Bakuna Laban sa Tigdas, Beke at Rubella (MMR)

(Binago ang nilalaman 01/2020)

Tigdas

Sanhi ang tigdas ng virus na tigdas at kumakalat sa pamamagitan ng hangin mula sa patak o direktang kontak sa mga inilalabas mula sa ilong o lalamunan ng mga nahawang tao, at hindi gaanong karaniwan, ng mga bagay na nadumihan ng mga inilalabas mula sa ilong at lalamunan. Sa simula, magtataglay ang mga taong nahawa ng pagkapagod, lagnat, ubo, tumutulong sipon, pamumula ng mga mata at mapuputing batik sa loob ng bibig. Sinusundan ito ng mapulang magaspang na pantal sa balat pagkalipas ng 3-7 araw. Kadalasang kumakalat ang pantal mula sa mukha pababa sa buong katawan. Sa mga malubhang kaso, maaaring masangkot ang bituka at utak at humantong sa malulubhang resulta o maging kamatayan.

Beke

Sanhi ang beke ng virus na beke na nakaaapekto sa mga glandula ng laway at kung minsan sa tisyu ng nerbiyo. Naikakalat ito sa pamamagitan ng patak at direktang kontak sa laway ng nahawang tao. Inilalarawan ng sakit ng masakit na pamamaga ng mga glandula ng laway, kadalasan sa (mga) pisngi. Kung minsan, maaaring may mga komplikasyon tulad ng pagkabingi, o impeksyon sa utak, mga lapay, mga bayag o obaryo.

Rubella

Ang Rubella, kilala rin bilang “German Measles”, ay dulot ng virus na rubella. Maaari itong mailipat sa pamamagitan ng kontak sa mga inilalabas mula sa ilong at lalamunan ng mga nahawang tao sa pamamagitan ng pagkalat ng patak o direktang kontak sa mga pasyente. Kadalasang nagtataglay ang mga bata ng lagnat, pananamlay, pagkalat ng pantal, paglaki ng mga kulani, mga sintomas sa itaas na bahagi ng palahingahan at pamumula ng mga mata. Maaaring walang pantal ang ilang pasyente. Kabilang sa mga komplikasyon ang arthritis, thrombocytopenia at encephalitis.

Maaaring magdulot ang impeksyon ng rubella ng mga anomalya sa lumalaking sanggol sa sinapupunan ng ina. Malamang na mangyari ang Congenital rubella syndrome (CRS) sa mga sanggol na ipinangak ng mga babaeng nahawa sa loob ng unang 3 buwan ng pagbubuntis. Inilalarawan ng CRS ng pagkabingi, katarata, maling pormasyon ng puso at pagkabalam ng isip.

Bakuna Laban sa Tigdas, Beke at Rubella (MMR)

Maaaring mabisang mapigil ng bakuna laban sa MMR ang nabanggit na 3 nakahahawang sakit. Sa Hong Kong, kasama ang bakuna laban sa MMR sa Programang Pagbabakuna sa Pagkabata sa Hong Kong.

Dapat makatanggap ang mga bata ng dalawang dosis ng mga bakunang nagtataglay ng tigdas. Ang mga kababaihang nasa edad ng pag-aanak na hindi pa dating nabakunahan ng bakunang nagtataglay ng rubella ay dapat tingnan ang kanilang kalagayan ng imyunidad bago magplano ng pagbubuntis at tumanggap ng pagbabakuna laban sa MMR kung kinakailangan.

A. HINDI dapat tumanggap ng bakuna laban sa MMR o dapat maghintay ang mga sumusunod na indibidwal

  1. malubhang reaksyon sa allergy sa dating dosis ng bakuna laban sa MMR
  2. alam na karanasan ng matinding allergy sa gelatin o ilang antibayotiko
  3. mga indibidwal na may malubhang immunosuppression mula sa mga sakit o paggamot, hal.:
    • immunodeficiency
    • nasa kasalukuyang paggamot sa kanser, tulad ng chemotherapy at radiotherapy
    • umiinom ng mga gamot na immunosuppressive, tulad ng mataas na dosis ng corticosteroid
  4. pagbubuntis*
  5. nakatanggap ng immunoglobulin o iba pang mga produktong dugo (hal. pagsalin ng dugo) sa loob ng nakalipas na 11 buwan
  6. nakatanggap ng iba pang buhay na bakuna sa nakalipas na apat na linggo

*Sa pangkalahatan, dapat iwasan ng mga kababaihan ang pagbubuntis sa loob ng tatlong buwan pagkatapos makatanggap ng bakuna laban sa MMR at gawin ang naaangkop na hakbang upang mapigilan ang pagbubuntis.

B. Ano-ano ang mga masasamang epekto?

  • Maaring magkaroon ang ilang bata ng lagnat sa loob ng 5-12 araw pagkatapos ng pagbabakuna, ngunit karaniwang mawawala ang lagnat sa loob ng 2-5 araw. Maaaring gumamit ang mga magulang ng gamot laban sa lagnat upang mapagaan ang mga sintomas. Maaaring magkaroon ang ilang bata ng pantal 1-2 linngo pagkatapos ng pagbabakuna, ngunit karaniwang nawawala ito pagkatapos ng ilang araw. Maaaring magkaroon ang ilang bata ng pansamantalang pamamaga ng mga glandula ng laway sa likod ng pisngi o pamamaga ng mga kulani (sa ulo o leeg).
  • Bihira, maaaring mabuo ang mga karamdaman sa sistema ng nerbiyos, halimbawa encephalitis o meningitis, pagkatapos ng pagbabakuna laban sa MMR.

Kung mayroon kayong anumang tanong, mangyaring kontakin ang Maternal & Child Health Centre ng Kagawaran ng Kalusugan.