Serye ng Pagiging Magulang 3 - Pag-iyak ng sanggol
Likas na ugali ng sanggol ang pag-iyak. Maaaring makaramdam ng sobrang stress ang mga bagong magulang kapag narinig nilang umiyak ang kanilang sanggol, 'Bakit siya umiiyak? Nagugutom ba siya o masama ang pakiramdam?'. Maaaring nalilito sila para humanap ng mga paraan upang patahanin ang sanggol.
Bakit umiiyak ang mga sanggol?
Sa unang ilang buwan matapos isilang, ipinapahayag ng sanggol ang kanyang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pag-iyak. Maaari siyang umiyak upang ipahiwatig:
- ang kanyang mga pangangailangan sa katawan
- ang kanyang kakulangan sa ginhawa dahil sa labis na panlabas na pagpapasigla
- ang pagkainip at pangangailangan ng kasama
- na hindi maganda ang kanyang pakiramdam
- Gutom
- Madumi ang lampin
- Masakit ang tiyan
- Napakainit
- Napakaraming bisita
- Malungkot
Paano makilala ang kaibhan ng mga iyak ng isang sanggol?
May iba't ibang tunog ng pag-iyak ang mga sanggol. Natatangi ang pagtugon ng bawat sanggol. Matututunan ninyo sa lalong madaling panahon ang mga kahulugan ng mga pag-iyak ng inyong sanggol at matutukoy ang kanyang mga partikular na pangangailangan sa pamamagitan ng paulit-ulit na mga pagmamasid at agarang mga pagtugon. Narito ang ilang halimbawa:
- Karaniwang mababa ang tono ng iyak na gutom.
- Ang isang galit na pag-iyak ay may posibilidad na maging mas marahas.
- Karaniwang dumarating nang bigla ang iyak ng kirot na may malakas, mahaba at mataas na tono ng tili na sinusundan ng mahabang pagtigil at pagkatapos ay pantay na hagulhol.
Kung minsan nagpapang-abot ang iba't ibang uri ng mga iyak. Halimbawa, maaaring magbigay-daan ang iyak na gutom ng sanggol sa isang tili ng galit kung hindi siya inaasikaso ng mga magulang. Unawain ang mga pangangailangan ng sanggol at tukuyin ang kanyang pagiging maselan o mga palatandaan ng kaligaligan (hal., pagsimangot, namumula ang mukha, nanginginig ang bibig) bago ka tulungan ng pag-iyak na agarang matugunan ang kanyang mga pangangailangan.
Paano patahanin ang umiiyak na sanggol?
Kapag umiiyak ang iyong sanggol, subukang alamin kung bakit siya umiiyak at tumugon kaagad. Hayaang makita ng inyong sanggol ang inyong mukha at marinig ang inyong maamong tinig habang tinitingnan ninyo ang kanyang mga pangangailangan. Maaari ninyong tingnan kung may partikular na dahilan - basa ang kanyang lampin at kailangang palitan; gutom siya at kailangang pakainin nang maaga sa pagkakataong ito; napakarami ng suot na damit kaya naiinitan siya. Maaari din ninyong isaalang-alang ang iba pang posibilidad gaya ng kung nakapulupot ang kanyang mga paa o kung nakagat siya ng lamok. Sa pagtukoy at pagtugon sa kanyang mga pangangailangan, mapapatigil ninyo ang kanyang pag-iyak.
Kung ang pag-iyak ng inyong sanggol ay hindi dahil sa mga dahilang nabanggit, maaaring kailangan niya ng mas maraming pagpapatahan. Maaari ninyong subukan ang ilan sa mga mungkahing nasa ibaba:
- Haplusin siya at makipag-usap sa kanya nang mahinahon.
- Magpatugtog ng banayad na musika.
- Ibigkis siya sa malambot na kumot upang bigyan siya ng ginhawa at seguridad.
- Iugoy siya nang marahan o maglibot sa panayang galaw na umiindayog habang hawak ninyo siya. Hawakan siya nang patayo at malapit sa inyong katawan, o ipatong siya sa inyong balikat at dibdib.
- Binibigyang-kasiyahan ang kanyang pangangailangan sa pagsipsip. Maaari ninyong isaalang-alang na bigyan ang inyong anak ng pacifier. Kung pinasususo ninyo ang inyong sanggol ng gatas ng ina, maaari ninyong subukan na pasusuhin siya habang nakahiga at hayaan siyang sumuso hanggang mapanatag siya. Sa paraang ito, maaari ka ring makapagpahinga. Maaaring makaapekto ang pag-aalok ng pacifier nang napakaaga sa mga pinasususong sanggol upang masanay sa mabisang pagsipsip sa suso. Kung kailangan ito, isaalang-alang na ibigay lang ito sa inyong pinapasusong sanggol matapos ang isang buwang gulang.
