Pagiging Magulang Serye 24 – Pakikipagtulungan ng Magulang sa mga Lolo at Lola

(Binago Mar 2013)

Pakikipagtulungan ng Magulang sa mga Lolo at Lola

Kapag sangkot ang mga lolo at lola sa pag-aalaga ng bata, kailangan ng mga magulang na mapanatili ang maayos na komunikasyon sa nakatatanda sa pagkakamit ng hindi nababago at epektibong pagiging magulang.

  1. Unawain ang bawat isa

    * Subukang unawain ang mga lolo at lola mula sa kanilang pananaw. Pagkatapos, ipaliwanag nang mahinahon ang inyong mga ideya.

    • Maaaring tanggihan ng nakatatanda ang mga estratehiya sa pagiging magulang na bago sa kanila.
    • Hindi kailanman madali ang pagbabago sa mga nakasanayan at gawi ng nakatatanda (katulad din ng pagbabago ng sa atin). Makatutulong ang tiyaga at paulit-ulit na pagpapaliwanag sa kanila.
  2. Bukas at maayos na komunikasyon

    * Ang pinakasimpleng paraan upang hayaang maunawaan ng iba ang ating mga inaasahan at saloobin ay ang pagsasabi sa kanila nang direkta. Mahalaga rin kung paano ito sasabihin.

    • Kung gusto ng mga magulang na makuha ang kooperasyon ng mga lolo at lola, dapat nilang ipaliwanag sa lolo at lola, hal. “Mawawala ang gana ni Toni pagkatapos kumain ng mga kendi. Hindi lang nito maaaburido ang lahat at ang rutina sa oras ng hapunan ngunit maaapektuhan din ang kanyang paglaki at kalusugan. Kung gusto ninyo siyang bigyan ng handog, mangyaring gawin ito pagkatapos ng hapunan,”
  3. Pahalagahan at igalang ang bawat isa

    * Subukang ipahayag sa salita ang inyong pagpapahalaga na suportado ng mga kilos.

    • hal., “Salamat sa pag-aalaga kay Yettie ngayong araw para sa akin. Nagawan mo talaga ako ng malaking pabor!” “Nagustuhan talaga namin ang inyong pagluluto.”
    • Maaari ninyong dalhin sila sa mga restawran, ibili sila ng maliliit na mga regalo, makipag-usap sa kanila o sumali sa paborito nilang mga aktibidad kung minsan.
    • Kung pinahahalagahan at nirerespeto ninyo ang nakatatanda, tatratuhin din nila kayo nang gayon.
  4. Hindi nagbabago sa pamamahala ng pag-uugali

    • Magdaos ng pagpupulong ng pamilya.
    • Magtatag ng mga panuntunan.
    • Tiyaking malinaw na nauunawaan ng lahat sa pamilya ang mga pamamaraan at hakbang sa pangangasiwa ng iba't ibang sitwasyon at isagawa nang sama-sama.
    • Maaaring gamitin ng mga magulang ang mga estratehiya sa pagiging magulang sa harap ng mga lolo at lola upang ipakita sa kanila kung paano.
    • Maaaring matutunan nang paunti-unti ng mga lolo at lola ang mga kasanayan sa paulit-ulit na pag-oobserba.
    • Maaari ding hikayatin ng mga magulang ang mga lolo at lola na pag-aralan pa ang tungkol sa pamamahala sa pag-uugali ng bata tulad ng pagdalo sa mga workshop ng pagiging magulang kasama sila o pag-iwan ng mga kaugnay na babasahin sa isang lugar para madali nila itong maabot.
    May mahahalagang kontribusyon ang mga lolo at lola sa pamilya at karapat-dapat sa ating pagpapahalaga. May karanasan sila sa pag-aalaga ng bata at nakatakdang mahaling sa kanilang mga apo. Kasama silang inaalagaan ang ating mga anak, mawawala ang ating mga pagdududa na gumastos ng pera sa pag-upa ng hindi kilalang tagapag-alaga ng bata.

T at S

  1. Naglalaan lamang ng oras ang aking mga magulang sa pakikipaglaro sa aking mga anak ngunit hindi nag-aabala sa pagdidisiplina sa kanila.

