Ano ang Maaari Kong Gawin sa Aking Anak na Mapili sa Pagkain?
Karaniwan sa mga sanggol at mga batang nasa preschool ang pagiging mapili sa pagkain. Tumatanggi ang ilang bata na kumain ng ilang partikular na pagkain o pumapayag lamang na kumain ng ilang mga pagkain. Gayunman, nalalampasan ng karamihan sa kanila ang problema at natututo kinalaunan na kumain ng iba’t ibang pagkain.
Bakit mapipili sa pagkain ang mga bata?
- Hinihingi ng mga bata na gumawa sila ng sariling pagpipilian habang lumalaki ang kanilang pagnanais na magsarili;
- Kumpara sa mga sanggol, hindi gaanong handang kumain ng mga bagong pagkain at tumikim ng mga gulay ang mga batang nasa preschool; Maaaring kailangan nila ng paulit-ulit na paglalantad bago nila gawin ang unang pagkain;
- Sensitibo sa ilang texture o lasa ng pagkain ang ilang bata. Maaari nilang tanggihan ang mga textured na pagkain at manatili sa kinatas o malalambot na pagkain; o tanggihan ang pagkaing may matatapang na lasa;
- Maaaring may limitadong karanasan ang ilan sa iba’t ibang uri ng pagkain;
- Kapag nabusog sila sa sobrang gatas o iba pang tsitserya, magkakaroon sila ng kaunting gana para sa kanilang mga pagkain.
Ano ang maaari kong gawin para sa aking anak na mapili sa pagkain?
Bilang mga magulang, may ilang bagay na maaari ninyong gawin upang makatulong sa inyo at sa inyong anak na masiyahan sa pagkain nang magkasama. Tandaan, karaniwan itong hindi gumagana sa iisang diskarte lang.
- Magbigay ng almusal, tanghalian at hapunan at 2 hanggang 3 meryenda sa regular na oras. Lagyan ng pagitan ang mga pagkain at meryenda sa 2 hanggang 3 oras na pagitan.
- Maglaan ng 10 hanggang 15 minuto para makapaghanda ang inyong anak bago ang oras ng pagkain. Hingin sa inyong anak na tapusin ang ginagawa nitong aktibidad at maglinis.
- Bigyan ang inyong anak ng mga pagpipilian sa pagkain:
- Maghain ng bago o hindi gaanong gustong pagkain kasama ng ilang pamilyar o tinanggap na mga pagkain. Inaalis nito mula sa inyo ang presyur kung tatanggihan niya ang bagong pagkain dahil maaari siyang mabusog sa mga pamilyar na pagkain.
- Mamili kasama ang inyong anak. Alukin siya na pumili ng kanyang mga pagkain kasama ng ilang angkop na mga pagkain. Halimbawa, “Ano ang gusto mo para sa hapunan, broccoli, spinach o kalabasa?”
- Isama ang inyong anak sa paghahanda ng pagkain, hal. paghuhugas ng mga gulay, paghahalo ng pagkain, at paghahanda ng mesa. Ginagawa nitong mas kawili-wili ang pagkain at pinupukaw ang pag-asam.
- Mas kaakit-akit at nakakapukaw ng gana ang makukulay na putahe at pagkaing hiniwa sa cute at nakatutuwang hugis.
- Epektibo ang mga sawsawan upang mahikayat ang mga bata na kumain ng mga gulay. Ihain ang mga gulay na may kasamang inihandang masustansyang sawsawan, hal. purong kamatis, hummus, katas ng prutas o yoghurt.
- Ihanda ang pagkain sa iba’t ibang paraan at sa mga texture na tinatanggap ng inyong anak. Halimbawa, mag-alok ng leche flan o mga pritong itlog sa halip na matigas na nilagang itlog; subukan ang malutong na ginisang gulay sa halip na malambot na pinasingawang gulay.
- Kailangan ng oras at pasensya ang pagpapakilala ng mga bagong pagkain. Ihain ang pagkain nang paulit-ulit, marahil aabot sa 10 hanggang 15 beses, at maging handa na maaaring iluwa ito ng inyong anak bago niya tanggapin ito kinalaunan.
- Kumain kasama ang inyong anak at akitin siyang tikman ang mga pagkain nang hindi siya pinipilit. Hayaan siyang tuklasin ang mga ito sa mga paraang gusto niya.
- Sa oras ng pagkain:
- Umupo nang magkasama sa hapag-kainan at kumain kasama ang inyong anak. Hayaan siyang pakainin ang kanyang sarili. Kung mas gusto niyang kumain gamit ang kanyang mga daliri, huwag ipilit na gumamit siya ng kutsara. Kapag siya ay may kasanayan na, kakain na din siya gamit ang kutsara.
- Alisin ang mga sagabal tulad ng mga laruan, TV, at mga elektronikong device habang kumakain. Subukang gawing masaya ang oras ng pagkain at nakakarelaks na oras ng pakikisalamuha na may mga pag-uusap.
