Pagiging Magulang Serye 4– Pamamahala sa Lagnat ng Inyong Sanggol
Ano ang Lagnat?
Dumaranas ang halos lahat ng sanggol nang isa o higit pang lagnat. Ang pagkakaroon ng lagnat ay pagkakaroon ng mas mataas kaysa sa normal na temperatura ng katawan. Hindi sakit ang lagnat ngunit maaaring sintomas ito mismo ng isang hindi nakikitang sakit. Palatandaan ito na nilalabanan ng immune system ng katawan ang mga impeksyon. Maaari ding pagtugon sa bakuna ang lagnat.
Ano ang Normal na Temperatura ng Katawan?
Walang nakapirming sukat ng temperatura na itinuturing na normal para sa lahat ng bata. Nag-iiba ang normal na temperatura ng katawan ng bata sa kanyang edad, aktibidad, kondisyon ng kalusugan, oras ng araw at kung saang bahagi ng katawan sinukat ang temperatura.
Paraan ng pagsukat |
Normal na temperatura ng katawan |
---|---|
Tympanic (tainga) |
35.8°C hanggang 38°C (96.4°F hanggang 100.4°F) |
Axillary (kili-kili) |
34.7°C hanggang 37.3°C (94.5°F hanggang 99.1 °F) |
Tumbong |
36.6°C hanggang 38°C (97.9°F hanggang 100.4°F) |
Kailan magpapatingin sa Doktor?
- Kung may lagnat ang inyong sanggol pagkatapos ng pagbabakuna, malamang na gagaling siya sa loob ng 2 hanggang 3 araw. Kailangan lang ninyong bantayan ang temperatura ng kanyang katawan at mahinahong pamahalaan ang kanyang lagnat sa bahay.
- Kung may lagnat ang inyong sanggol ngunit hindi pagkatapos ng bakuna, dapat ninyo siyang dalhin sa doktor upang malaman ang dahilan. Gayunman, kung ang inyong sanggol ay 2 buwan o mas bata, may problema sa kanyang immune system, o may mga espesyal na problema sa kalusugan, kahit na ang temperatura ng kanyang katawan ay mas mataas sa limit ng normal na batayan, dapat ninyo siyang dalhin kaagad sa doktor.
- Anuman ang dahilan ng lagnat ng inyong sanggol, kung lumitaw ang alinmang sumusunod na
palatandaan sa sanggol, o kung nag-aalala o nababalisa kayo, dapat ninyo siyang
dalhin kaagad sa doktor:
- Pagkakaroon ng kumbulsyon
- Pagkakaroon ng pantal
- Pagiging medyo hindi mabuti ang pakiramdam o walang gana sa pagkain
- Pagkakaroon ng paulit-ulit na lagnat
- Pagkakaroon ng mga palatandaan ng pagkaubos ng likido sa katawan hal. panunuyo ng bibig, walang luha, matamlay, lubog ang mata at lubog ang bumbunan
Pamamahala ng Lagnat sa Bahay
Maliban sa pagsunod sa paggamot at reseta ng doktor, mahalaga ring malaman kung paano pamamahalaan ang lagnat sa bahay.
1. Pagsubaybay sa temperatura ng inyong sanggol
Maaari ninyong sukatin ang temperatura ng katawan ng inyong sanggol kada 4 na oras kung nais ninyong matiyak kung may lagnat siya o wala.
Mga karaniwang ginagamit na termometro para sa maliliit na bata
Mga uri ng termometro |
Digital |
Infrared Tympanic |
---|---|---|
Temperaturang kinuha mula sa |
|
Tainga |
Katumpakan |
|
|
Halaga |
Matipid / abot kaya |
Mas mahal |
Maginhawa |
Madaling gamitin |
|
Mahahalagang pahayag |
|
Hindi angkop kung
|
Tandaan: Huwag gumamit ng termometro na may mercury para sa kaligtasan dahil maaari itong mabasag at magresulta sa pagtapon ng nakalalasong mercury.
Paaano sukatin ang temperatura
Paggamit ng digital na termometro para sa tumbong at kili-kili
- Kuskusin ang sensor ng digital na termometro gamit ang bulak na ibinabad sa 70% alkohol.
- I-on ang termometro.
PARAAN SA PAMAMAGITAN NG TUMBONG |
PARAAN SA PAMAMAGITAN NG KILI-KILI |
---|---|
Maglagay ng kaunting dami ng pampadulas sa dulo ng bulb o sensor. |
Ihiga siya sa kama o sa inyong kandungan. |
Para sa mga batang sanggol o malilit na sanggol: |
Marahang ilagay nang direkta ang termometro at maayos ang pagkalapat sa kanyang kili-kili. |
Panatilihin siyang hindi gumagalaw sa kanyang posisyon. Marahang ipasok ang termometro sa halos kalahati ng isang pulgada (1.3 hanggang 2.5cm) sa loob ng tumbong. Hawakan ito at iwasang maitulak nang napakalayo. |
Hawakan ang termometro sa lugar sa pamamagitan ng pagdidiin ng mga braso ng sanggol sa kanyang katawan. |
- Alisin ang termometro kapag nakarinig na ng tunog.
- Alisin ang termometro habang binibihisan ninyo ang sanggol. Ilagay siya sa ligtas na lugar.
- Basahin ang temperatura. At i-off ang termometro.
- Hugasan ang termometro gamit ang sabon at tubig at punasan ito ng bulak na nakababad sa 70% alkohol.
