Pagiging Magulang Serye 20 – Pagpapaunlad ng Kabutihan at Pagpapahalaga ng mga Bata 2 (2 - 4 na taon)
Layunin ng Bahagi II at Bahagi III ng Pagpapaunlad ng Kabutihan at Pagpapahalaga ng mga Bata na magbigay ng ilang ideya kung paano gamitin ang mga diskarteng tinatawag na '6R1O' na ipinaliwanag sa Bahagi I tungkol sa pagpapaunlad ng mga pagpapahalaga at kabutihan ng mga batang nasa preschool.
Ipinakikila ng polyetong ito ang ilang mahahalagang kabutihan na maaaring paunlarin mula halos dalawang taong gulang pasulong:
- Kabaitan - Upang maging sensitibo at makilala ang mga pangangailangan ng iba
- Pangangalaga - Upang maramdaman, magmalasakit para sa at tumulong sa ikabubuti ng iba
- Pagbabahagi - Upang hayaan ang iba na masiyahan sa kung ano ang mayroon ka na kasama sila
- Kooperasyon - Upang sumali ang lahat at tumulong para makamit ang isang gawain o layunin.
- Paggalang - Upang kilalanin at tanggapin ang kahalagahan at mga karapatan ng sarili.
Isipin
Sumasang-ayon ba kayo na mahalaga ang mga nabanggit na kabutihan para sa inyong anak?
Kung sumasang-ayon kayo na mahalaga ang mga ito, ilalarawan ng mga sumusunod na talata ang mga paraan upang pagyamanin ang mga ito sa inyong anak, o maaari ninyong gamitin ang mga diskarteng ipinaliliwanag sa Pagpapaunlad ng mga Kabutihan at Pagpapahalaga ng mga Bata Bahagi I upang pagyamanin ang iba pang pagpapahalaga na inyong pinipili.
Mahalaga ang mga Yugto ng Pag-unlad
Isaalang-alang ang talino ng bata kapag nililinang ang mga pagpapahalaga sa kanya dahil natututo ang mga bata sa pamamagitan ng iba't ibang paraan sa magkakaibang yugto ng pag-unlad.
- Bilang isang sanggol, gagayahin ng inyong anak ang inyong kilos kahit hindi pa niya naiintindihan ang kahulugan nito. Kaya maging mabuting huwaran para sa inyong anak.
- Pagkatapos ng isang taon, kapag nasusunod na niya ang inyong tagubilin, magsimula sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanya na isagawa ang isang bagay nang matapat, gaya ng pagsasabi sa kanya na magsabi ng 'magandang umaga' sa iba upang ipakita ang kanyang paggalang o maglagay ng barya sa kahon ng donasyon upang ipakita ang kanyang pagmamalasakit sa nangangailangan.
- Kapag inabot na niya ang dalawang taon, maaari siyang matuto ng mga pagpapahalaga na hihingin sa kanya na mag-isip kung siya ang nasa kalagayan ng ibang tao.
- Mas mabubuo ang kakayahang isipin ang pananaw ng ibang tao mula edad apat pasulong. Kung gayon, mangangahulugan ang mga pagpapahalaga gaya ng paggalang at pagmamalasakit na mas higit pa sa simpleng pagkilos. Maaaring dumamay sa iba ang inyong anak, magkusang kumilos kung ano ang sa palagay niya ay tama, o maging subukin ang ginagawa ng mga adulto. Kaya mahalaga para sa inyo na maging mabuting huwaran at panindigan ang mga sarili ninyong pagpapahalaga sa harap ng inyong anak.
Pagbuo ng Pagdamay bilang Pundasyon
Ang pagdamay ang pangunahing kalidad kung saan maaaring mabuo ang pagpapahalaga sa kabaitan, pagmamalasakit, pagbabahagi at paggalang. Nangangahulugan ang pagdamay na madama ang damdamin ng iba. Sa pagbuo ng positibong kaugnayan sa inyong anak mula sa pagkasanggol, inilalatag ang pundasyon upang mabuo ang pagdamay. Paano mabubuo ng magulang at anak ang positibong ugnayan? Sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal sa inyong anak, pagtugon kaagad sa kanyang mga pangangailangan, pagpuri at pagpapalakas ng loob niya para sa kanyang mga pagsisikap. Sa paggawa nito, matututunan niyang tumugon nang may mga positibong emosyon at makiramay sa iba. Kapag nakikipag-usap kayo sa inyong anak, subukan:
-
Maging huwaran sa pagdamay sa inyong anak at sa mga taong nakapaligid sa inyo.
