Pagiging Magulang Serye 12 - Paghahanda para sa Preschool
Kapag umabot sa edad na dalawa o taglo ang inyong anak, maaari ninyong isaalang-alang na i-enrol siya sa preschool. Bukod sa pagpili ng angkop na preschool, mahalaga ang pagtulong sa inyong anak na mag-adjust sa buhay roon. Bago magsimula sa preschool, may mga bagay na maaari ninyong gawin para pabilisin ang pag-adjust ng inyong anak.
Paano Pumili ng Preschool?
Layunin ng edukasyon bago ang primarya na magbigay ng kapaligiran upang itaguyod ang balanseng pag-unlad ng mga bata sa mga aspekto ng pakikisalamuha sa lipunan, emosyonal, pag-unawa at pisikal, isinasaalang-alang ang kanilang mga indibidwal na pangangailangan sa pag-aaral. Nagbibigay ang preschool ng kapaligirang nakarerelaks at masaya kung saan matututunan ng mga bata kung paano sumunod sa mga patakaran, makisama at ipahayag ang mga ideya at emosyon kasama ang ibang tao. Pahuhusayin ng malusog na pag-unlad ng pakikisalamuha sa lipunan ang iba pang aspekto ng pag-aaral sa mga bata.
-
Mga Kuwalipikasyon ng mga Guro at Proporsyon ng Tao
Dapat magtaglay ng kinikilalang kuwalipikasyon ang mga guro sa kindergarten o mga tagapag-alaga ng bata. Kailangan nilang maging magiliw at tumutugon sa mga pangangailangan ng bata. Nagtakda ang gobyerno ng mga regulasyon sa proporsyon ng guro/tagapag-alaga at bata. Magiging mas madali para sa mga guro/tagapag-alaga na asikasuhin ang indibidwal na mga pangangailangan ng bawat bata kung may kakaunting bata na kanilang inaalagaan.
-
Ang Kurikulum
Ang kurikulum ay dapat na may layuning mapabilis ang pagkatuto sa pamamagitan ng paglalaro at pagtuklas. Dapat nitong matugunan ang mga pangangailangan sa pag-unlad ng mga bata at magsilbi para sa kanilang nag-iiba-ibang kakayahan. Hindi mahalaga ang paglalaan ng sobrang pagpapahalaga sa gawaing pag-aaral. Halimbawa, magiging hindi angkop na simulang turuan ang mga bata na magsulat bago maging handa ang kanilang magandang kasanayan sa pagkilos sa halos 4 na taong gulang.
-
Kapaligiran at mga Pasilidad
Dapat malinis, maliwanag, may bentilasyon at ligtas sa bata ang pisikal na kapaligiran, na may maraming espasyo para sa iba't ibang aktibidad. Dapat mayroon itong sapat na kinakailangang kagamitan sa pagtuturo upang makapagbigay ng mayamang kapaligiran sa pagkatuto.
-
Lokasyon at Layo mula sa Bahay
Makakaiwas ang inyong anak sa pagkapagod dahil sa pagbibiyahe kung papasok siya sa malapit na preschool. Kung kailangang magbiyahe, kailangang gawin ang pagsasaayos upang mabawasan ang posibleng pagod.
Bago mag-enrol, maaari ninyong malaman pa ang tungkol sa preschool sa pagbisita dito, pag-oobserba sa mga bata habang nag-aaral, pakikipag-usap sa mga guro at magulang.
Paghahanda para sa Pagsisimula ng Preschool
Kapag nagsisimula ng preschool, maaaring maging mahirap para sa isang maliit na bata na humiwalay sa kanyang kilalang tagapag-alaga at pumunta sa lugar na may mga hindi kakilala, mga bagong rutina at tagubilin. Maaaring makatulong ang paghahanda ng ilang buwan na mas maaga upang maayos ang proseso ng pag-adjust:
-
Paghikayat ng Pangunahing Pangangalaga sa Sarili
Hikayatin ang bata na matuto ng pangunahing pangangalaga sa sarili gaya ng pagsusuot ng mga damit, pagpunta sa banyo o paglilinis. Pahuhusayin nito ang kanyang pagsasarili at tiwala sa sarili upang makayanan ang buhay sa preschool.
-
Pagtatatag ng mga Simpleng Patakaran at Rutina sa Bahay
Magtakda ng mga simpleng patakaran sa bahay: hayaang matuto ang bata na sumunod sa mga tagubilin at baguhin ang mga aktibidad kapag hiniling.
-
Pagtataguyod ng mga Aktibidad na Nangangailangan sa Inyong Anak na maging Tahimik at Nakaupo
Hayaan ang inyong anak na masanay sa mga aktibidad gaya ng pakikinig sa mga kuwento, pagguhit o sining at gawang-kamay na nag-uutos sa kanyang maupo at magbigay-pansin.
