Kakaunti ang iniinom na gatas ng aking anak na lalaki kapag pinaiinom ko siya ng gatas sa kanyang tasa ng pagsasanay. Ano ang maaari kong gawin?
T: Mas kaunti ang iniinom na gatas mula sa tasa ng aking 14 na buwang anak kapag inaawat ko siya sa paggamit ng bote. Nababahala ako sa nabawasang iniinom na gatas, ano ang dapat kong gawin?
S: Nababahala ang ilang magulang na mas kaunting tubig o gatas ang naiinom ng kanilang maliliit na anak kapag inawat sila mula sa bote at pinagamit ng tasa.
Gayunman, pansamantalang pagbabago lang ito at dapat maghinay-hinay lang ang mga magulang. Kailangan ng maliliit na bata ng ilang panahon upang matuto at masanay sa bagong tasang iniinuman. Sa sandaling maging pamilyar sila sa mga tasa, malaya na silang makakainom at mas marami hangga't gusto nila.
Hindi natin dapat iantala ang pagpapakilala ng tasang iniinuman at pahabain ang paggamit ng bote.
Hindi lang nagbibigay ng angkop na nutrisyon para sa mga sanggol ang pagpapakilala ng matitigas na pagkain at tasang iniinuman sa angkop na panahon, ngunit kapaki-pakinabang din sa kanilang pag-unlad na oro-motor. Dapat magsimulang gumamit ng tasa ang maliliit na bata pagsapit ng 12-buwang gulang, at huminto sa paggamit ng bote sa 18-buwang gulang. Sa pagsisimula ng pantulong na pagpapakain, unti-unting kumakain ang mga sanggol ng mas maraming matitigas na pagkain nang mas madalas habang nababawasan nang pabaligtad ang kanilang kabuuang pag-inom ng gatas. Maganda itong palatandaan ng matagumpay na pag-awat. Hindi na angkop para sa 1-taong gulang ang madalas na pattern ng pagkain na “gatas-lamang”. Dapat unti-unti silang magkaroon ng regular na pattern ng pagkain ng 3 pangunahing pagkain sa isang araw at 1-2 masustansyang meryenda sa pagitan.
Hindi na umaasa ang maliliit na bata sa diyetang gatas lamang. Nagiging bahagi ang gatas ng masusustansyang pagkain na binubuo ng iba't ibang pagkain. Maaaring magbigay ng gatas ang mga magulang para sa mga bata sa mga pangunahing pagkain o oras ng meryenda bilang mga inumin. Maaari din ninyong gamitin ang gatas sa iba't ibang lutuin, gaya ng lugaw na gatas para sa almusal, isang basong gatas na may maliit na sandwich para sa meryenda sa hapon, o puding na gatas. Ang mga ito ay praktikal na mga paraan upang uminom ang mga bata ng gatas ngunit hindi nakokompromiso ang kanilang pangangailangan na masanay na kumain ng matigas na pagkain.
Magandang pinagmumulan ng calcium ang gatas at mga produktong gawa sa gatas, na mahalaga para sa paglaki at kalusugan ng buto. Inirerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan sa mga batang edad isa hanggang limang taon na uminomng 360-480 ml ng gatas araw-araw upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa calcium. Bukod sa gatas, mayaman lahat sa calcium ang mga produktong gawa sa gatas (keso at yogurt), mga produktong gawa sa soya na dinagdagan ng calcium (gaya ng tofu, tuyong bean curd), gatas na soya na pinatibay ng calcium, madadahong berdeng gulay. Maaaring kaunting gatas ang inumin ng ilang bata kapag mas matanda na sila. Pinapayuhan ang mga magulang na sundin ang mga patnubay sa malusog na pagkain at bigyan sila ng mga pagkaing mayaman sa calcium araw-araw. Nasa ibaba ang ilang praktikal na payo para sa inyo:
- Almusal
- Lugaw na gatas
- Malambot na kesong palaman sa sandwich (hal. sandwich na nilagang itlog at malambot na keso, sandwich na tuna at keso)
- Gatas o gatas na gawa sa soya na pinalakas ng calcium
- Tanghalian/ Hapunan
- Kumain ng beans at tofu (pinasingawan na tofu, gumamit ng tofu o keso na gawa sa tuyong bean para palitan ang karne sa mga recipe)
- Madahong berdeng gulay (hal. choy-sum, keso na gawa sa tuyong bean at tinadtad na ginisang karne; piliin ang pak-choy, Chinese kale)
- Subukan ang ilang Western recipe (hal. broccoli na may keso, pasta na may sarsang makremang keso, bolognaise na may keso)
- Mga pagpipiliang meryenda
- Mga sariwang prutas na may plain yogurt
- Puding na tofu
- Milkshake na may prutas (milkshake na gawa sa bahay na walang idinagdag na asukal)
- Puding na gatas
- Kumain ng mga mani at buto (hal. black sesame desssert na sopas, almond dessert na sopas, nilagang mani)