Tumatangging uminom sa tasa ang aking sanggol
T: Nakakainom ang aking sanggol sa tasa, ngunit ayaw uminom ng gatas mula rito. Ano ang dapat kong gawin?
S: Marahil may kaugnayan ito sa kanilang karanasan ng pagkatuto. Bihirang gumamit ng ilang magulang ng tasa upang ialok ang gatas kapag natututo na ang mga sanggol na uminom mula sa tasa. Kaya, kakaunti ang karanasan ng mga sanggol sa pag-inom ng gatas mula sa tasa. Kung madalas gumamit ang mga magulang sa pag-aalok ng tubig, malamang na iuugnay ng mga sanggol ang tasa sa tubig. Bilang resulta, maaaring mag-alinlangan ang mga sanggol na uminom ng gatas mula sa tasa kahit na natutuhan na nilang uminom mula rito.
Bilang magulang, hindi ninyo kailangang makaramdam ng pagkabigo. Sa inyong tulong at pagiging matatag, dapat itong matutunan ng inyong sanggol sa paglipas ng panahon. Maaaring mangailangan ng ilang panahon ang inyong sanggol upang masanay sa bagong karanasang ito. Maging matiyaga sa pagbabago – gumamit ng tasa sa pag-aalok ng gatas. Subukang huwag bumalik sa bote kahit kakaunti ang kanyang iniinom na gatas, at huwag hahayaan ang pag-inom habang siya ay natutulog o nakahiga sa kama. Kung sa palagay ninyo na kakaunti ang kanyang iniinom na gatas at nababahala kayo sa kanyang pagkonsumo ng calcium, magbibigay kayo ng iba pang pamalit na produktong gawa sa gatas at mayaman sa calcium gaya ng keso, yogurt at tofu para sa kanila. Maaari din ninyong subukang magdagdag ng gatas sa inyong mga lutuin, halimbawa custard na gatas at itlog, lugaw na gatas.
T: Maaari ba akong mag-alok ng gatas sa aking sanggol kapag ipinakikilala ko sa kanya ang tasa?
S: Oo. Maaari kayong maglagay ng gatas, tubig, at tinunaw na juice. Sa katotohanan, maaari kayong maglagay ng anumang likido na angkop para sa mga sanggol sa kanilang tasa. Tumutulong ito sa kanila upang maging pamilyar sa pag-inom ng iba't ibang inumin mula sa tasa at maawat mula sa bote nang napapanahon.
T: Ano ang dapat kong gawin kung tumatangging uminom sa tasa ang aking sanggol?
S: Kung minsan maaaring tumangging gumamit ng tasa ang mga sanggol. Tutulungan kayo ng mga sumusunod na payo na makayanan ang kanilang pagtanggi:
- Suriin ang tasa
- Kung gumagamit kayo ng tasa na hindi matatapon ang laman, may balbulang hindi tatagas sa loob o isang utong na ginagawang napakabagal ang pagdaloy ng inumin; na nangangahulugang kakailanganin ng inyong sanggol na sumipsip nang mabuti upang makuha ang inumin. Upang gawing mas madali para sa inyong sanggol, alisin lang ang balbula o utong para makadaloy nang malaya ang tubig kapag nakatagilid ang tasa. Mapabibilis ng paglipat mula sa tasa ng pagsasanay na may takip patungo sa isang tasa ang pagkatuto ng sanggol sa kasanayang kailangan sa pag-inom mula sa isang tasang malayang dumadaloy;
- Maaaring hindi lang gusto ng inyong sanggol ang tasa ng pagsasanay na iyon at ang materyal nito. Subukan ang isa pa na may ibang disenyo, ibang hugis at texture ng bibig
- Gawin silang nakakaramdam ng interes
- Maaaring tumatanggi ang inyong sanggol sa pag-inom sa tasa dahil hindi niya alam na may inumin sa loob ;
- Ilapit ang kaunting inumin (ito man ay tubig o gatas) sa bibig ng tasa, at hayaan ang inyong sanggol na malasahan ito - maaaring maging interesado sila rito.
- Gusto ng mga sanggol ang panggagaya sa iba
- Uminom na kasama sila at ipakita sa kanila;
- Hayaang sumabay ang inyong sanggol sa mga pagkain ng pamilya – mas malamang na susubukan nila kapag nakita nila ang iba na umiinom at kumakain.
- Napakakaunti lang ang iniinom ng mga sanggol sa isang pagkakataon
- Kadalasang sumisipsip ang mga sanggol sa bawat pagkakataon. Hindi sila umiinom ng maraming tubig dahil nakukuha nila ang karamihang tubig mula sa gatas at iba pang mamasa-masa/malambot na pagkain.
- Subukang mas madalas na ialok ang tubig, gawing mas naaabot ang tasa ng inumin para sa kanila. Maaaring pataasin ang kanilang pagtanggi ng pagpilit sa sanggol na uminom o kumain.Forcing baby to drink or eat can increase their resistance.
- Ialok ang tasa kapag maganda ang kanilang kondisyon
- Kapag sila ay gising na gising at masaya ang pinakamagandang panahon upang hikayatin ang inyong sanggol na gumamit ng tasa;
- Iwasang ibigay sa inyong sanggol ang tasa kapag sila ay gutom, nauuhaw, mainit ang ulo, o pagod.
T: Pinasususo ang aking 6 na buwang gulang na sanggol at hindi pa gumagamit ng bote hanggang ngayon. Ayaw niya ng tasa ng pagsasanay. Dapat ko ba munang ipakilala sa kanya ang bote pagkatapos ay tasa ng pagsasanay?
S: Maaari ninyong direktang ipakilala sa inyong sanggol ang tasa ng pagsasanay. Kapag ipinakilala ninyo ang tasa ng pagsasanay, maaari niyang tanggihan ito sa simula dahil hindi pa handa ang kanyang mga kalamnan sa bibig. Subukan muli pagkalipas ng ilang araw. Nakakainom mula sa tasa ang karamihang bata sa pagitan ng edad na 7 hanggang 9 na buwan. Kung talagang hindi pa nakagamit ng bote ang inyong sanggol, hindi ninyo kailangang ipakilala ang bote at pagkatapos ay magpalit sa tasa. Makakaligtas kayo mula sa pag-awat sa bote papuntang tasa sa hinaharap.