Pag-iwas sa mga Nakahahawang Sakit Pabakunahan ang Inyong Anak

(Binago ang nilalaman 12/2019)

Ano ang pagbabakuna?

Ang pagbabakuna ay pagpapakilala ng mga bakuna sa ating mga katawan upang magawa ang antibodies para sa imyunidad laban sa ilang nakahahawang sakit. Maaaring ibigay ang mga bakuna sa pamamagitan ng bibig o iniksiyon.

Bakit kailangan ng mga bata ang pagbabakuna?

Layunin ng pagbabakuna na mapababa ang tsansa na magkaroon ang mga bata ng mga nakahahawang sakit. Bukod dito, kung nabakunahan at hindi tinatablan ang karamihang mga tao, mapababa nito ang panganib ng pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa komunidad, sa gayon mapoprotektahan ang kalusugan ng mga tao at ng komunidad.

Kailan dapat bakunahan ang mga bata?

Dapat simulan ang pagbabakuna mula sa pagsilang, na may mga dosis ng booster na ibibigay para sa ilang bakuna kinalaunan upang mapanatili ang imyunidad.

Bakit kailangan ng mga bata ang mga booster?

Ipinapahiwatig ng siyentipikong ebidensya na bumababa sa paglipas ng panahon ang imyunidad na ginagawa ng ilang bakuna. Kaya, dapat ibigay ang mga dosis ng booster at may pagitan upang mapahusay ang imyunidad.

Ano-anong bakuna ang dapat matanggap ng mga bata at saan sila maaaring mabakunahan?

Gumagawa ng mga rekomendasyon ang Scientific Committee on Vaccine Preventable Diseases (SCVPD) sa ilalim ng Centre for Health Protection (CHP) ng Kagawaran ng Kalusugan (DH) tungkol sa Hong Kong Childhood Immunisation Programme (HKCIP) na nakabatay sa lokal na epidemiyolohiya at siyentipikong ebidensya. Sinusunod ng mga pagbabakunang ibinibigay sa ilalim ng pampublikong sektor ng pangangalaga sa kalusugan ang iskedyul ng HKCIP. Dapat makatanggap ang mga sanggol at bata ng iba't-ibang uri ng mga bakuna at booster upang protektahan sila mula sa tuberculosis, poliomyelitis, hepatitis B, diphtheria, tusperina (pertussis), tetanus, impeksyon ng pneumococcal, bulutong-tubig, tigdas, beke, rubella at kanser sa cervix^. Dahil may sariling programa sa pagbabakuna para sa mga bata ang iba't-ibang bansa at lugar batay sa kanilang epidemiyolohiya, inirerekomenda ng DH na tumanggap ng pagbabakuna ang mga bata sa kanilang lugar na tinitirhan para sa komprohensibong proteksyon laban sa mga nakahahawang sakit sa mga bata.

Maaaring dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak mula pagsilang hanggang limang taong gulang sa alinmang Maternal at Child Health Centres (mga MCHC) ng DH para sa pagbabakuna. Bibisita ang mga tagapagbakuna ng DH sa mga paaralang primarya upang magbigay ng serbisyong pagbabakuna sa mga batang nag-aaral. Maaari ding dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa mga pribadong doktor para sa pagbabakuna.

Mangyaring bisitahin ang www.fhs.gov.hk para sa karagdagang detalye tungkol sa mga serbisyong iniaalok ng mga MCHC at sa pagpapareserba atbp.

Bukod sa mga bakunang kasama sa HKCIP, dapat bang tumanggap ng iba pang bakuna ang mga bata?

Bukod sa nga bakunang iyon na kasama sa HKCIP, maaaring magbigay ng iba pang bakuna ang ilang pribadong doktor at ospital tulad ng bakuna laban sa trankaso, bakuna laban sa Haemophilus influenzae type b, bakuna laban sa meningococcal, bakuna laban sa rotavirus, bakuna laban sa hepatitis A at bakuna laban sa Japanese encephalitis atbp. Maaaring humingi ng payo ang mga magulang mula sa mga pribadong doktor at maaaring ialok ang mga bakuna na nasa labas HKCIP sa mga bata batay sa kanilang indibiwal na mga pangangailangan sa kalusugan.

Maaari bang mabakunahan ang mga batang may ubo o sipon?

Sa pangkalahatan, kung may mga nabanggit na sintomas ang bata ngunit nagagawang kumain, maglaro at matulog nang maayos na may normal na gawi sa pagdumi, maaaring mabakunahan ang bata. Kung nag-aalala ang mga magulang, maaaring ipagpaliban ang pagbabakuna ng ilang araw upang magkaroon ng sapat na panahon upang maobserbahan ang kondisyon ng bata. Kung may lagnat ang bata, dapat munang dalhin ng magulang ang anak sa General Out-patient Clinic o pribadong klinika ng practitioner at hayaang gumaling ang bata bago tumanggap ng pagbabakuna.

