Bakuna laban sa Hindi Aktibong Poliovirus (IPV)

(Binago ang nilalaman 07/2017)

Poliomyelitis

Sanhi ang poliomyelitis ng isa sa 3 uri ng Poliovirus (1, 2, at 3). Pumapasok ang virus sa katawan sa pamamagitan ng bibig at kinalaunan ay lulusubin ang central nervous system. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, matinding pananakit ng kalamnan, paninigas ng leeg at likod, paralysis, o maging kahirapan sa paghinga at kamatayan.

Hindi Aktibong Poliovirus na Bakuna (IPV)

  • Bakit magpapabakuna?

    Mabisang makapapangalaga ang pagbabakuna sa polio laban sa poliomyelitis. Sa Hong Kong, inirerekomenda ang bakuna laban sa hindi aktibong poliomyelitis (IPV) para sa karaniwang pagbabakuna sa polio sa pagkabata.

  • Kailan dapat magpabakuna ang aking anak?
    • Para sa pinakamahusay at pangmatagalang proteksyon, dapat tumanggap ang mga bata ng 3 dosis ng IPV sa unang taon ng buhay (sa 2, 4 at 6 na buwang gulang). Ibibigay ang booster na dosis ng IPV kapag 18 buwang gulang ang bata. Ibibigay ang dalawang iba pang booster na dosis sa mga mag-aaral ng unang baitang at ika-anim na baitang sa primarya. Dapat tumanggap ng sapat na dosis ng IPV ang mga batang hindi nakatanggap ng inirerekomendang dosis ng bakuna laban sa poliovirus upang makumpleto ang serye ng pagbabakuna.
    • Maaaring ibigay ang IPV kasabay ng iba pang bakuna.
  • HINDI dapat tumanggap ng bakuna laban sa IPV ang mga sumusunod na indibidwal
    • may malubhang reaksyon na allergy sa dating dosis ng IPV o mga sangkap nito
    • may malubhang reaksyon na allergy sa ilang antibayotiko o mga preservative
  • Ano-ano ang masasamang epekto?

    Walang malubhang reaksyon ang karamihang tao matapos makatanggap ng IPV. Paminsan-minsan maaaring may kaunting pananakit sa paligid ng lugar ng iniksyon, ngunit unti-unting mawawala ang mga ito sa loob ng 1-2 araw.

Kung mayroon kayong anumang tanong, mangyaring makipag-ugnayan sa Maternal & Child Health Centre ng Kagawaran ng Kalusugan.