- Alukin siya ng maliliit na bahagi. Dagdagan lamang kung gusto pa niya. Nakaka-stress para sa mga bata ang sobrang maraming pagkain.
- Maaari ninyong pag-usapan ang tungkol sa mga kulay ng mga pagkain ngunit huwag kailanman magbigay ng negatibong komento sa mga pagkain.
- Purihin siya sa pamamagitan ng paglalarawan sa kung ano ang ginawa niya nang maayos. Kailangan din ng mga bata ng pagkilala upang matutunan kung tama o wasto ang kanilang ginagawa.
- Gantimpalaan siya sa pagkain ng hindi gaanong gusto na pagkain o mga gulay gamit ang mga hindi nakakaing bagay, hal. mga cartoon sticker na gusto niya.
- Huwag siyang gagantimpalaan ng mga panghimagas o pinrosesong meryenda, hal. mga chip, o tsokolate.
- Huwag kailanman makipagtalo, pagalitan, o parusahan siya dahil sa hindi pagkain. Maaari itong humantong sa mas maraming problema sa pagkain.
- Mabubusog ang karamihang bata sa loob ng 15 hanggang 20 minuto sa isang pagkain. Wala silang itinatagal na pagtutuon ng pansin sa matagal na pagkain. Hayaan siyang umalis sa mesa kapag naobserbahan ninyo na busog na siya.
- Magtakda sa kanila ng makatuwirang patakaran sa oras ng pagkain na tapusin ang pagkain sa loob ng 30 minuto o higit pa. Alisin ang pagkain kung natapos na ang takdang oras.
- Iwasan ang pag-aalok kaagad ng gatas o iba pang gustong pagkain kung kumain siya ng kakaunting pagkain. Sinasabi lang nito sa kanya na hindi angkop sa kanya ang pagkain. Sa halip maaari ninyong ialok sa kanya ang susunod na meryenda nang mas maaga kaysa sa nakaiskedyul.
Kailangan ng panahon ng mga bata upang matutong tanggapin ang bago o hindi gustong mga pagkain. Kailangan ng mga magulang at tagapag-alaga na maging matiyaga at hindi pabagu-bago sa mga pagkilos sa kanilang mga sarili upang matulungang magbago ang mga mapipili sa pagkain.
Magkakaroon ba ng kakulangan sa nutrisyon ang aking anak?
- Hindi magkukulang sa nutrisyon ang inyong anak kung tinatanggihan niya ang ilang pagkain. Makukuha niya ang mga sustansya mula sa ibang pagkaing kanyang kinakain.
- Kung nag-aalala kayo na makokompromiso ng pagiging mapili sa pagkain ang kanyang paglaki at pag-unlad, isaalang-alang na irekord ang mga pagkain at dami ng kinakain ng inyong anak sa loob ng isang linggo. Tandaan, mahalaga ang bawat kagat. Pagkatapos, suriin ang mga sumusunod:
- Inalok ba siya ng maraming iba’t ibang pagkain? Ano-ano ang mga pagkain at pangkat ng pagkain na kinain niya sa loob ng isang linggo? Uminom ba siya ng napakaraming gatas? Madalas ba siyang kumain? Kumonsumo ba siya ng sobrang meryenda, kendi o mga chip?
- Kung kumonsumo siya ng mga pagkain mula sa lahat ng 5 pangkat ng pagkain – mga butil, gulay, prutas, karne o isda at itlog, at gatas o mga produktong gawa sa gatas sa loob ng isang linggo, mayroon siyang linggo na balanse sa nutrisyon.
- Humingi ng payo mula sa inyong doktor o dietitian kung palaging tumatanggi sa mga pagkain ng isang partikular na pangkat ng pagkain ang inyong anak dahil maaaring makompromiso ang kalagayan ng kanyang nutrisyon.
- Kung malusog at lumalaki nang maayos ang inyong anak, hindi ninyo kailangang mag-aalala. Patuloy na alukin siya ng iba’t ibang pagkain, sabayan siya sa pagkain at linangin ang isang nakakarelaks at kasiya-siyang oras ng pagkain. Palalawakin niya ang kanyang kagustuhan habang lumalaki siya.
Hindi kumakain ng madadahong gulay ang aking anak. Makatutulong ba na ihalo ito sa mga pagkaing gusto niya?
Maaari itong gumana para sa ilang bata. Mas karaniwang tatanggihan nilang kumain ng mga pagkain magkakasama dahil, sa kanilang paningin, kontaminado ang gusto nilang pagkain ng bagay na hinid kaaya-aya. Pinakamaaasahang mga paraan upang itaguyod ang kagustuhan ng mga bata sa mga gulay ang paghahain nang paulit-ulit ng mga gulay sa hapag-kainan na kaya niyang abutin at kumakain ang mga magulang bilang huwaran.