Pagiging Magulang Serye 11 - Pakikipagkaibigan
Pag-unlad ng Pakikisalamuha sa Lipunan ng mga 2-hanggang-3-taong-gulang
Matapos ang ikalawang kaarawan, magpapakita ang inyong anak ng mga markadong pagbabago sa kanyang pag-unlad sa pakikisalamuha sa lipunan. Sa halip na maglaro nang katabi ang iba pang bata, maaari siyang humabol, gumaya at maglaro nang kasama sila. Kapag nakikipag-ugnayan sa mga kaedad niya, unti-unti siyang matututo na makakuha ng mga pangunahing kakayahan sa pakikisalamuha gaya ng mga mabuting asal, paghahalili, pagbabahagi at paglutas ng problema. Inilalatag ang proseso ng pagkatuto ang pundasyon para sa matagumpay na pamilya at mga kaugnayan sa lipunan sa hinaharap.
Nagsisimula ang lahat ng ito sa Pamilya
Pinakamahusay na lugar ang pamilya para sa maliliit na bata upang matuto ng mga kakayahan sa pakikisalamuha. Dahil gusto ng mga dalawang taong bata na gayahin ang mga adulto, maaari silang turuan ng mga magulang ng mga pangunahing kakayahan sa pakikisalamuha sa pamamagitan ng pagiging magandang halimbawa.
Paghikayat ng kagandahang-asal sa bahay:
- Ipakita sa inyong anak kung ano ang magandang pag-uugali sa pagsasabi ng, 'Magandang umaga', 'Magandang gabi', o 'Paalam' sa isa't isa sa pamilya sa mga angkop na pagkakataon.
- Ipakita kung kailan sasabihin ang 'Salamat' at 'Pakisuyo'. Hingin sa inyong anak na gawin ito sa mga angkop na pagkakataon gaya ng kapag humihingi siya ng kung ano ang gusto niya.
- Hikayatin siya na sabihin ang 'kumusta' sa mga tao. Kung sobra siyang nahihiya na sabihin ito, maaari din ang pagbati sa pamamagitan ng paggamit ng pagtingin sa mata, pagtango, pagkaway o pakikipag-kamay.
Pagtatakda ng mga patakaran sa bahay tungkol sa pagbabahagi, paghahalili at pakikipagtulungan:
- Gamitin ang oras ng meryenda upang turuan siya ng pagbabahagi o paghahalinhinan, hal, 'Narito ang dalawang piraso ng cake. Isa para sa iyo at isa para kay Timmy. Bibigyan ni Daddy ng kaunting gatas ang kapatid mo, at pagkatapos ay ikaw naman.'
- Sanayin ang paghahalinhinan sa paglalaro gaya ng pagpapagawa sa kanya na itulak ang laruang kotse papunta at palayo sa pagitan ninyong dalawa; o paghikayat sa kanya na sumali sa pagbuo ng bloke.
- Imbitahan siyang sumali sa pagliligpit pagkatapos maglaro.
- Huwag kailanman hingin sa mas matatandang kapatid o iba pang miyembro ng pamilya na pagbigyan ang mga maliliit. Ipagkakait lang nito ang tsansa para sa mga bata na matuto na maging mapagbigay habang hinihikayat sila na manatiling makasarili.
Paglikha ng saya sa pamilya:
- Hikayatin siya na sumali sa mga laro kasama ang kanyang mga kapatid sa halip na naglalaro nang mag-isa.
- Maglaro ng mga larong panggrupo nang sama-sama gaya ng 'London Bridge' at 'Ring-Around-the-Rosie'.
Pagbuo ng mga Karanasan sa Pakikisalamuha
Maaaring wala masyadong pagkalantad sa kapwa ang mga batang dalawang taon lalo na kung sila ay ang tanging bata sa bahay. Maaari ninyong palawigin ang kanyang mga karanasan sa pakikisalamuha sa pamamagitan ng:
- Pagdadala sa kanya sa labas para sa iba't ibang mga pakikipag-ugnayan sa kapwa, hal. pagpunta sa palengke, pagbisita sa inyong mga kapitbahay at pakikipagkita sa inyong mga kaibigan.
- Tinutulungan siyang bumuo ng sarili niyang grupo ng mga kaedad sa pamamagitan ng pagpunta sa mga palaruan upang makakilala ng iba pang bata, pagpunta sa mga party para sa kaarawan, pag-imbita sa mga bata para maglaro, o pagpunta sa isang grupo ng paglalaro o sa preschool.
Pakikisalamuha sa mga Kaibigan
Hindi pa nabuo ng isang batang dalawang taon ang malinaw na konsepto ng oras. Inaalala lang niya ng tungkol sa dito at ngayon. Maaari niyang isipin na mawawala ang kanyang laruan kung hihiramin ito ng iba. Kahit na sumulong siya sa punto ng pagpapahiram sa iba sa halos edad na tatlo, ipahihiram lang niya ang kanyang mga laruan sa mga piling kaibigan - gaya lang ng gagawin ninyo sa inyong mahahalagang pag-aari.