Mapapalayaw ko ba ang sanggol sa sobrang paghawak sa kanya?
May pangunahing tungkulin ang pag-iyak ng bata na paghudyat ng mga pangangailangan. Sa pagdampot sa kanya kapag kailangan niya ang inyong pagpapatahan, ipinakikita ninyo ang inyong sarili na sensitibo sa kanyang mga pangangailangan. Mararamdaman ng inyong sanggol ang inyong pangangalaga at pagmamahal at kaya pinabubuti ang matatag na kaugnayan sa inyo.
Kapag ang inyong sanggol ay kalmado at alerto, ito ang pagkakataon ninyo na masiyahan sa mga matalik na pakikipag-ugnayan. Haplusin, iugoy, o kandungin siya nang marahan. Kausapin o magpatugtog ng musika sa kanya, makipaglaro sa kanya o magpakita sa kanya ng mga kawili-wiling bagay. Nasisiyahan ang inyong sanggol sa inyong atensyon at natututunan na makukuha niya ang maginhawang pakiramdam na ito kapag kalmado siya. Hindi ninyo palalayawin ang inyong sanggol.
Ano ang gagawin kung hindi mapatahan ang sanggol?
A. Bakit umiiyak nang walang-tigil ang sanggol?
Umiiyak nang higit pa ang mga sanggol sa unang 3 buwan mula sa pagsilang, partikular sa halos 2 buwang gulang, at maaaring mangailangan ng sobrang pagsisikap upang patahanin sila. Kahit mahirap malaman ang mga dahilan sa likod nito, normal ito sa landas ng pag-unlad at malusog ang karamihan sa mga sanggol na nagkakaroon ng naturang hindi mapatahan na pag-iyak. Habang unti-unting umaangkop ang mga sanggol sa panlabas na mundo at natututong ipahayag ang kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng mga tunog at hudyat, mababawasan ang kanilang pag-iyak.
Maaaring mag-iba-iba ang tagal ng pag-iyak sa ugali ng mga sanggol. Gayundin, maaaring mag-iba-iba ang edad kung kailan lumilitaw ang hindi mapatahan na pag-iyak sa indibidwal na kaibahan sa pag-unlad.
May matinding pang-araw-araw na pag-ulit ng pag-iyak ang ilang sanggol sa pagitan ng gabi at hatinggabi. Umiiyak sila na hindi mapatahan, kadalasang tumitili, pinahahaba o hinihila ang kanyang mga binti at umuutot. Sa kabila ng mga hakbang na pagpapatahan, walang tigil sa pag-iyak ang mga sanggol at mukhang nasasaktan nang walang anumang dahilan. Tinatawag itong koliko.
Bukod dito, maaaring makaramdam ng emosyonal na mga pagbabago sa tagapag-alaga. Maaari siyang mabalisa at umiyak nang marami sa ilalim ng impluwensiya ng mga tensyon ng tagapag-alaga.
Kapag maysakit ang sanggol, maaari siyang umiyak na hindi mapatahan anuman ang inyong pagpapatahan.
B. Mga tip sa pamamahala ng hindi mapatahan na sanggol
- Manatiling kalmado at iwasang maging sobrang nababahala at nagmamadali. Ang paggawa ng napakaraming bagay nang sabay-sabay sa sanggol ay labis na magpapasigla lang sa kanya at gagawin siyang makaramdam na mas natatakot at hindi maginhawa.
- Alisin ang posibilidad ng isang medikal na kondisyon. Kung tumitili pati na rin tumatangging sumuso, nagsusuka o may namamagang tiyan ang inyong sanggol na hindi mapatahan, dapat kayong kumonsulta kaagad sa doktor.
- Maging sistematiko. Subukan ang isang paraan nang paisa-isa. Tandaan ang pamamaraan na ginamit ninyo at ang tagal ng pag-iyak na sumunod. Tumutulong ito na matukoy ang mabibisang paraan upang pamahalaan ang pag-iyak ng inyong sanggol.
- Pagkilala sa mga katangian ng inyong sanggol. Tumutulong sa iyo ang pag-unawa sa indibidwal na istilo ng pagtugon ng sanggol at antas ng pagiging sensitibo sa mga nagpapasigla sa kapaligiran upang kumilos nang mas maaga upang maiwasan na lumakas ang kanyang matinding pag-iyak. Ipakilala ang nagpapasigla o mga pagbabago nang unti-unti. Maging sensitibo sa mga pagtugon ng inyong sanggol. Alisin siya mula sa sitwasyo ng stress at hayaan siyang magpahinga kapag nagsimula siyang maging maselan.