- Bigyan ang inyong anak ng pisikal na atensyon gaya ng mga pagyakap at pagngiti upang ipakita ang inyong pagmamahal sa kanya.
- Subukang damayan ang inyong anak. Ilarawan kung ano ang kanyang nararamdaman at tumugon kaagad sa kanyang mga emosyon at mga pangangailangan, hal. 'Napansin kong malungkot ka. May problema ka ba, anak?'
- Ipakita sa kanya kung paano magmalasakit sa iba sa pamamagitan ng paggawa ninyo mismo ng ganoon sa inyong pang-araw-araw na buhay, hal. buksan ang pinto para sa isang tao na may binubuhat na mga pinamili sa kanyang mga kamay, tulungan ang inyong matandang kapitbahay na gawin ang isang bagay.
-
Tulungan ang inyong anak na makilala at ipahayag ang mga damdamin nang naaangkop.
- Kapag nagbabasa ng kuwento o nanonood ng video, ibaling ang kanyang atensyon sa mga damdamin ng mga tauhan at pag-usapan ninyo ang mga ito.
- Pangalanan at ipaliwanag ang inyong sariling positibong mga damdamin para sa kanya kapag nararanasan ninyo ang mga ito hal., 'masaya' kapag lumalabas upang bumiyahe, 'nakarelaks' pagkatapos ng lahat ng gawaing-bahay, 'nasisiyahan' pagkatapos kumain ng masarap, atb.
- Pangalanan at ipaliwanag ang inyong mga negatibong damdamin ngunit maging maingat na hindi siya sobrang mahirapan. Pumili ng ilan na makakaya ng inyong emosyon at walang kaugnayan sa bata, hal. 'masama ang loob' dahil naipit sa masikip na trapiko, 'bigo' kapag umulan habang nasa labas kayo para maglakad sa parke.
- Ilarawan ang mga damdamin sa kanya at sa iba gamit ang mga posibleng kadahilanan.
Unti-unti niyang matututunan na sabihin ang kanyang mga damdamin kapag alam niya ang mga salita.
-
Patatagin ang inyong anak na may pagkasensitibo sa mga damdamin ng iba.
- Ibaling ang kanyang atensyon sa mga pag-uugaling walang malasakit, hal., 'Nagalit si Ron dahil sa pagtawa sa kanya nang madapa siya.' Gabayan siya sa paglalagay sa kanyang sarili sa pananaw ng ibang tao sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang mararamdaman niya kung nasa parehong kalagayan siya ng iba, 'Ano ang mararamdaman mo kung tinawanan ka ni Ron kapag nadapa ka?' Pagkatapos, itanong kung paano niya gustong tratuhin siya sa halip. 'Ano ang gusto mong gawin sa iyo ni Ron sa halip?'
Pagtataguyod ng Kabaitan at Pagmamalasakit
- Magpakita ng malasakit sa mga tao at hayop sa ating paligid at gabayan ang inyong anak na gawin iyon, gaya ng regular na pangungumusta sa lola sa telepono, pagmamalasakit sa mga kalaro, o pag-aalaga ng hayop.
- Magbigay kayo mismo ng mga donasyon sa mga taong nangangailangan at gabayan siya na mag-ipon nang kaunti mula sa kanyang baon para sa mga donasyon.
- Magboluntaryo kasama ang inyong anak upang ipakita ang pagmamalasakit sa mga taong nangangailangan.
- Ituro sa kanya na kasing saya ng pagtanggap ang pagbabahagi at pagbibigay kapag nakita ninyo ang epekto sa tumanggap.
Isipin:
Ano-anong pagpapahalaga ang gusto ninyong pabutihin sa inyong anak?