Sa ilalim ng inyong matiyagang paggabay, unti-unti niyang matututunan na magpahiram at makipaghalinhinan sa mga kaedad sa iba't ibang sitwasyon.
Pagpapakita Sa Inyong Sanggol Kung Paano Makipaghalinhinan:
- Isali ang inyong anak sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanya kapag pumipila para sa isang laro. Hindi siya maiinip at mawawalan ng tiyaga nang napakaaga.
- Bago ang lahat, sabihin sa kanya na kung gaano katagal siya maaaring maglaro, hal. Maaari lang maglaro ang lahat nang ilang sandali (o hanggang sa bumilang ako hanggang 20). Pagkatapos ay ang susunod naman ang papalit.'
- Ihanda ang inyong anak nang maaga bago matapos ang laro. 'Malapit nang matapos ang oras. Mangyaring tumigil at bigyan ng pagkakataon ang susunod pagkatapos kong magbilang ng hanggang 10. 1,2,3...10!'
- Lumikha ng pantasya upang tulungan ang inyong anak na tapusin ang laro nang mas kaaya-aya. 'Malapit nang matapos ang oras. Magmadali upang igarahe ang inyong kotse.' 'Paalam, duyan. Makikipaglaro kami sa iyo sa susunod.'
- Sabihin sa inyong anak na mayroon pang ibang kawili-wiling mga laruan/laro. Tingnan mo! Napakagaganda ng mga blokeng ito! Halika at tingnan mo ang mga pattern ng hayop!'
- Tanggapin ang kanyang mga pakiramdam kung hindi handa ang inyong anak na umayaw sa laruan/laro. 'Gusto mo talaga ang trike at gusto mo pang maglaro nang kaunti, tama?' Pagkatapos ay dalhin siya upang makipaghalinhinang muli. 'Pumila ulit tayo.' Kapalit nito, alukin siya ng iba pang pagpipilian, 'Maglaro ka naman ng mga block?'
Pagpapakita sa Inyong Anak Kung Paano Magpahiram sa mga Bisita o Kapag Bumibisita sa Iba:
- Talakayin sa inyong anak kung ano ang maaari niyang ipahiram bago dumating ang mga bisita. Tulungan siyang itabi ang mga laruang hindi niya gustong ipahiram upang maiwasan ang mga hindi kailangang away.
- Hingin sa inyong anak na dalhin ang ilang laruan na maaari niyang ipahiram kapag bumibisita sa mga kaibigan.
- Ipaliwanag sa kanya na ibabalik sa kanya ang laruan pagkatapos. 'Bakit hindi mo ipahiram kay Rick at hayaan siyang laruin ito nang sandali? Ibabalik niya ito sa iyo kapag uuwi na tayo/uuwi na siya.
- Purihin siya kaagad kung sumang-ayon siyang magpahiram. 'Mabuting bata! Salamat sa pagpapahiram sa iba. Sobrang ipinagmamalaki ka ng Daddy mo.'
Mga Karaniwang Problema sa Pakikisalamuha sa mga Kaibigan
- Sobrang mahiyain ang aking anak. Paano ko siya matutulungang makihalubilo sa ibang bata?
Tahimik at mabagal sumigla ang ilang bata. Maaaring kailangan nila ng mas maraming oras upang mag-adjust sa mga kakaibang sitwasyon. Kung nahihiya ang inyong anak, magdudulot lang ng mas pagkabalisa ang pagpuwersa sa kanya. Subukang intindihin at tanggapin ang kanyang katangian at gabayan siya sa bawat hakbang upang sumali sa aktibidad ng ibang bata:
- Samahan siya habang pinanonood ang ibang bata na naglalaro.
- Ipakita sa kanya kung paano sumali sa laro ng ibang bata sa pamamagitan ng paggawa nito.
- Yayain siya na sumali kung handa na siya sa iyong palagay.
- Huwag sisihin o hiyain siya kung tumanggi siyang gawin iyon. Masasaktan lang nito ang kanyang pagpapahalaga sa sarili at lalo lang niyang ilalayo ang sarili mula sa mga tao. Ipakita ang inyong pagtanggap sa pamamagitan ng pagsasabi 'Alam kong mas gusto mong manood pa nang mas matagal. Kapag gusto mong makipaglaro sa kanila, sabihin mo lang sa akin.'
- Kapag nagsimula nang sumali ang inyong anak, maghintay hanggang maging mas sangkot na siya sa aktibidad bago bago kayo unti-unting umalis lumayo. Tumabi upang bantayan kung paano siya sumasali at palakasin ang loob niya paminsan-minsan.
- Paano ko pipigilin ang aking anak mula sa pag-agaw ng mga laruan?