    • Maaaring ipaliwanag ng mga magulang ang mga prinsipyo sa pamamahala ng pag-uugali at ang katwirang nasa likod sa mga lolo at lola.
    • Isangkot ang mga lolo at lola at mga bata sa pagtatatag ng mga patakaran upang mapabuti ang kanilang pakiramdam sa pakikilahok at responsibilidad sa pagpapanatili ng patakaran.
    • Maaari ding imbitahan ang mga lolo at lola na subaysabayan ang pag-uugali ng mga bata sa pagsunod sa patakaran.
    • Kung hindi pinananatili ng mga lolo at lola ang mga patakaran, maaaring ipaliwanag nang mahinahon ng mga magulang sa kanila ang maaaring kahihinatnan ng kanilang ginawa, at pagkatapos ay paalalahanan ang parehong lolo at lola at mga bata na obserbahan ang mga patakarang itinakda nang sama-sama.
  2. Tinuturuan ko ang aking mga anak na huwag magkalat ngunit lagi itong ginagawa ni Lola. Paano ko ito ipaliliwanag sa aking mga anak?


    Maaari ninyong subukang sabihin sa inyong mga anak sa ganitong paraan, “Hindi tayo dapat magkalat. Responsable ang lahat na panatilihing malinis ang lugar. Siguro noong bata pa si Lola, walang nagsasabi sa kanya na mali ang magkalat. Mahirap sa kanya na magbago sa ngayon dahil nakuha niya itong masamang gawi nang mahabang panahon. Sa susunod, maaari ninyo siyang paalalahanan nang may paggalang at tulungan siyang itapon ang mga kalat sa basurahan. Maging mabuting halimbawa tayo para sa kanya, hindi ba?”

  3. Hindi kami nagkakasundo ng aking biyenan. Hindi ko alam kung paano ito haharapin.

    • Kapag magkakaiba ang mga pananaw sa pagitan ng dalawang partido, hindi madaling magkasundo kahit na may aktibong pagsisikap na makipag-usap. Sa kasong iyon, dapat nating matutunang magrelaks at hayaan na lang,
    • Subukang tingnan ang bagay mula sa pananaw ng isang nakatatanda at tanggapin ang katotohanan na mayroon kayong pagkakaiba sa pag-iisip.
    • Subukang makipag-ayos man lang sa kanila nang may paggalang at sa paraang mababa ang loob.
    • Maaaring maibsan ang inyong stress sa pakikipag-usap sa mga kaibigan o sa pagsali sa ilang nakakarelaks na aktibidad.
    • Kung hindi nawawala ang problema at mas lumalala, humingi ng tulong mula sa mga propesyonal tulad ng isang social worker.
  4. Laging nag-aaway ang aking asawa at aking mga magulang dahil sa aming anak, paano ako makatutulong?

    • Usaping pampamilya ang kanilang mga alitan.
    • Humanap ng angkop na oras upang kausapin nang magkahiwalay ang nakatatanda at ang inyong asawa.
    • Maging tagapamagitan at magtaguyod ng pagkakaunawaan sa isa't isa sa pagtulong sa kanila na tingnan ang usapin nang may layunin at pahalagahan ang bawat isa.
    • Maaari ninyong ipakita ang inyong pag-aalala at pag-unawa sa pakikinig sa kanila sa isang hindi mapanghusgang paraan at bigyan sila ng suporta.
    • Maaaring makatulong ang inyong mapagmalasakit na ugali at maasikasong pakikinig na maibsan ang kanilang mga emosyon at mapadali ang mahinahong talakayan.
  5. Kung mayroon akong mga alitan sa aking biyenan ngunit hindi kumakampi sa akin ang aking asawa, ano ang dapat kong gawin?

    • Hindi malulutas ang problema sa paghiling sa inyong asawa na kumampi sa inyo laban sa nakatatanda. Malalagay lang sa mahirap na kalagayan ang iyong asawa.
    • Ganoon din ang magiging kalagayan mo kung mangyayari ang mga alitan sa pagitan ng inyong asawa at ng inyong mga magulang.
    • Kung may anumang alitan, praktikal na paraan ang pagtalakay nang mahinahon sa usapin at humanap ng solusyon nang magkakasama.
    • Tratuhin ang inyong asawa bilang tagapakinig ngunit hindi kailanman kakampi sa alitan.