. Hal. “Nakakainip ang pananatili sa bahay buong araw.”
  • Kung mukhang hindi interesado ang mga bata na pag-usapan ang tungkol sa sitwasyon, patuloy lang na obserbahan at bantayan sila para sa anumang mga palatandaan ng pagkabalisa.
iii. Tuklasin ang mga alalahanin na may pakikiramay at tumugon nang naaayon
  • Gumamit ng wikang naaangkop sa edad at mga pangangailangan ng mga bata upang mapahusay ang pag-uunawa
  • Maging makatotohanan nang walang labis na mga detalye
  • Manatiling kalmado at gawin itong masaya
Mga Sanggol at Maliliit na Bata
  • Ipaliwanag sa mga simpleng termino, hal “Maghugas ng mga kamay upang mapanatiling malinis ang mga ito”, “Upang maprotektahan ang ating mga sarili mula sa mga mikrobyo, magsuot ng mga mask kapag lalabas.”
  • Mapaglarong ipakilala ang mga pagsasanay sa kalinisan, hal. kumanta kapag naghuhugas ng mga kamay nang magkakasama
  • Gumamit ng mga panggulo kapag nagpapakita ang mga bata ng pagtutol
Mga Batang nasa Pre-school
  • Magkaroon ng mga pagpapalitan ng mga ideya sa pakikipag-usap. Hal. Nakakaramdam ng pagkainis ang bata kapag sinasabihang magsuot ng mask. Maaaring isagot ng tagapag-alaga na, “Hindi mo gustong magsuot ng mask. Hulaan mo kung bakit lagi kitang sinasabihang gawin ito?” Sasabihin ng bata, “Upang mapanatiling ligtas tayo sa pagkakaroon ng sakit.” Sasabihin ng tagapag-alaga, “Oo! Tama ka! Gusto ko kung paano mo natatandaan kung ano ang sinabi ko sa iyo. Mas maraming tao ang nagkakasakit, kaya kailangan nating magsuot ng mga mask kapag lumalabas. Tulungan natin ang bawat isa na magsuot ng mask?”.
  • Sasabihin ng bata ang kanyang alalahanin sa Ama, “Magkakasakit ka ba kapag lumabas ka para magtrabaho?” Sasagot ang ama, “Nag-aalala ka na magkasakit si Daddy. Poprotektahan ko ang aking sarili sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga kamay at pagsusuot ng mask. Magiging maayos din ito.”
  • Maaaring ibahagi ng mga adulto ang kanilang sariling nararamdaman, ngunit huwag kalimutang magbahagi rin ng mga ideya para sa pagkaya dito. Hal. Sinasabihan ng Mommy ang kanyang anak na, “Medyo nag-aalala din ako kapag naririnig ko na mas maraming tao ang nagkakasakit. Ngunit makabubuti kung may mahusay tayong mga pagsasanay sa kalinisan.”

2. Panatilihin ang pang-araw-araw na rutina at magsaayos ng mga aktibidad

  • Panatilihin ang mga pang-araw-araw na rutina hangga't maaari
  • Talakayin at magsaayos ng mga aktibidad na naaangkop sa edad ng inyong mga anak, tulad ng paglikha gamit ang play dough, mga building block, at pagbabasa, atbp. Mga aktibidad upang mapadali ang mga palitang interaksyon tulad ng mga pagkanta na may galaw, paglalaro ng set ng lutu-lutuan o mga larong pagkukunwari, atbp. Maaari itong maging magandang oras upang makipaglaro kasama ang inyong mga anak at pasiglahin ang kaugnayan ng magulang-anak.
  • Magsaayos ng mga simpleng gawaing-bahay ayon sa kakayahan ng mga bata, tulad ng pagliligpit ng mga laruan, paglilinis ng mesa pagkatapos kumain, pagbubukod ng malilinis na damit, atbp.
  • Purihin ang mga bata kung nasusunod nila ang rutina at hikayatin ang pag-uugali sa pamamagitan ng paggamit ng plano ng simpleng gantimpala.

Humingi ng Propesyonal na Tulong

Kung naoobserbahan sa mga bata o tagapag-alaga ang makabuluhan at patuloy na pagkabalisa o hindi karaniwang pagbabago sa pag-uugali, maaari kayong kumonsulta sa doktor ng pamilya o lumapit sa mga mapagkukunan sa komunidad.