Pagpapalit ng gatas na pormula para sa mga sanggol
- Maaapektuhan ba ang kalusugan ng aking sanggol kung magpapalit ako sa ibang tatak?
Ang karaniwang gatas na pormula para sa sanggol ay sadyang mula sa gatas ng baka at ginawa na ginamit ang nilalamang sustansya ng gatas ng ina bilang sanggunian. Dahil kailangang sumunod ng mga tagagawa sa mga internasyonal o nasyonal na pamantayan para sa pormula para sa sanggol, magkatulad ang mga ito sa komposisyon.
Sa pangkalahatan, hindi irerekomenda ng mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan sa mga magulang na magpalit sa ibang tatak dahil sa maliliit na problema. Pero, kung tunay na kinakailangan, hindi naaapektuhan ang kalusugan ng mga sanggol ang pagpapalit sa ibang tatak.
Gayunman, mahalaga sa mga magulang na pumili ng angkop na pormula para sa kanilang mga sanggol. Partikular, para sa mga bata-
mula pagsilang hanggang 6 na buwan -
Para sa mga sanggol na umiinom ng gatas na pormula para sa sanggol na gawa sa gatas ng baka (para sa 0-6 na buwan), maaari kayong direktang magpalit sa ibang tatak ng gatas na pormula na gawa sa gatas ng baka. Gayunman, hindi kayo dapat magpalit sa may mataas na protina na "kasunod na pormula" (para sa 6 na buwan o pataas) dahil mapapagod nito ang mga atay ng inyong sanggol, na hahantong sa pagkaubos ng likido, gastroenteritis at maging ng mga pagkapinsala ng utak;
6-12 buwan –
Maaari ninyong ipagpatuloy na painumin ang inyong sanggol ng pormula para sa sanggol (para sa 0-6 na buwan) o follow-on na pormula (para sa 6-12 buwan).
Sa halos 6 na buwan, dapat magsimula ang mga sanggol na kumain ng mga pantulong na pagkain. Sa simula, nananatili pa rin ang gatas bilang pangunahing pinagkukunan ng mga sustansya. Gayunman, kapag kumokonsumo ang inyong mga anak ng marami at iba't ibang klase ng iba pang pagkain, maaaring mabawasan nang unti-unti ang dami ng pag-inom ng gatas. Hindi inirerekomenda ang regular na gatas ng baka para sa mga sanggol na wala pang 1 taong gulang;
1 taon o higit pa –
Pagsapit ng 1 taong gulang, dapat nasisiyahan ang inyong mga anak sa balanseng diyeta, na may magandang iba't ibang klase ng matitigas na pagkain na pumapalit sa gatas bilang pangunahing pinagkukunan ng mga sustansya. Maaaring uminom ang inyong mga anak ng buong (buong-taba) gatas, gaya ng malamig na pasteurized cow's milk o UHT milk;
sa espesyal na pormula –
Dapat kayong humingi ng payo mula sa gumagamot na mga doktor, nurse, komadrona o dietitian.
- Gaano kaeksakto na dapat akong magpalit sa iba pang tatak ng gatas na pormula? May anumang bagay ba na kailangan kong bigyan ng espesyal na pansin?
Magkakaiba ang mga paraan ng pagtunaw ng iba't ibang tatak ng gatas na pormula. Kaya, talagang hindi inirerekomenda sa mga magulang na pagsamahin ang dalawa o higit pang tatak ng pulbos na gatas kapag naghahanda nito.
Walang partikular na patakaran kung paano lilipat sa gatas na pormula. Magdedepende ang bilis sa pagtanggap ng bawat sanggol. Dahil magkakaiba ang lasa ng iba't ibang pormula, inaasahang maaaring kailanganin ng ilang bata ng maraming oras upang masanay. Maaaring dagdagan ng mga magulang ang bilang ng mga pagpapainom ng bagong tatak nang unti-unti. Kung nagiging maayos ang lahat, maaari kayong maging mas mabilis hanggang mapalitan ang lahat ng pagpapainom ng bagong tatak.
Isa pang payo: Maaaring mapansin ng mga magulang ang pagbabago sa mga gawi ng pagdumi ng kanilang mga anak, alinman sa dalas, texture at/o kulay ng dumi. Ito ay kapalipaliwanag at katanggap-tanggap dahil ang dami ng mga idinaragdag gaya ng iron, prebiotics, atbp, ay nag-iiba sa iba't ibang tatak. Huwag mag-alala nang sobra at subukang lumipat sa ikatlong tatak. Sa katunayan, kung walang allergy ang mga bata sa orihinal na pormula na gatas ng baka, hindi malamang na magkakaroon sila ng allergy sa pagpapalit ng iba pang pormula na gawa sa gatas ng baka.