Paggamit ng tympanic na termometro
- Laging sumangguni sa manwal ng tagubilin ng tagagawa tungkol sa mga wastong pamamaraan at normal na agwat ng temperatura dahil nag-iiba-iba ang mga ito sa mga termometro.
- Gumamit ng bago at malinis na takip ng probe bawat oras na ginamit ang termometro.
- Hilahin ang tainga para ituwid ang ear canal
- Wala Pang Isang Taong Gulang: Hilahin nang Diretso Pabalik
- Isang Taon at Mas Matanda: Hilahin Pataas at Pabalik
- Ipasok ang probe ng termometro sa tainga
- Basahin ang temperatura:
- Sukatin ang temperatura mula sa parehong tainga sa oras ng pagmamanman ng temperatura, dahil malamang na magkaiba ang temperatura sa magkabilang tainga.
- Kumuha ng 3 sukat mula sa parehong tainga sa iisang pagkakataon at pagbatayan ang pinakamataas na pagbasa.
- Sumangguni sa mga tagubilin ng tagagawa para sa pangangalaga, paglilinis at pag-calibrate.
2. Pag-inom ng iniresetang gamot
Kapag mas mataas kaysa sa normal ang temperatura at hindi komportable ang inyong anak, o kapag
tinagubilinan ng inyong doktor, maaari ninyong bigyan ng gamot sa lagnat ang inyong sanggol.
Ibigay lamang ang iniresetang gamot kapag may lagnat ang sanggol, kadalasan sa agwat na 4
hanggang 6 na oras sa pagitan ng mga dosis. Maingat na suriin ang etiketa, tandaan ang ruta ng
pagbibigay, at tiyakin na hindi lumampas ang dosis at ang dami ng beses ng pagbibigay.
Maaaring makasama ang labis na dosis ng gamot para sa lagnat.
(Mangyaring
sumangguni sa polyeto sa Pag-iwas
sa Hindi Sinasadyang Pagkalason sa Paracetamol ng mga Bata para sa detalye)
3. Pagbibihis sa inyong sanggol nang kumportable
Bihisan ang inyong sanggol ng kumportable upang maiwasang labis na mainitan o labis na malamigan ang sanggol. Ang kasuotang gawa sa bulak ang pinakamahusay na gamitin dahil sumisipsip ito ng pawis nang husto. Magiging mas kumportable ang inyong sanggol sa pagpalit ng mga basang damit gamit ang tuyong damit.
4. Pagpapanatiling may sapat na bentilasyon ang silid
Nakatutulong ang pagpapanatiling may sapat may sapat na bentilasyon ang silid at malamig upang maging mas kumportable ang kapaligiran sa inyong sanggol. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagbubukas ng bintana, pagbubukas ng air conditioner o pagpapanatiling gumagana ang bentilador.
5. Pagpapalit ng mga likido ng katawan
Hahantong sa pagkawala ng mga likido sa katawan ang pamamawis habang nilalagnat. Subukang painumin ng mas maraming likido ang inyong sanggol upang mapalitan ang pagkawala nito. Para sa mga sanggol na sumususo, kakailanganin ninyong dagdagan ang dalas ng pagpapasuso dahil nagtataglay ang gatas ng ina ng maraming tubig. Bantayan ang mga palatandaan ng pagkawala ng likido sa inyong sanggol at dalhin siya sa doktor kung mangyari ang anumang palatandaan o kung nag-aalala kayo.
6. Sapat na pahinga at nutrisyon
Kapag may lagnat ang inyong sanggol, makakaramdam siya ng pagkapagod at maaaring inaantok. Hayaan siyang magkaroon ng sapat na pahinga sa bahay. Ilayo ang bata mula sa mga kalaro o huwag papasukin sa preschool. Pabababain din ng lagnat ang aktibidad ng pagtunaw ng tiyan. Subukang iwasan ang mga pagkaing mahirap tunawin. Walang dahilan upang bawasan ang normal na diyeta hangga't hindi tumatanggi ang sanggol.
7. Pag-espongha na may maligamgam na tubig
Hindi makatutulong na mapababa ang temperatura ng sanggol sa pag-espongha ng maligamgam na tubig. Gayunman, marami ang gumagawa nito bilang isang paraan upang magpaginhawa ang sanggol kapag mayroon siya ng mga sumusunod na kondisyon:
- Hindi makainom ng gamot
- Pagsusuka pagkatapos uminom ng gamot
- Pagiging sobrang maselan at mayamutin
Iupo ang inyong sanggol sa isang paliguan na may maligamgam na tubig at gumamit ng basahan upang ikalat ang tubig sa kanyang buong katawan sa loob ng 5-10 minuto. Huwag gumamit ng malamig na tubig o kuskusin ng alkohol ang sanggol dahil maaaring maging sanhi ito ng panginginig at maaaring tumaas ang kanyang temperatura sa halip. Kung lumamig ang tubig o magsimulang manginig ang inyong sanggol, alisin siya kaagad sa paliguan.
Maaaring mahirap at nakakapagod ang pag-aalaga sa sanggol na may lagnat atpagmamanman sa kanyang sitwasyon sa araw at gabi. Maging handa at ibahagi ang pag-aalaga sa bata sa mga miyembro ng inyong pamilya. Kung may mga tanong o alalahanin kayo sa inyong sanggol na may lagnat, subukang kausapin ang isang magulang na malawak na ang karanasan. Kung kinakailangan, kumonsulta sa tauhan ng pangangalaga sa kalusugan.
Mayroon kaming serye ng mga workshop at polyeto ng "Masayang Pagiging Magulang!" para sa mga magiging magulang at mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.