Malusog na pagkain para sa mga batang nasa preschool
Aktibo at masisigla ang mga batang nasa preschool. Kailangan nila ng magandang supply ng mga sustansya pati na rin ng enerhiya mula sa pagkain upang suportahan ang kanilang paglaki at pag-unlad at ang kanilang mga pang-araw-araw na aktibidad.
Sinisiguro ng pagkain ng balanseng diyeta na natutugunan ang kinakailangan nilang sustansya. Tumutulong din ito sa mga bata na manatiling malusog at magkaroon ng magagandang gawi sa pagkain, kaya inilalatag ang buong pundasyon para sa kanilang kalusugan sa hinaharap.
Ano ang balanseng diyeta?
Ipinakikita ng pyramid ng malusog na pagkain ang iba't ibang pangkat ng pagkain na kailangan nating kainin at iminumungkahi ang ilang bahagi. Mahalagang isama ang iba't ibang masusustansyang pagkain mula sa bawat pangkat ng pagkain upang masigurong natutugunan ang mga pangangailangang pangnutrisyon.
Kainin ang pinakamaraming: Mga butil
Kainin ang mas maraming: Mga Gulay at Prutas
Kainin nang katamtaman: Karne, isda, mga itlog at alternatibo; Gatas at mga alternatibo
Kainin ang pinakakaunting: Taba/Langis, asin at asukal
Uminom ng maraming likido.
Gabay ang sumusunod para sa dami ng mga pagkain sa bawat pangkat ng pagkain sa isang balanseng diyeta para sa mga batang nasa preschool
Bilang ng Paghahain kada araw |
Mga halimbawa ng isang paghahain isang mangkok = 250-300 ml 1 tasa = 240 ml |
|
---|---|---|
Mga butil |
2 hanggang 3 |
|
Mga gulay |
1 hanggang 2 |
|
Mga prutas |
1 hanggang 2 |
|
Karne, isda, mga itlog at mga alternatibo |
1 hanggang 3 |
|
Gatas at alternatibo |
2 |
|
Ano-ano ang nasa bawat pangkat ng pagkain?
Mga butil
- Dapat na pinakamalaking bahagi ang mga butil ng bawat pagkain. Kabilang dito ang kanin, tinapay, noodles, pasta.
- Nagbibigay ang mga butil ng enerhiya at ilang bitamina B. Mas mayaman ang mga buong butil, gaya ng brown rice, tinapay na buong trigo, oatmeal, sa dietary fibre, mga mineral at bitamina. Tumutulong ang mga ito na maiwasan ang pagtitibi at mga sakit sa bituka.
- Isama ang mga pagkaing buong butil sa pamamagitan ng pagpapalit sa puting tinapay ng tinapay na buong trigo, o sa bahagi ng puting bigas ng brown rice.
- Iwasan ang mga produktong butil na mataas ang taglay na taba, gaya ng mga biskwit, sinangag o noodles, instant noodles, pastry, cake, croissant. Ibigay lang ang mga pagkaing ito paminsan-minsan sa maliit na bahagi. Iwasan ang mga karaniwang biskwit (hal. mga biskwit na marie, mga soda cracker) na nagtataglay ng maraming trans fat at saturated fat na masasama para sa ating puso. Maaari ninyong limitahan ang pagbibigay sa mga bata ng mga biskwit sa hindi hihigit sa dalawang beses sa isang linggo.
Mga Gulay at Prutas
- Kumain ng mas maraming gulay at prutas.
- Kumain ng mga sariwang gulay at prutas na iba't iba ang mga kulay (kabilang ang madadahong gulay, kabute, kalabasa, green peas). Nagbibigay ito ng malawak na hanay ng mga mineral, bitamina, antioxidants at dietary fibre.
- Pinoprotektahan kayo at ang inyong mga anak ng pagkain ng mga gulay at prutas mula sa pagkakaroon ng malulubhang sakit hal. diabetes, hypertension, sakit sa puso at daluyan ng dugo at kanser.
- Maginhawang mga alternatibo ang mga iladong natural na gulay at prutas (hal. ubod ng matamis na mais, halo-halong gulay), pinatuyong mga gulay at pinatuyong mga prutas sa mga sariwang gulay at prutas.
