Pagpapasuso

(Peb 2013)

Pinakamagandang natural na pagkain ang gatas ng ina para sa inyong sanggol. Kung mas matagal na pinapasuso ang mga sanggol, mas marami ang mga benepisyo para sa kalusugan ng mga ina at sanggol. Ayon sa rekomendasyon ng WHO, dapat lamang na pasusuhin ang mga sanggol sa unang anim na buwan at ipagpatuloy ang pagpapasuso kasama ng matigas na pagkain sa kanilang diyeta hanggang dalawang taong gulang o higit pa.

Ang mga Benepisyo ng Pagpapasuso

  • Nagbibigay ang gatas ng ina ng lahat ng kailangang sustansya na tumutugon sa mga pangangailangan ng sanggol sa unang 6 na buwan ng kanilang buhay
  • Madaling matunaw at masipsip ang mga protina sa gatas ng ina
  • Nagtataglay ng maraming antibodies at immunoglobulins ang gatas ng ina, na nakatutulong mapabuti ang imyunidad ng sanggol, at mabawasan ang tsansa ng pagkakaroon ng mga allergy at impeksyon
  • Sa pagpapasuso, napahuhusay ng malapit at matalik na ugnayan sa pagitan ng ina at sanggol ang mabuting samahan ng mag-ina
  • Mas malinis, maginhawa, matipid at mabuti sa kapaligiran ang pagpapasuso kaysa sa pagpapainom ng gatas sa bote

Paano simulan

  1. Paghahanda habang nagbubuntis
    • Alamin ang higit pa tungkol sa pagpapasuso mula sa iba't ibang paraan
    • Talakayin sa medikal na tauhan at sa mga miyembro ng inyong pamilya ang tungkol sa kagustuhan sa pagpapasuso
    • Sumali sa workshop ng pagpapasuso bago manganak na isinasagawa ng inyong ospital o Maternal and Child Health Centre
  2. Kunin ang "Gintong Oras" para sa balat-sa-balat na uganayan
    • Pangunahing likas na ugali ng mga bagong silang na sanggol ang pagsuso. Ang unang oras pagkatapos ng pagsilang ang gintong oras para sa inyong sanggol na subukang sumuso dahil nasa mas alertong kalagayan siya at pinakamalakas ang reflex ng pagsuso sa oras na iyon
    • Ilagay siya sa inyong dibdib pagkatapos patuyuin ang kanyang katawan gamit ang tuwalya pagkatapos isilang. Pinapahintulutan nito ang direktang balat sa balat na ugnayan at pinadadali na mahanap niya ang inyong mga suso at masiyahan sa unang lasa ng gatas ng ina
    • Maaari itong magbigay ng katiwasayan ng damdamin ng sanggol at kasiglahan at init at tumutulong sa katatagan ng tibok ng puso at paghinga. Maaari din kayong masiyahan sa espesyal na ugnayan sa pagitan ninyo ng inyong sanggol

Mga payo upang magtagumpay

  1. Pagtatabi ng ina at bagong silang na sanggol
    • Hinahayaan kayong obserbahan ang kanyang mga pangangailangan at mapasuso siya nang maginhawa
  2. Hinahayaan ang inyong sanggol na manguna sa pagsuso
    • Kailangan ng karamihang bagong silang ng madalas na pagpapasuso na hanggang 8-12 beses sa isang araw sa unang ilang buwan. Pasusuhin siya ayon sa kanyang mga pangangailangan
  3. Suporta ng pamilya
    • Napakahalaga ang suporta ng pamilya. Ipinakita ng pananaliksik na 8.5 beses na mas mataas ang mga kababaihang nagpapatuloy na magpasuso kung may suporta mula sa kanilang asawa at mga pamilya sa loob ng anim na linggo kaysa sa mga walang suporta
  4. Humingi ng medikal na tulong
    • Humingi ng tulong mula sa mga propesyonal sa kalusugan kapag nagdududa kayo

Kapag isinasalang-alang ninyo ang pagpapainom sa inyong sanggol gamit ang gatas na pormula, dapat ninyong malaman ang mga sumusunod:

  • Hindi nagbibigay ng anumang antibody sa mga sanggol ang gatas na pormula. Hindi isterilisadong produkto ang pulbos na pormula para sa sanggol. Maaaring malagay sa panganib ng impeksyon ang sanggol ng hindi angkop na paghahanda at pagaasikaso
  • Magastos ang pormula para sa sanggol. Kailangang gumastos ng mga magulang ng malaking halaga sa pulbos na gatas
  • Gagawa ng kaunting gatas ang inyong katawan kapag nagsimula kayong painumin ang inyong sanggol ng gatas na pormula. Maaari ninyong matuklasan na mahirap nang bumalik sa pagpapasuso

Mangyaring basahin ang "Nagsisimula sa pagpapasuso ang pagmamahal" o makipag-ugnayan sa mga propesyonal sa kalusugan para sa karagdagang impormasyon