Pagiging Magulang Serye 14 - Paglalaro at Pagkamalikhain
Gawain ng mga bata ang paglalaro. Ginugugol ng mga bata ang karamihan ng kanilang oras sa paglalaro para tumuklas at matuto tungkol sa mundong nakapaligid sa kanila. Gamit ang kanilang mga natutunan at nalinang na kakayahan sa wika, nagsisimulang magpakita ng mas sopistikadong laro ang mga batang dalawang taong gulang. Magkukunwari silang ibang bagay ang isang bagay o isagawa ang pang-araw-araw na karanasan sa laro. Tumutulong ang paggamit ng mga pagkakataong ito sa pakikipaglaro sa inyong anak para mapadali ang kanyang imahinasyon at pagkamalikhain.
Mga Uri ng Laro
Larong Aktibo
Aktibo at walang kapaguran ang mga dalawang taong gulang. Gusto nilang tuklasin ang mga limitasyon ng kanilang katawan at matutunan ang nauukol na puwesto ng kanilang mga katawan sa espasyong nakapalibot sa kanila sa pamamagitan ng pag-iikot, paglukso, paglundag o pag-uga sa mga upuan. Nagsisimula silang umakyat, tumakbo, pumidal sa mga tricycle, sumipa, maghagis o sumalo ng mga bola. Sa mga hakbang sa kaligtasan na isinagawa, upang mapadali ang kanilang pisikal na kakayahan ang mga panlabas na aktibidad ay ang pinakaangkop na paraan.
- Himukin ang inyong anak na umakyat sa mga pasilidad na laruan sa palaruan habang nakabantay kayo sa kanya.
- Bukod sa paggabay sa kanya sa pagsakay sa tricycle, maaari kayong magkunwaring isang taong tumatawid, tauhan sa gasolinahan, mekaniko ng kotse o maging gate o traffic light para magdagdag ng imahinasyon sa kanyang paglalaro.
- Makipaglaro ng bola sa kanya. Hayaan siyang maghagis ng bola sa isang malaking lalagyan tulad ng basket, isang malaking drowing o mga hanay ng mga plastik na pitsel. Ang pag-iisip na naglalaro ka ng mga stall game sa isang patas ay lilikha ng mas masaya.
- Ilabas siya sa kabukiran o sa isang bakanteng lugar sa kapitbahayan para tumakbo sa paligid at tumuklas. Titigil siya at magpapakita ng interes sa mga bagay na makikita sa daan gaya ng paghipo sa maliliit na mga bato at halaman, pag-ikot sa fire hydrant, o pagsuri sa mga bitak ng semento. Huwag siyang madaliin sa pagtuklas at sabihin sa kanya ang tungkol sa mga bagay na interesado siya.
Larong Nagbubuo
Nagsisimula na ngayong maglaro ang inyong anak ng pagbubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga bagay para ilarawan ang mga bagong bagay. Kabilang sa larong ito ang building blocks, pagguhit, pagdidikit at paglalaro ng buhangin, clay at dough. Bukod sa pagpapahusay ng pagkamalikhain, nakatututulong din ang mga gawaing ito sa paghusay ng kakayahan ng kamay at daliri, at natututunan ang mga konsepto ng hugis, kulay, texture at espasyo.
- Maaaring maging mas mapanlikha ang paglalaro ng mga tradisyonal na block dahil hindi nagbibigay ang mga ito ng tagubilin para sundan ng mga bata ngunit hinahayaan silang gamitin ang kanilang mga imahinasyon. Nagsisimulang magbuo ang mga batang dalawang taong gulang sa pamamagitan ng pagsasalansan at paghihilera ng mga bloke. Unti-unti, natututunan nilang bumuo ng iba’t ibang mga anyo. Matutulungan ninyo ang inyong anak na palawakin ang kanyang imahinasyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isa o dalawang bloke sa kanyang binubuo at nagmumungkahi na bintana, tulay o riles ito.
- Maaaring hindi agad magustuhan ng ilang bata ang texture ng dough, clay o buhangin sa unang paghawak nila dito. Bigyan ng panahon at pagpapalakas ng loob ang inyong anak upang masanay sa mga ito. Susubukan niya ang mga pagbabago sa anyo sa pamamagitan ng pagmasa, paggulong, paghampas at pagpisil. Bigyan siya ng iba’t ibang kagamitan tulad ng balde, pala, mga lalagyan o mga hulmahan ng iba’t ibang hugis para gumawa ng sarili niyang mga obra maestra.
- Maaaring mukhang magulo para sa inyo ang mga ginawa ng maliliit na bata. Kung sinasabi sa inyo ng inyong anak na kumakatawan sa isang bagay ang kanyang ginawa, pahalagahan ang kanyang imahinasyon nang may sigasig. Hindi makatutulong ang pagpilit sa kanya na sundin ang inyong mga tagubilin o pagpapahiya sa kanya sa halip ay makasisira ito sa kanyang pagkamalikhain.
Larong Kunwa-kunwarian
Bakit kailangang maglaro ng kunwa-kunwarian?
