Dapat ko bang piliin ang tasang may straw para sa aking sanggol?
(Inilathala 02/2015)
Dapat ko bang piliin ang tasang may straw kapag unang natutong uminom mula sa tasa ang aking sanggol?
- Nangangailangan ng iba't ibang kasanayang oral motor ang pag-inom sa pamamagitan ng straw mula sa tasang may bibig. Para sa maliliit na sanggol, mas madali ang pag-inom mula sa tasang may bibig.
- Sa edad na 7 hanggang 9 na buwan, maaari ninyong alukin ang inyong sanggol ng tasa ng pagsasanay na may bibig. Sa sandaling makainom sila mula sa tasa ng pagsasanay, ipakilala ang straw.
Mga payo sa paggamit ng tasang may straw:
- Alukin lang ang inyong sanggol ng tasang may straw kapag siya ay nakaupo. Gabayan siya sa paghawak sa tasa;
- Huwag dalhin ang tasa sa pagtulog o sa kama;
- Nakukuha ng mga sanggol ang karamihang tubig na kailangan nila mula sa gatas at iba pang mamasa-masa o malalambot na pagkain, kaya hindi nila kailangan ng maraming tubig. Kadalasang sumisipsip ng kaunti ang mga sanggol sa bawat pagkakataon. Maaari kayong mag-alok ng tubig nang mas madalas ngunit huwag silang piliting uminom;
- Mag-alok ng gatas, tubig, malinaw na sopas o iba pang inumin sa tasang may straw o tasa upang hayaan ang sanggol na matutong gumamit ng tasa
- Iwasang magbigay ng gatas, mga katas ng prutas bukod sa mga oras ng pagkain. Tumutulong itong mabawasan ang pagkain ng asukal at maiwasan ang pagkasira ng ngipin;
- Huwag maglagay ng mga kumpol at solido sa tasa kapag nag-aalok ng likido.