Bakuna Laban sa Varicella
Impeksyong varicella
Ang varicella (kilala rin bilang chickenpox o bulutong-tubig) ay isang viral na sakit dulot ng virus na varicella-zoster. Labis itong nakahahawa at naikakalat sa pamamagitan ng paglipat ng mga patak mula sa daanan ng hininga o mula sa likido ng paltos ng mga sugat sa balat ng bulutong-tubig o impeksyon ng herpes zoster. May lagnat at makating pantal ang mga apektadong tao. Karaniwang nabubuo ang pantal sa loob ng 5 araw na may pamumuo ng mga paltos at lumilitaw muna sa anit at mukha, pumupunta sa katawan at pagkatapos ay sa mga braso at binti. Pangunahing nangyayari ang pantal sa katawan. Makati ang mga paltos, at pagkatapos ay natutuyo at nagiging langib sa loob ng halos 3 araw. Kadalasang gumagaling ang nahawang mga tao sa loob ng 2 hanggang 4 na linggo.
Kadalasang banayad na sakit sa pagkabata ang varicella. Mas matindi ito sa mga adulto at sa mga indibiduwal anuman ang edad na may mahinang imyunidad. Maaaring magkakumplikasyon ang sakit dahil sa impeksyon sa balat, aseptic meningitis, encephalitis at pulmonya. Maaaring iugnay ang impeksyon sa maagang pagbubuntis sa kapinsalaan sa ipinaglilihing sanggol.
Bakuna Laban sa Varicella
Mabisang maiiwasan ang impeksyon ng bulutong-tubig sa tulong ng bakuna laban sa varicella. Sa Hong Kong, kasama ang bakuna laban sa Varicella sa Programang Pagbabakuna sa Pagkabata sa Hong Kong. Dapat makatanggap ang mga bata ng dalawang dosis ng mga bakunang nagtataglay ng varicella.
A. HINDI dapat tumanggap ng bakuna laban sa Varicella o dapat maghintay ang mga sumusunod na indibidwal
Sa mga Maternal and Child Health Centre, ang uri ng bakuna na nagtataglay ng varicella na ibinibigay sa mga bata ay monovalent varicella vaccine. Hindi dapat makatanggap ang mga taong may sumusunod na kondisyon ng monovalent varicella vaccine o dapat maghintay:
- malubhang reaksyon sa allergy sa dating dosis ng bakuna laban sa Varicella
- alam na karanasan ng matinding allergy sa gelatin o ilang antibayotiko
- mga indibidwal na may mga sumusunod na kondisyon :
- kanser
- nasa pangmatagalang mga corticosteroid
- immunodeficiency
- katamtaman o malubhang biglaang sakit
- tumanggap ng immunoglobulin o iba pang mga produktong dugo (hal. pagsalin ng dugo) sa loob ng nakalipas na 11 buwan
- tumanggap ng iba pang buhay na bakuna sa nakalipas na apat na linggo
- hindi nagamot na aktibong tuberkulosis
- kasaysayan ng pamilya ng sapol sa pagkabata o namamanang immunodeficiency
- pagbubuntis (dapat iwasan ng kababaihang nasa edad ng panganganak ang pagbubuntis sa loob ng tatlong buwan matapos ang pagbabakuna)
B. Ano-ano ang mga masasamang epekto?
- Sa pangkalahatan, ligtas at nakakaya ang monovalent varicella vaccine. Kabilang sa masasamang reaksyon ang sumusunod:
- Mga lokal na reaksyon, gaya ng kirot, pamumula at pantal sa lugar ng iniksyon. Karaniwang banayad at limitado sa sarili ang mga ito.
- Mas madalang na mangyari ang mga sintomas sa sistema ng katawan gaya ng lagnat at pangkalahatang pantal sa balat.
- Iniulat ang mga nakatagong impeksyon na humahantong sa herpes zoster ngunit naging banayad ang karamihan ng kaso at hindi iniuugnay sa mga komplikasyon.
- Dapat iwasan ng mga bata ang pag-inom ng mga salicylate (hal. aspirin) sa loob ng 6 na linggo pagkatapos tumanggap ng bakuna laban sa varicella.
Bihira, maaaring lumipat ang virus na varicella sa bakuna mula sa mga tumanggap ng bakuna na nagkaroon ng pantal na tulad ng varicella sa mga madaling tablan at mataas ang panganib na indibidwal (hal. immunocompromised, mga buntis na walang imyunidad sa bulutong-tubig, mga bagong silang na sanggol ng mga ina na walang imyunidad sa bulutong-tubig, lahat ng bagong silang na sanggol na kulang sa 28 linggo na ipinagbubuntis). Gayunman, hindi kontra para sa isang bata na tumanggap ng bakuna laban sa varicella dahil lang walang indibidwal na mataas ang panganib sa parehong sambahayan. Hindi rin kontra para sa pagbabakuna ng isang bata sa sambahayan ang buntis na ina o iba pang buntis na miyembro ng sambahayan. Walang kinakailangang pag-iingat kasunod ng pagbabakuna ng isang batang hindi nagkaroon ng pantal. Gayunman, kung magkaroon ang bata ng pantal pagkatapos ng pagbabakuna, dapat umiwas sa malapitang kontak ang mga indibidwal na mataas ang panganib sa bata hanggang mawala ang pantal.