Malusog na pagkain para sa mga sanggol at maliliit na bata – Pagpapainom ng Gatas
(Binago ang nilalaman 02/2016)
Mahalaga ang tamang nutrisyon para sa paglaki at pag-unlad sa maagang buhay at may malalim na epekto sa pangmatagalang kalusugan ng mga bata. Mahalaga ang pagpapakain sa mga bata ng tamang pagkain at sa kanais-nais na paraan.
Mga malusog na paraan upang pakainin ang inyong sanggol
Ang unang 6 na buwan – Pagpapasuso lamang
- Pangunahing pinagkukunan ang gatas ng mga sustansya para sa mga sanggol sa unang 6 na buwan.
- Nagbibigay ang gatas ng ina ng buong hanay ng nutrisyon na kailangan ng sanggol pati na rin ng mga antibody at iba pang mga substansya na bioactive.
- Para sa mga sanggol na hindi pinapasuso, dapat pakainin sila ng mga magulang ng pormula para sa sanggol alinsunod sa dami o kaunti na gusto ng sanggol.
6 hanggang 24 na buwan – paglipat mula diyeta ng gatas sa pagkain ng iba't ibang pagkain nang mag-isa
- Sa panahong ito, sumasailalim ang mga sanggol sa paglipat ng pag-unlad mula sa diyetang gatas lamang patungo sa mga pang matanda na may pagkakaiba-iba.
- Lumilipat din sila mula sa pagkain na umaasa patungo sa paggamit ng tasa at kutsara upang kumain nang mag-isa.
- Dapat simulan ng mga magulang na pakainin ang mga sanggol ng matitigas na pagkain sa halos edad na 6 na buwan.
- Maaaring inihanda sa bahay ang mga masustansyang pagkain ng sanggol mula sa basket ng pagkain ng pamilya, kabilang ang mga butil at cereal, gulay, prutas, itlog, isda, karne at bean.
- Mahalagang tiyakin ang pagkain ng iron sa pamamagitan ng pagbibigay sa sanggol ng karne, isda, pula ng itlog, atay, at mga berdeng madadahong gulay.
- Dapat magbigay ang mga magulang ng mga pagkaing may iba't ibang mga lasa, texture at kulay. Tumutulong ito sa mga bata na matutunan ang tungkol sa mga pagkain, masarapan sa pagkain at itinataguyod ang mga magandang gawi sa pagkain.
- Sa maagang yugto ng paglipat, nagbibigay pa rin ng karamihan sa mga sustansya ang gatas ng ina o pormula para sa sanggol. Habang kumakain ng mas marami ang mga sanggol, na may kaugnayan sa pagkakaiba-iba at dami ng matitigas na pagkain, kaunting gatas na lang ang kailangan nila.
- Pagkatapos ng unang kaarawan, dapat ibigay ang mga sustansyang kailangan ng mga bata ng karaniwang diyeta na may iba't ibang masustansyang pagkain. Maaaring mga pagkain pampamilya ang diyeta na may kaunting pagbagay.
- Hindi na pangunahing pagkain ang gatas bagaman nananatili itong bahagi ng malusog na diyeta.
- Inirerekomenda sa mga ina na ipagpatuloy ang pagpapasuso hanggang 2 taon at higit pa upang mabigyan ng mga antibody at sustansya ang kanilang mga anak.
2 hanggang 5 taon – nasisiyahan sa mga pagkain ng pamilya
- Sa edad na ito, dapat kumakain ang mga bata kasama ang pamilya. Bukod sa pagbabahagi ng mga balanseng pagkain nang magkakasama, nasasanay ang mga bata sa mga gawi ng malusog na pagkain ng mga magulang. Tumutulong sa kanila ang oras ng pagkain ng pamilya na matutunan ang tungkol sa mga rutina ng pamilya at pinahuhusay ang komunikasyon ng magulang at anak.
Ano ang gatas na pinipili para sa mga bata na hindi pinapasuso?
- Pormula para sa mga sanggol ang gatas na pinipili para sa mga sanggol na wala pang 12 buwan bukod sa gatas ng ina. Hindi angkop ang gatas ng baka para sa wala pang isang taong gulang.
- Maaaring kumonsumo ang mga batang 1 taong gulang ng sariwang gatas ng baka na puno ng taba o pulbos na gatas ng baka na puno ng taba. Maaari ding piliin ng mga magulang ang yogurt at keso para naman mapaiba. Angkop ang gatas na binawasan ng taba para sa mga 2 taong gulang at mas matanda.
