Bakuna laban sa Diphtheria, Tetanus, acellular Pertussis at Hindi Aktibong Poliovirus (DTaP-IPV na Bakuna)

(Binago ang nilalaman 07/2017)

Diphtheria

Sanhi ng bakterya ang diphtheria. Ang mga apektadong tao ay maaaring magkaroon ng lagnat, pananakit ng lalamunan na may mga patse ng kulay-abo na lamad na nakadikit sa lalamunan at kahirapan sa paghinga. Sa malulubhang kaso, maaari itong magdulot ng pagbara sa daanan ng hangin, pagpalya ng puso, pagkapinsala ng nerbiyo o maging kamatayan. Naikakalat ang sakit sa pamamagitan ng kontak sa pasyente o tagapagdala. Hindi gaanong karaniwan, maaaring mahawa ang isang tao sa pamamagitan ng kontak sa mga baga na nadumihan ng mga inilalabas ng mga apektadong tao.

Tetanus

Sanhi ng bakterya ang tetanus, na pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat sa balat at gumagawa ng lason na umaatake sa sistema ng nerbiyo. Maaari itong magdulot ng masakit na paninikip ng katawan at paninigas ng panga, kaya hindi maibukas ng nahawang tao ang kanyang bibig o hindi makalunok. Kapag naapektuhan ng tetanus ang mga kalamnan na tumutulong sa paghinga, maaaring agad na mamatay ang pasyente.

Pertussis

Ang pertussis, na kilala rin bilang “ubong may halak”, ay isang malubhang sakit sa palahingahan na sanhi ng bakterya. Maaaring magpakita ang nahawang taong ng di-tiyak na sintomas sa simula tulad ng sipon, pagbahing, sinat at banayad na ubo. Unti-unting mas titindi ang ubo at maaaring makaapekto sa pagkain, pag-inom at paghinga ang panahon ng malakas na pag-ubo. Maaaring tumagal ng ilang linggo ang mga sintomas. Kabilang sa mga komplikasyon ang impeksyon sa baga, kumbulsyon at pinsala sa utak. Kumakalat ito sa pamamagitan ng direktang kontak sa mga patak mula sa mga pasyente.

Poliomyelitis

Sanhi ang poliomyelitis ng isa sa 3 uri ng Poliovirus (1, 2 at 3). Pumapasok ang virus sa katawan sa pamamagitan ng bibig at kinalaunan ay lulusubin ang central nervous system. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, matinding pananakit ng kalamnan, paninigas ng leeg at likod, paralysis, o maging kahirapan sa paghinga at kamatayan.

Bakuna laban sa Diphtheria, Tetanus, acellular Pertussis at Hindi Aktibong Poliovirus (DTaP-IPV na Bakuna)

A. Bakit magpapabakuna?

Maaaring mabisang mapigil ng DTaP- IPV na bakuna ang nabanggit na 4 na malubhang sakit. Sa Hong Kong, kasama ang DTaP-IPV sa Programang Pagbabakuna sa Pagkabata sa Hong Kong.

B. Kailan dapat magpabakuna ang aking anak?

Upang makamit ang maganda at pangmatagalang proteksyon, dapat makatanggap ang bata ng 3 dosis ng DTaP- IPV na bakuna sa unang taon ng buhay (sa 2 buwan, 4 na buwan at 6 na buwang gulang), at isa pang booster na dosis sa 18 buwang gulang. Ibibigay ang dalawang iba pang dosis sa mga mag-aaral ng unang baitang at ika-anim na baitang sa primarya*. Maaaring ibigay ang DTaP-IPV kasama ng iba pang bakuna.

* Inirerekomenda ang bakuna laban sa dipterya, tetano, acellular pertussis (binawasang dosis) at hindi aktibong poliovirus para sa mga mag-aaral ng ika-anim na baitang sa primarya.

C. HINDI dapat tumanggap ng bakuna laban sa DTaP-IPV ang mga sumusunod na indibidwal

  • Malubhang reaksyon sa allergy sa alinman sa mga bahagi ng bakuna o kasunod ng dating dosis ng DTaP-IPV na bakuna.
  • Encephalopathy o iba pang kondisyon ng utak sa loob ng 7 araw kasunod ng dating dosis ng DTaP-IPV na bakuna o bakuna na nagtataglay ng pertussis.
  • Malubhang reaksyon na allergy sa ilang antibayotiko o mga preservative.

D. Ano-ano ang masasamang epekto?

  • Kabilang sa banayad na masasamang epekto ang mga lokal na reaksyon (gaya ng pananakit, pamumula o pamamaga).
  • Nangyayari nang hindi gaanong madalas ang banayad o matinding systemic na masasamang epekto na kabilang ang temperatura na 40.5°C (105°F) o mas mataas, nagpapatuloy na pag-iyak na nagtatagal nang 3 oras o mas matagal, kumbulsyon na may lagnat pati na rin mga pagsumpong ng hypotonic-hyporesponsive.
  • Maaaring gumamit ang mga magulang ng gamot laban sa lagnat upang maibsan ang mga sintomas.
  • Iniulat ang hindi madalas, pansamantala at hindi grabeng pamamaga ng buong itaas na braso o/at hita pagkatapos ng ika-4 at ika-5 dosis ng mga DTaP na bakuna.
  • Kung magkaroon ang bata ng kahirapan sa paghinga o coma (na sobrang bihira) pagkatapos ng pagbabakuna, mangyaring dalhin siya kaagad sa Departamento ng Aksidente at Emergency ng mga ospital para sa pamamahala.

Kung mayroon kayong anumang tanong, mangyaring makipag-ugnayan sa Maternal & Child Health Centre ng Kagawaran ng Kalusugan.