Maaari pa ring makasarili ang mga dalawang taong gulang. Maaaring hindi nila maramdaman ang mga damdamin at saloobin ng iba o maging nagsasarili sa paglutas ng problema. Maaari kayong tumabi upang masdan ang kanilang interaksyon sa mga kaedad sa paglalaro bago magpasyang pumasok:
- Kung nang-agaw ng laruan ang inyong anak mula sa isa pang bata, oras na para pumasok kayo kaagad. Turuan ang inyong anak ng angkop na kakayahan sa pakikisalamuha, 'Laruan iyan ni Sue at hindi mo dapat agawin. Kung gusto mong paglaruan ito, ano ang dapat mong gawain?' Gabayan siya na isipin ang iba't ibang solusyon hal. 'Oo, maaari mong hilingin nang maayos.' 'Gusto mo bang ipagpalit ang iyong laruan para dito?' o 'Magandang ideya kung maghihintay ka ng iyong pagkakataon.'
- Kung nagtampo ang inyong anak sa pagkabigong maagaw ang laruan, ipakita sa kanya na naiintindihan ninyo ang kanyang damdamin, 'Nagtampo ka dahil hindi ka pinayagan ni Sue na paglaruan ang laruang iyon, tama? Ngunit laruan niya iyon. Magtatampo rin siya kung inagaw mo iyon.' Gabayan siyang mag-isip ng iba pang solusyon. Kung sumang-ayon ang ibang bata na ibigay ang kanyang laruan, paalalahanan ang inyong anak na magsabi ng 'salamat'. Kung hindi, subukang ibaling ang kanyang pansin sa iba pang laruan o mga laro.
- Huwag agad humusga at sisihin ang sinuman. Hindi ito makatutulong sa mga bata na matuto kung paano magpahiram o lumutas ng problema.
- Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa aking anak na napakaagresibo sa kanyang mga kaibigan.
Maaaring gumamit ang mga batang nagsisimulang humakbang ng pagsuntok, pagsipa o pagtulak bilang paraan upang makuha ang gusto nila kapag hindi nila alam ang iba pang paraan upang malutas ang mga problema. Maaari din silang maging agresibo dahil sa pagkabigo o galit. Maaaring maihinto ng inyong paggabay ang kanilang agresibong pag-uugali na mabubuo sa isang gawi at tutulungan silang matuto sa paglutas ng problema.
- Makipag-usap sa inyong anak at magtakda ng 2 o 3 patakaran kasama siya tungkol sa pakikipaglaro sa mga kaibigan, gaya ng 'pakikipaghalinhinan' o 'pagiging palakaibigan'. Sabihin nang malinaw na ang kahihinatnan ng paglabag sa patakaran ay ang 'pagbawi sa laruan' o "maging 'tahimik' nang ilang minuto".
- Purihin ang inyong anak kung nakikipaglaro siya sa iba nang magiliw.
- Awatin siya agad kung sinaktan niya ang iba habang naglalaro, 'Tigilan mong saktan si Megan! Dapat kayong maghalinhinan kung gusto ninyong paglaruan ito.'
- Dalhin siya sa 'tahimik na oras' kung hindi siya huminto sa pang-aaway, ibig sabihin, sabihin sa kanya na manatili sa gilid ng aktibidad at manatiling tahimik nang ilang minuto. Iwanan siya doon at huwag siyang pansinin.
- Maghintay hanggang nananatili siyang tahimik nang ilang minuto. Pagkatapos ay sabihan siyang sumali muli sa laro at paalalahanan siyang sundin ang mga patakaran.
- Maaari ninyong imungkahi sa kanyang magsabi ng paumanhin at makipagbati sa kanyang kaibigan. Humanap ng mga pagkakatan na purihin siya sa pagiging palakaibigan.
- Iwasang magsermon at huwag gumamit ng mga pamamaraan na parusa kapag hinaharap ang mga pagtatalo sa pagitan ng mga bata. Matututo ang inyong anak na maging responsable sa kanyang pag-uugali sa paggamit lang ng mga nabanggit na paraan nang mahigpit at tuloy-tuloy.
Karamihan sa mga dalawang taong gulang ay hindi sumusunod sa mga patakaran o nagpapahiram ng mga laruan. Ito ang kanilang katangian sa yugtong ito ng pag-unlad. Mahirap nang walang tulong mula sa mga magulang ang pakikisalamuha sa kanyang mga kaibigan nang may pagkakasundo. Makatutulong ang inyong pagiging modelo at patuloy na paggabay sa inyong anak na matuto kung ano ang dapat gawin sa mga hinaharap na pakikisalamuha.
Mayroon kaming isang serye ng mga workshop at polyeto ng pag-aalaga sa bata at pagiging magulang para sa mga magiging magulang, mga magulang ng mga sanggol at mga batang hindi pa nag-aaral. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tauhan ng pangangalagang pangkalusugan para sa impormasyon.