- Angkop ang gatas na pormula para sa may mababang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iron, tulad ng mga kumakain ng diyetang gulay.
- Maaaring kailangan ng ilang bata ang espesyal na pormula kung may allergy sila sa protina ng gatas ng baka. Dapat humingi ng medikal na payo ang mga magulang bago nila bigyan ng espesyal na pormula ang kanilang mga sanggol.
Mahusay namang kumain ang aking 1 taong gulang na anak, gaano karaming gatas ang dapat niyang inumin?
- Bilang bahagi ng diyeta na kinabibilangan ng iba't ibang pagkain, sapat na ang 360 hanggang 480 ml na gatas sa isang araw upang makamit ang sustansyang kailangan ng mga batang may edad na 1 hanggang 5 taon.
- Ibigay ang gatas sa maliliit na tasa 2 hanggang 4 na beses sa isang araw sa almusal at mga oras ng meryenda. Maaari kayong magbigay ng iba pang produktong gawa sa gatas bilang alternatibo.
- Mayaman na mapagkukunan ng calcium at iba pang mga sustansya ang gatas. Gayunman, kung labis na umiinom ng gatas ang bata, mapapalitan nito ang kanyang gana para sa iba pang masusustansyang pagkain at mahirap na mabuo ang mga gawi sa malusog na pagkain.
- Mayaman sa calcium ang mga pagkaing tofu, gatas na soya na pinatibay ng calcium, o matingkad na berdeng madadahong gulay. Kailangan ng mga bata ang kaunting gatas upang makamit ang kanilang pangangailangan sa calcium kung kumokonsumo sila ng mga pagkaing ito araw-araw at sa sapat na dami.
Kailan dapat huminto ang aking anak sa paggamit ng mga bote?
- Dapat ihinto ng mga bata ang pag-inom mula sa mga bote pagsapit ng 18 buwan.
- Mas malamang na magkaroon ng maagang mga pagkasira ng ngipin ang mga patuloy na gumagamit ng bote. Mas malamang din na maging mas mataba sila. Tila may ugali din sila na uminom ng sobrang gatas at may kaunting interes na kumain ng iba pang pagkain.
- Magbigay ng tasa na pansanay sa inyong sanggol sa halos 8 hanggang 9 na buwan at tulungan siyang uminom. Maaari din siyang uminom mula sa straw kinalaunan. Nakakainom ang karamihang bata gamit ang tasa na pansanay pagsapit ng 1 taong gulang. Pagkatapos ng kanyang unang kaarawan, simulan ang pag-awat sa kanya mula sa bote.
Mapili ang aking anak sa mga pagkain. Mas mabuti bang bigyan siya ng "mapili sa pagkain" na gatas na pormula?
- Ang tinawag na “picky eater” na pormula ay dinagdagan ng iba't ibang bitamina, mineral o fatty acids atbp. Makikita ang lahat ng sustansyang ito sa mga pagkaing karaniwan nating kinakain. Sa kabaligtaran, hindi lahat ng substansyang nakikita sa mga pang-araw-araw na pagkain na may benepisyo sa atin ay matatagpuan sa gatas na pormula. Ang nilalamang enerhiya ng mga ito at antas ng asukal ay mas mataas kaysa sa regular na gatas na pormula o gatas ng baka na puno ng taba.
- Maaaring malagay sa panganib na hindi nakakakuha ng sapat na sustansya ang mga bata kung patuloy silang tumatangging kumain ng tiyak na pangkat ng pagkain. Maaaring ibigay ang regular na gatas na pormula kapalit ng gatas ng baka bilang mga suplementong pagkain. Mahalaga na panatilihin ang pag-inom ng hindi lalampas sa 480 ml sa isang araw.
- Pagbibigay sa inyong anak ng pagkakataon upang malaman ang tungkol sa pagkain - pagbibigay ng iba't ibang pagkain, pagbibigay ng mga pagpipiliang pagkain sa oras ng pagkain, mahalaga ang pagkain na kasama siya upang matulungan siyang maalis ang pagiging mapili sa pagkain.
- Maaaring humiling ng medikal na payo ang mga magulang kung nayroon silang alalahanin tungkol sa diyeta at paglaki ng kanilang anak.