- Iwasan ang mga de-latang prutas na may syrup, o nakapreserbang mga gulay na nagbibigay ng hindi kailangang dagdag na pagkain ng asin, taba o asukal. Mas mahusay ang pagkain ng buong prutas kaysa sa pag-inom ng katas ng prutas, dahil nagbibigay ang buong prutas ng mas maraming sustansya at dietary fibre.
Karne, isda, mga itlog at mga alternatibo
- Kumain ng katamtamang dami ng karne, isda, mga itlog at mga alternatibo.
- Kasama rin sa grupong ito ang mga tuyong beans, mani, buto at mga produktong gawa sa soya gaya ng tofu.
- Mayaman sa protina, iron, zinc, ilang bitamina B at bitamina B12 ang mga pagkaing ito. Mahahalagang sustansya ang mga ito para sa paglaki at pag-aaral.
- Subukang magbigay ng ilang malalangis na isda, hal. salmon, sardinas, jack mackerel sa inyong mga anak. Pangunahing pinagmumulan na pagkain ang malalangis na isda ng omega 3 fatty acids na mahalaga sa pag-unlad ng pang-unawa. Iwasang kumain ng malalaking isda na mandaragit kabilang ang pating, tuna, king mackerel, o iba pang isda na mataas ang mercury.
- Pumili ng karneng walang taba. Alisin ang mga nakikitang taba mula sa karne at alisin ang balat mula sa mga manok. Tumutulong ito na mabawasan ang pagkain ng taba at kolesterol, at kaya pinangangalagaan ang inyong mga anak mula sa pagkakaroon ng mga sakit sa puso at daluyan ng dugo.
- Pumili ng kaunting de-lata, nakapreserbang karne, hal. mga sausage, hamon, nakaprosesong meatball.
Gatas at mga alternatibo
- Kumain ng katamtamang dami ng gatas at mga alternatibo, kabilang ang gatas na soya na pinatibay ng calcium, tofu at iba pang pagkaing mayaman sa calcium.
- Kailangan ng inyong mga anak ng halos 2 tasa (hindi hihigit sa 480 ml sa kabuuan) ng gatas araw-araw. Sa pangkalahatan, sapat ang 360-480 ml ng gatas upang matugunan ang mga pangangailangan ng inyong anak para sa calcium.
- Mas kaunti ang kailangang gatas ng mga bata kapag kumakain sila ng maraming pagkain na mayaman sa calcium hal. mga berdeng madahong gulay, tofu, bean curd pudding.
- Maaari ninyong piliin ang mga produktong kaunti ang taba para sa mga batang mahigit sa 2 taong gulang. Habang para sa mga batang mahigit sa 5 taong gulang ang mga produktong skimmed (walang taba). Ang formula na gatas ay karaniwang hindi kailangan.
Likido
Kailangan ng mga bata ang hindi bababa sa 4 hanggang 5 tasa ng likido araw-araw. Tubig ang pinakamahusay na inumin. Limitahan ang mga katas ng prutas sa 120 ml sa isang araw. Iwasang magbigay sa mga bata ng matatamis na inumin, soda at soft drink.
Ano-anong pagkain ang makatutulong sa aking mga anak na matuto?
Maaaring makinabang ang pag-unlad sa pang-unawa ng inyong mga anak mula sa malusog at balanseng diyeta. Masama para sa inyong mga anak ang diyetang puno ng mga junk food at mga naprosesong pagkain. Ilang sustansya ang partikular na mahalaga para sa magandang paggana at pag-unlad ng pang-unawa.
Mga sustansyang mahalaga sa paggana ng pang-unawa | Mga pangunahing pinagmumulang pagkain |
---|---|
Iron |
Karne, isda, manok, pula ng itlog, |
Zinc |
Karne, isda, manok, pula ng itlog, mga tuyong beans |
Iodine |
Kelp, halamang dagat, meryendang halamang dagat, gatas, yoghurt, hipon, tahong, isdang dagat o iba pang pagkaing-dagat |
Omega-3 fatty acids, partikular ang DHA |
Malangis na isda hal. salmon, sardinas, jack mackerel, halibut, pacific saury, pomfret, golden thread |
Bitamina B12 |
Karne, isda, manok, pula ng itlog, gatas at mga produktong gawa sa gatas |