- Magbahagi ng mga karanasan sa ibang mga magulang
Makipag-usap sa ibang mga magulang upang malaman kung ano ang kanilang ginagawa. Maaari ninyong matuklasan na maaari ninyong gawin ang ilan sa mga paraan na sinubukan nila, gaya ng pagbiyahe sa sanggol, pagpasyal o pagmamasahe sa kanya. - Paglalagay ng mga bagay-bagay sa pananaw
Para sa mga na umiiyak na di-mapatahan, wala pa ring nakadokumentong paraan sa pagkontrol ng kanilang pag-iyak. Sa kabutihang-palad, karaniwang nawawala ang mga naturang matitinding araw-araw na pagsumpong kapag ang sanggol ay 3 hanggang 4 na buwang gulang. Maging matiyaga. Sabihin sa inyong sarili na pansamantala lang ang mga sitwasyon at matutong tanggapin na ganito talaga ang sanggol.Maging handang tanggapin ang mga araw-araw na abala na magmumula sa pag-aalaga ng sanggol. Hindi mahalaga kung hindi pa nagagawa ang mga gawaing-bahay o sobra kayong abala sa paghahanda ng mga pagkain. Subukang huwag pagurin ang inyong sarili dahil makaaapekto ito sa inyong damdamin.
- Pangangalaga ng sarili ninyong mga emosyonal na pangangailangan
Maaaring sobrang nakakapagod ang pag-aalaga sa umiiyak na sanggol. Kapag nakaramdam ka ng pagod, magpahinga ka at aliwin ang pag-igting. Maaaring makadama kayo kung minsan ng kawalan ng pag-asa at maging matakot na maaari ninyong masaktan ang inyong sanggol**. Sa puntong ito, humanap ng taong mag-aalaga sa sanggol para sa inyo.**Huwag kailanman alugin nang matindi ang sanggol upang maiwasan ang aksidente. (Mangyaring tingnan ang apendiks)
Kung wala kayong matawagan para sa tulong, ilagay ang sanggol sa kanyang kuna o anumang iba pang ligtas na lugar at iwanan siya doon nang ilang saglit. Bigyang-pansin muna ang sarili ninyong mga pangangailangang emosyonal. Balikan ang inyong sanggol sa sandaling gumanda na ang inyong pakiramdam.
- Pagkuha ng suporta
Maaari kayong malampasan ang mga kahirapan sa pagkuha ng suporta mula sa inyong pamilya, mga kamag-anak at kaibigan. Maaari din kayong kumonsulta sa tauhan ng pangangalaga ng kalusugan sa mga MCHC o sa inyong doktor ng pamilya.
Apendise: “Abusive Head Trauma” (dating kilala bilang "Shaken Baby Syndrome”)
Inilalarawan ng Abusive Head Trauma (dating kilala bilang Shaken Baby Syndrome) ang malulubhang pinsala na maaaring mangyari kapag marahas na inalog ang mga sanggol o maliliit na bata o nagdusa mula sa tahasang epekto na may kaugnayan sa malakas na paghampas, pagsalpok, paghila, atbp. May puwang sa pagitan ng tisyu ng utak ng tao at ng bungo sa paraang hindi sila mahigpit na magkadikit. Higit na mahina ang mga sanggol dahil sa kalambutan ng utak at kakulangan sa paglaki ng mga kalamnan sa leeg. Parehong magdudulot ng pinsala sa kanyang marupok na utak ang malakas na pag-alog sa sanggol na kasing ikli ng ilang segundo na may mabilis na lakas ng pagbilis –pagbagal, o isailalim sila sa tahasang puwersa, na magreresulta sa malubhang pinsala gaya ng permanenteng pagkasira ng utak, pagkabulag, kumbulsyon o maging pagkamatay. Maaari itong mangyari kapag gumanti nang pabigla-bigla ang tagapag-alaga dahil sa galit o pagkabigong patigilin ang pag-iyak ng sanggol. Isang malubhang anyo ng pag-abuso sa bata ang Abusive Head Trauma Kaya, huwag kailanman hawakan nang mapuwersa ang sanggol! Sa ilalim ng karaniwang pag-aalaga o paglalaro, hindi magdudulot ng Abusive Head Trauma ang gaya ng pagtalbog ng sanggol sa tuhod, paghagis sa kanya sa hangin.
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng "Masayang Pagiging Magulang!" para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral, Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalaga ng kalusugan para sa impormasyon.