-
Paglikha ng mga Pagkakataon upang Makihalubilo sa Ibang Bata
Dalhin ang inyong anak sa palaruan, sa parke, mga party ng kaarawan, o sa pagbisita sa mga kapitbahay. Hayaan siyang makihalubilo sa ibang bata, matutong magpahiram at makipaghalinhinan.
-
Pananaig sa Pagkabalisa dahil sa Pagkawalay
Maaaring makaramdam ng pagkabalisa ang inyong anak sa pagkawalay mula sa mga magulang o kanyang pangunahing tagapag-alaga. Upang matulungan siyang makayanan ang pagkabalisa dahil sa pagkawalay kapag nagsisimula sa preschool, sanayin nang maaga ang pagkawalay.
- Humanap ng tagapag-alaga na gusto ng inyong anak. Habang panatag siya sa isang kawili-wiling aktibidad kasama ang tagapag-alaga, sabihin sa kanya na iiwanan ninyo siya nang sandali, kung saan kayo pupunta at kailan kayo babalik. Pagkatapos ay magpaalam sa kanya. Dahil hindi pa niya nabuo ang tumpak na konsepto ng oras, maaari ninyong iugnay ang oras sa mga partikular na aktibidad o rutina upang tulungan siyang maintindihan, gaya ng 'Babalik si Mommy pagkatapos ninyong kumain ng hapunan.' Tuparin ang inyong pangako at bumalik nang nasa oras. Sa simula, iwanan siya nang ilang minuto lang. Pagkatapos unti-unting habaan ang oras ng pagkawalay. Upang palakasin ang kanyang pagkadama ng kapanatagan, maaari ninyong iwanan sa kanya ang inyong mga gamit gaya ng inyong jacket at hingin sa kanya na itabi ito hanggang sa pagbalik ninyo.
- Kapag nakikipag-ugnayan sa inyong anak, iwasang gumamit ng mga salitang nagbabanta na magpapaantig ng pagkabalisa na maiwanan (hal. 'Hindi na kita mahal' o 'Lumabas ka sa pinto'), o na mag-uugnay sa paaralan sa mga hindi kanais-nais na damdamin (hal. 'Sasabihin ko sa guro mo na parusahan ka').
-
Paglantad sa Inyong Anak sa Kawili-wiling Buhay sa Paaralan
- Bisitahin ang nursery o kindergarten sa kapitbahayan kasama ang inyong anak. Maaari ninyo siyang isama kapag inihahatid ninyo ang mas matatanda ninyong anak sa paaralan. Maaari ding maantig ang kanyang interes sa pamamagitan ng pagbasa o pagkukuwento sa kanya ng mga kanais-nais na buhay sa paaralan.
- Bago magsimula ang pasukan sa paaralan, sanayin ang inyong anak sa mga ruta papunta sa paaralan. Maglaro papuntang paaralan kasama siya. Hayaan siyang magsuot ng uniporme ng paaralan at dalhin ang bagong bag nang pakunwari.
- Magandang pagkakataon ang pagpunta sa programang oryentasyon para malaman ng inyong anak ang kapaligiran ng paaralan. Maaari siyang makipagkita sa guro at subukang gamitin ang mga pasilidad ng paaralan. Makatutulong ito na mabawasan ang pagkabalisa sa isang bagong paligid at mapahanga siya sa paaralan.
- Subukang lumiban mula nang saglit mula sa trabaho at samahan siya sa paaralan sa simula. Hinihikayat ng ilang preschool ang mga magulang na manatiling kasama ang kanilang anak sa klase para sa panahon ng oryentasyon (nagtatagal ng ilang araw o linggo). Patuloy na paiikliin ang oras upang ipakilala sa bata ang buhay sa bagong paaralan at hayaan siyang mag-adjust sa pagkawalay mula sa mga magulang.
Maging handa para sa maliliit na problema sa paaralan sa kabila ng kung ano ang inyong nagawa. Karaniwang umiiyak ang mga bata, umaalis sa kanilang mga upuan, nang-aagaw ng mga laruan, maging malikot o pansamantalang umurong ang mga pag-uugali (hal. pag-ihi sa higaan o pagkapit na ugaling-bata). Makatutulong sa inyong anak na magkaroon ng masayang buhay sa paaralan ang pagpapanatili ng madalas na pakikipag-ugnayan sa guro upang maintindihan ang pag-adjust niya sa paaralan at pagtatatag ng pakikipagtulungan sa paaralan upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan.
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng 'Masayang Pagiging Magulang!' para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.