Bakuna Laban sa Bacillus Calmette-Guérin (BCG)
Tuberkulosis (TB)
Ang tuberkulosis ay sanhi ng mycobacteria. Kumakalat it sa pamamagitan ng hangin at karaniwang nakaaapekto sa mga baga (pulmonary TB). Maaari ding maapektuhan ang iba pang bahagi ng katawan, gaya ng mga buto, atay, utak at mga bato, (extrapulmonary TB). Mahalaga pa ring nakahahawang sakit ang TB dito, dahil ang Hong Kong ay isang komunidad na marami ang populasyon.
Bakuna Laban sa BCG
A. Bakit magpapabakuna?
Bagama't hindi nag-aalok ang BCG ng 100% proteksyon laban sa TB, tumutulong ito na maipirmi ang impeksyon sa mga baga at epektibo sa pangangalaga laban sa malulubhang komplikasyon ng sakit. Sa Hong Kong, kasama ang bakuna laban sa BCG sa Programang Pagbabakuna sa Pagkabata sa Hong Kong.
B. Kailan dapat magpabakuna ang aking anak?
Lahat ng lokal na bagong panganak ay dapat mabigyan ng BCG pagkaanak. Para sa mga batang may edad na mababa sa 15 taon, nakatira sa Hong Kong at hindi pa dating nabigyan ng BCG, inirerekomenda ang direktang pagbabakuna laban sa BCG.
C. HINDI dapat tumanggap ng bakuna laban sa BCG ang mga sumusunod na indibidwal
- nakatanggap ng iba pang buhay na bakuna sa nakalipas na apat na linggo (maaaring ibigay ang BCG pagkatapos ng agwat na ito)
- sumasailalim sa immunosuppressive therapy (hal. irradiation, paggamot gamit ang mga cytotoxic na gamot o systemic steroid)
- immunodeficiency, alinman sa sapol sa pagsilang o nakuha (hal. impeksyon ng HIV)
- kanser (hal. lukemya, lymphoma)
- malubhang mga sakit sa balat
- mga sanggol ng mga ina na nakatanggap ng biological therapy sa panahon ng pagbubuntis (kumonsulta sa mga espesyalista dahil malamang ang pagpapaliban ng pagbabakuna)
D. Ano-ano ang masasamang epekto?
- Maaaring magkaroon ang ilang bata ng maliit na pulang papule o ulser sa lugar ng iniksyon 2 hanggang 4 na linggo pagkatapos ng pagbabakuna. Unti-unti itong mawawala at maghihilom sa loob ng ilang linggo, na mag-iiwan ng maliit na pilat o wala talagang pilat. Paminsan-minsan maaaring magkaroon ang ilang bata ng bukol sa ilalim ng kili-kili dahil sa lumaking mga glandula. Napakabihira ng iba pang masasamang reaksyon.
- Hindi kailangang mabahala ang mga magulang kung mayroong nana o sugat. Ito ay normal na reaksyon. Maaaring maligo ang bata gaya ng dati. Panatilihing malinis at tuyo ang lugar ng iniksyon. Gumamit ng pinalamig na pinakulong tubig para sa paglilinis ng lugar kung kailangan, at tuyuin ng malinis na gasa pagkatapos.
- Huwag pahiran ng anumang gamot o ointment at huwag pigain o ibenda ang lugar. Magsuot ng maluluwag na damit.
- Kusang mawawala ang karamihang lokal na komplikasyon ng pagbabakuna laban sa BCG, kaya hindi dapat mabahala ang mga magulang.