Namili kayo isang hapon at napagod kasama ang inyong anak at sumasakay sa MTR train pauwi sa bahay. Nakakita kayo ng bakanteng upuan at tumakbo ang inyong anak papunta roon. Habang natuwa kayo sa inyong anak sa mabilis na pagkuha ng upuan para sa inyo, nakakita kayo ng matandang babaeng nakatayo sa malapit. Ano ang reaksyon ninyo? Ano ang gagawin ninyo?
Paghikayat na Magbahagi at Makipagtulungan
- Sa bahay, ipakita sa inyong anak ang kaligayahan sa pagsasalo sa pagkain o mga gamit ng miyembro ng pamilya.
- Turuan siya kung paano sumunod sa mga patakaran at maghalinhinan kapag hindi maaari ang paggamit nang sabay.
- Purihin siya sa kanyang pagsunod sa mga patakaran at pakikipagkasundo nang mapayapa sa mga kapatid at kaibigan.
- Kapag nagkakaroon ng pagtatalo, makialam lamang kapag sa palagay ninyo ay kinakailangan. Gabayan ang mga bata na itigil ang pag-aaway at pag-usapan kung ano ang dapat nilang gawin. Para sa mas matatandang bata, gamitin ang paraang induction upang talakayin sa kanila ang mga kahihinatnan at mga alternatibo, hal., 'kung makikipag-away ka kay Sally dahil sa laruan, ano ang mangyayari?' 'Oo, mag-aaway kayo sa huli at pareho ninyong gagawing away ang oras ng kasiyahan. At matatapos ang laro' Maaari kayong magpatuloy upang gabayan ang bata na mag-isip ng alternatibong solusyon, isinasaalang-alang ang kapakanan ng lahat ng sangkot, 'Ano ang gagawin mo kung iba ang ginawa mo?'
Pagbuo ng Paggalang
Turuan ang inyong anak kung paano kilalanin at tanggapin ang halaga at karapatan ng ibang tao sa pamamagitan ng pagiging magalang, pagpansin sa kanilang mga damdamin at pangangailangan, at pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao. Kapag lamang nagsasanay kayong kasama siya sa bahay na gagawin niya din ito sa ibang tao sa publiko.
- Maging palakaibigan at magalang, hal., magsabi ng 'magandang umaga', 'salamat' o 'paumanhin po' sa mga tao.
- Ipakita sa kanya kung paano ang pagpansin sa ibang tao sa paligid natin tulad ng paghihintay na matapos magsalita ang ibang tao bago siya magsalita, pagsasalita nang mahina sa publiko dahil hindi dapat tayo makaistorbo sa ibang tao; paghingi ng pahintulot bago hawakan o gamitin ang pag-aari ng ibang tao.
- Dahil nakatira sa mundo na maraming pagkakaiba, dapat matutunan ng bata na magkakaiba ang bawat tao at kailangan nating igalang ang pagkakaiba-iba kabilang ang hitsura, paniniwala, kultura at lahi. Alamin pa ang tungkol sa mga minoridad na populasyon hal. mga pangkat etniko o mga taong may iba't ibang uri ng kapansanan upang mabawasan ang ating hindi kailangang takot o pagtatangi. Pahalagahan ang pagiging natatangi at kagandahan ng iba't-ibang tao. Sikaping pigilin ang pagkamuhi at pagtatangi sa pagiging may kamalayan sa ating mga saloobin at gawi, hal., kawalan ng galang ang pagbabansag sa ibang pangkat etniko. Ituro sa inyong anak kung ano ang mararamdaman niya kung mangyayari sa kanya ang parehong bagay, at ano ang dapat nating gawin sa halip.
Isipin:
Ano-anong pagpapahalaga ang gusto ninyong pabutihin sa inyong anak?
Nalaman ninyo na may baguhan, si Fred, sa klase ng inyong anak na isang autistic. Sinasabi rin sa inyo ng inyong anak na madalas sumisigaw si Fred at hindi nakikinig sa guro. Ano ang magiging reaksyon ninyo?
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng 'Masayang Pagiging Magulang!' para sa pag-aalaga ng anak at pagiging magulang para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.