Bakuna laban sa Pneumococcal Conjugate

(Binago ang nilalaman 07/2019)

Impeksyon ng Pneumococcal

Kinakatawan ng impeksyon ng pneumococcal ang malawakang hanay ng mga sakit na dulot ng bakteryang Streptococcus pneumoniae (S. pneumoniae / pneumococcus). Natukoy ang mahigit sa 90 na serotype. Maaari itong mailipat sa pamamagitan ng pagkalat ng patak at kontak sa mga inilalabas mula sa palahingahan; isa pang paraan ng paglipat ang direktang kontak.

Nagdudulot ang S. pneumoniae ng malawak na spectrum ng mga sakit, kabilang ang:

  • meningitis: isang uri ito ng malubhang impeksyon ng pneumococcal at karaniwang nagtataglay ng lagnat, paninigas ng leeg at pagkalito ng isipan, na nagdudulot ng mga pangmatagalang problema, tulad ng pagkawala ng pandinig o maging kamatayan;
  • pulmonya: karaniwang nagtataglay ito ng lagnat, pangangapos ng hininga, ginaw at ubong may plema, at maaaring magresulta sa kamatayan sa malulubhang kaso; at
  • otitis media: nagtataglay ito ng lagnat, pananakit ng tainga na mayroon o walang inilalabas mula sa tainga, at maaaring magdulot ng pagkawala ng pandinig sa mga paulit-ulit na kaso.

Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV)

  1. Bakit kailangang mabukanahan?

    Maaaring mabisang makaprotekta ang Pneumococcal conjugate vaccine (PCV) laban sa malubha at mapanirang impeksyon dahil sa mga serotype ng S. pneumoniae na tinataglay ng bakuna. Nasa panganib ang mga bata sa malubha at mapanirang impeksyon ng pneumococcal (hal. meningitis, bacteraemic pneumonia at septicaemia) at pinapayuhang magpabakuna. Sa Hong Kong, kasama ang PCV13 (bakunang nagtataglay ng mga antigen laban sa labingtatlong pneumococci na serotype) sa Programang Pagbabakuna sa mga Bata sa Hong Kong. Makikita ang higit pang mga detalye tungkol sa impeksyon ng pneumococcal sa website ng Centre for Health Protection:
    https://www.chp.gov.hk/en/healthtopics/content/24/10584.html

  2. Kailan dapat mabakunahan ang aking anak?

    Ayon sa rekomendasyon ng The Scientific Committee sa Vaccine Preventable Diseases noong 2019, dapat makatanggap ang mga bata ng 2 pangunahing dosis ng PCV13 sa 2 buwan at 4 na buwan gulang, na sinusundan ng dosis ng booster ng PCV 13 sa 12 buwang gulang.

  3. HINDI dapat makatanggap ng PCV ang mga sumusunod na idibidwal
    • Matinding reaksiyon sa allergy sa nakaraang dosis ng PCV
    • Matinding reaksiyon sa allergy sa bakunang nagtataglay ng diphtheria toxoid
  4. Ano-ano ang masasamang epekto?
    • Walang matinding reaksiyon ang karamihang tao matapos makatanggap ng PCV.
    • Paminsan-minsan maaaring may katamtamang lagnat (kadalasang nangyayari sa loob ng 3 araw pagkatapos ng pagbabakuna) o kaunting pamumula o pamamaga sa paligid ng lugar ng iniksyon, ngunit unti-unti mawawala ang mga ito sa ilang araw. Kung nagpapatuloy ang lagnat o kawalang-ginhawa, o naoobserbahan ang hindi normal na paghinga, mangyaring kumonsulta kaagad sa doktor.
  5. Ilang uri ng PCV ang available sa HK at ano-ano ang kanilang mga proteksyon?

    May higit sa 1 uri ng PCV ang available sa merkado ng Hong Kong ngunit walang isang PCV ang makasasaklaw sa lahat ng serotype ng Streptococcus pneumoniae. Mahahalagang hakbang ang kalinisan sa katawan at kapaligiran sa pag-iwas sa impeksyon ng pneumococcal.

Kung mayroon kayong anumang tanong, mangyaring kontakin ang Maternal & Child Health Centre ng Kagawaran ng Kalusugan.