Sumasalamin ang kunwa-kunwarian sa kung anong nakikita at naririnig ng bata sa paligid niya sa pang-araw-araw na konteksyo ng pakikisalamuha at kultura. Hinahayaan nito ang bata na:
- Maunawaan ang mundo at matutong gawing makabuluhan ang anumang pangyayari - Halimbawa, maaaring magkunwaring namimili ang inyong anak sa pagdadala ng bag habang naglalakad-lakad. Unti-unti, mauunawaan niya na bahagi lahat ng pagkakasunud-sunod ng pamimili ang pagkuha ng mga pagkain mula sa estante, pagbabayad, at paglista ng mga bibilhin.
- Upang paunlarin ang mga kakayahan sa wika at pakikipagkapwa - Natututunan ng mga bata na ilarawan sa mga salita ang kanilang imahinasyon o ang tungkulin ng kanilang tinutularan. Habang naglalaro ang mga bata ng iba’t ibang tungkulin nang magkakasama, natututo silang sabihin ang kanilang mga ideya, makipagtulungan, makipagsalitan at makipagkasundo.
- Upang ipahayag ang mga damdamin - Maaaring paulit-ulit na laruin ng mga bata ang mga pangyayaring nakakatakot at kung saan natututo silang harapin ang kanilang takot Nakatutulong din ang imahinasyon na matalo ang mga nararamdamang kalungkutan at kawalang-kapanatagan. Maaaring isipin ng bata na kaibigan niya ang kanyang paboritong laruan na maaari niyang kausapin.
Ano ang dapat gamitin?
- Mga laruang komersiyal tulad ng set ng gamit sa pagluluto, tea set, mga manika, stuffed toy, bahay-bahayan, bukid, garahe, mga laruang kotse, eroplano, atbp.
- Ang iba pang bagay tulad ng mga lumang damit, pinaglipasang sapatos at medyas, pulseras, kuwintas, sinturon, handbag, tela o papel na carrier bag, briefcase, karton na sapat ang laki para pagtaguan, sari-saring lalagyan, kumot, kuwaderno, papel at lapis, atbp. Maaaring gamitin sa pagkukunwari ang anumang bagay na ligtas gamitin ng mga bata.
- Kung hindi nilalaro ng inyong anak ang laruan ayon sa pangkaraniwang gamit nito, tulad ng pagkukunwaring sumbrero ang kawali at ilagay ito sa kanyang ulo, huwag silang hadlangan dahil dapat walang limitasyon ang imahinasyon. Makatutulong ang inyong suporta at pagpapalakas ng loob para mas lumawak ang kanyang imahinasyon. Kung nag-aalala kayo na maaaring nalito siya sa gamit ng mga bagay, humanap ng ilang ibang panahon para ipakita at imungkahi sa kanya, hal. kunin ang kawali at sabihin sa kanya, 'Nagugutom ang anak ko. Magluluto si Mommy para sa kanya.'
Ano ang maaari ninyong gawin?
- Bukod sa pagbibigay ng mga bagay na maaaring paglaruan at mga ligtas na lugar para sa inyong anak, mahalaga ang inyong pagsali sa kanyang laro.
- Manatiling malapit sa inyong anak o sumali sa kanyang laro. Hayaan siyang manguna basta’t ligtas siya.
- Maging masigasig. Tumugon at purihin ang mga ideya niya.
- Magmungkahi sa kanya kung minsan upang magdagdag ng mga bagong ideya at tulungan siyang bigyang kabuluhan ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
- Imungkahi lamang ang mga karanasang pamilyar sa kanya para mailarawan niya ito sa kanyang isip.
Iba pang Mga Gawaing Malikhain
- Paglalaro ng tubig sa bath tub o batya
- Pagbuo ng mga step ng sayaw
- Pagbuo ng musika gamit ang laruang instrumento o mga bagay na gumagawa ng tunog
- Paggawa ng liriko para makabuo ng bagong kanta
- Paggawa ng mga kuwento
- Paggawa ng mga biro
- Pag-iisip ng pinakamaraming gamit ng isang bagay hangga’t maaari
- Pagbuo ng mga bagong tuntunin sa mga laro
- Paggabay sa inyong anak para pahalagahan ang kalikasan at mga likhang-sining
- Paggamit ng kagamitan sa bahay sa paglalaro ng kunwa-kunwarian, hal. maaaring gamitin ang mga kutson sa pagbuo ng bahay o tunnel, pagsakay sa yate at kabayo, paghain ng hapunan, atbp
- Hindi kailanman nakakapagod ang mga gawaing malikhain.
Magpakita ng magandang halimbawa ng pagiging malikhain para inyong anak sa pamamagitan ng pagpapatawa sa pang-araw-araw na buhay at pagiging madaling makibagay sa paglutas ng problema. Tulungan ang inyong anak na palawakin at tuklasin ang sarili niyang pagkamalikhain sa pamamagitan ng imahinasyon at paglikha na kasama siya. Mahalaga ang inyong suporta sa inyong anak sa pag-unlad pagkamalikhain.
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng pag-aalaga sa bata at pagiging magulang para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.