Bakuna Laban sa Hepatitis B
Hepatitis B
Ang Hepatitis B ay isang uri ng impeksyon ng atay dulot ng virus na hepatitis B. Naililipat ito sa pamamagitan ng dugo at mga likido ng katawan. Mataas ang tsansa na maipasa ng ina na tagapagdala ng hepatitis B ang virus sa kanyang sanggol sa o sa panahon ng panganganak.
Kabilang sa mga sintomas ng malubhang hepatitis ang sobrang pagkapagod, pagkawala ng gana, pagsusuka, pagtatae at dilaw na kulay ng balat at mga puti ng mga mata. Karamihan ng malulubhang impeksyon ay ganap na nalulutas. Gayunman, maaaring maging paulit-ulit na tagapasa ang ilang tao, na maaaring magkaroon kinalaunan nang malubha at hindi gumagaling na mga sakit sa atay, gaya ng cirrhosis ng atay at kanser sa atay.
Bakuna laban sa Hepatitis B (HBV)
A. Bakit magpapabakuna?
Mabisang makakapangalaga ang bakuna laban sa Hepatitis B (HBV) at mga komplikasyon nito gaya ng kanser sa atay. Sa Hong Kong, kasama ang HBV sa Programang Pagbabakuna sa Pagkabata sa Hong Kong.
B. Kailan dapat magpabakuna ang aking anak?
- Mga Sanggol na Husto sa Buwan
Ang karaniwang paraan ng pagbabakuna ay ayon sa sumusunod:
Mga sanggol na inianak ng mga ina na tagapagdala ng hepatitis B Mga sanggol na inianak ng mga ina na hindi tagapagdala ng hepatitis B Dosis sa Pagsilang / Unang Dosis
Sa loob ng 24 na oras matapos isilang
(kasama ng hepatitis B immunoglobulin)Sa loob ng 24 na oras matapos isilang
Ikalawang Dosis
1 buwang gulang
Ikatlong Dosis 6 na buwang gulang
Upang makamit ang pinakamahusay at pangmatagalang proteksyon, dapat matapos ng mga bata ang lahat ng tatlong dosis ng HBV. Maaaring ibigay ang HBV kasama ng iba pang uri ng bakuna.
- Mga Sanggol na Isinilang na Wala sa Buwan
Lahat ng sanggol na isinilang na wala sa buwan ng mga inang tagapagdala ng hepatitis B ay dapat makatanggap ng HBV kasama ng hepatitis B immunoglobulin sa pagsilang. Gayunman, maaaring hindi ibilang ang dosis na ito sa 3-dosis na kurso ng pagbabakuna. Kung ituring ng gumagamot na pediatrician ang dosis na ito na hindi balido, dapat ibigay ang unang balidong dosis sa sanggol pagkatapos ng 4 na linggo.
Lahat ng sanggol na isinilang na wala sa buwan ng mga ina na hindi tagapagdala ng hepatitis B na may timbang sa pagsilang na 2kg o higit pa ay dapat makatanggap ng unang dosis ng HBV sa pagsilang. Dapat matanggap ng mga sanggol na isinilang na wala sa buwan na may timbang na mababa sa 2kg ang unang dosis ng HBV sa panahon na ang timbang ng sanggol ay umabot sa 2kg o isang buwang gulang ang sanggol, alinman ang mas mauna.
- Iba pang Sitwasyon
Dapat makatanggap o matapos ang pagbabakuna ng hepatitis B ng mga batang hindi pa nakatanggap o hindi pa natapos ang buong kurso ng pagbabakuna ng hepatitis B upang maprotektahan ang kanilang kalusugan.
C. HINDI dapat tumanggap ng bakuna laban sa HBV ang mga sumusunod na indibidwal
- may malubhang reaksyon na allergy sa lebadura (para sa paghuhurno ng tinapay)
- may malubhang reaksyon na allergy sa dating dosis ng HBV
D. Ano-ano ang masasamang epekto?
- Ang HBV ay isang banayad na bakuna at karaniwang hindi nagdudulot ng malubhang masasamang reaksyon.
- Paminsan-minsan maaaring may kaunting pananakit sa paligid ng lugar ng iniksyon, ngunit unti-unting mawawala ang mga ito sa loob ng 1-2 araw.
Kung mayroon kayong anumang tanong, mangyaring makipag-ugnayan sa mga Maternal & Child Health Centre ng Kagawaran ng Kalusugan.
- Mga Sanggol na Isinilang na Wala sa Buwan