Sa ilalim ng ano-anong pangyayari maaaring kailanganin hindi ibigay ang pagbabakuna?

Maaaring makatanggap ng pagbabakuna ang karamihan ng mga bata. Sa ilalim ng ilang pangyayari, maaaring kailanganing hindi ibigay ang pagbabakuna o kailangan ang espesyal na pagsasaayos. Kung may sumusunod na (mga) kondisyon ang inyong anak, dapat kayong humingi ng payong medikal bago siya pabakunahan.

  1. Anumang mga kondisyon ng immunodeficiency:
    • Immunodeficiency mula sa pagkabata
    • Lukemya, kanser
    • Malubhang sakit na may pangmatagalang gamutan, hal. radiotherapy, chemotherapy o pag-inom ng mga corticosteroid.
  2. Karanasan ng matinding reaksyon sa nakaraang bakuna.
  3. Karanasan ng matinding hypersensitivity sa anumang antibayotiko o substansya.
  4. Iba pang kondisyon na na-diagnose ng mga doktor na hindi angkop para sa pagbabakuna.

Kung nakalipas o nakaligtaan ang petsa ng iskedyul ng pagbabakuna, ano ang dapat gawin ng mga magulang?

Dapat magreserba ng appointment ang mga magulang sa rehistradong MCHC o pribadong klinika ng practitioner upang matanggap ang nakaligtaang bakuna sa lalong madaling panahon.

Ano-ano ang mga reaksyon pagkatapos ng pagbabakuna? Paano dapat pamahalaan ng mga magulang ang mga reaksyong ito?

Karaniwang banayad ang mga reaksyon pagkatapos ng pagbabakuna. Kabilang dito ang mababang lagnat, pagkahilo at kaunting pamamaga o pamumula sa paligid ng lugar ng iniksiyon. Maaaring bigyan ng mga magulang ang bata ng paracetamol (huwag gumamit ng Aspirin) ayon sa mga tagubiling ibinigay ng propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan para sa lagnat o mawala ang kirot. Maaari ding maglagay ang mga magulang ng malamig na tuwalya sa masakit na bahagi upang maibsan ang kawalang-ginhawa. Kung nagpapatuloy na magkaroon ng kaselanan ang bata na tumatagal ng higit sa 24 na oras, nagkakaroon ng lagnat na 40 °C (104°F) o mas mataas, o nadaragdagan ang pamamaga at pananakit sa lugar ng iniksiyon pagkatapos ng 24 na oras, dapat humingi ng medikal na atensyon.

Ano ang mga matinding masamang reaksyon? Ano ang dapat gawin ng mga magulang?

Napakabihira ang pagkakaroon ng matitinding masamang reaksyon pagkatapos ng pagbabakuna. Kabilang sa mga palatandaan at sintomas ang pamumutla, mabilis na pulso, hirap na paghinga, pantal sa balat at pagkawala ng malay-tao na nangyayari sa loob ng ilang minuto hanggang ilang oras pagkatapos ng pagbabakuna.

Dapat dalhin ng mga magulang ang anak na may mga sintomas na nabanggit sa itaas sa Accident and Emergency Department kaagad upang magamot, at ipaalam sa doktor ang tungkol sa uri ng bakunang natanggap at ang petsa ng pagtanggap ng bakuna.

Ano ang dapat gawin ng mga magulang sa mga rekord ng pagbabakuna pagkatapos makumpleto ng anak ang lahat ng pagbabakuna sa pagkabata?

Isang napakahalagang dokumento ang rekord ng pagbabakuna at dapat itago ito nang ligtas ng mga magulang.

Programang Pagbabakuna sa Pagkabata sa Hong Kong

Edad/Baitang Inirekomendang Pagbabakuna
Bagong silang Bakuna Laban sa Bacille Calmette-Guérin (BCG)
Bakuna Laban sa Hepatitis B - Unang Dosis
1 buwan Bakuna Laban sa Hepatitis B - Pangalawang Dosis
2 buwan Bakuna Laban sa DTaP-IPV - Unang Dosis
Bakuna Laban sa Pneumococcal - Unang Dosis
4 buwan Bakuna Laban sa DTaP-IPV - Pangalawang Dosis
Bakuna Laban sa Pneumococcal - Pangalawang Dosis
6 buwan Bakuna Laban sa DTaP-IPV - Pangatlong Dosis
Bakuna Laban sa Hepatitis B - Pangatlong Dosis
12 buwan Bakuna Laban sa Tigdas, Beke at Rubella (MMR) – Unang Dosis
Bakuna Laban sa Pneumococcal - Booster na Dosis
Bakuna Laban sa Varicella - Unang Dosis
18 buwan

Bakuna Laban sa DTaP-IPV - Booster na Dosis
Bakuna Laban sa Tigdas, Beke, Rubella at Varicella (MMRV) - Pangalawang Dosis*

Primary 1 Bakuna Laban sa Tigdas, Beke, Rubella at Varicella (MMRV) - Pangalawang Dosis*
Bakuna Laban sa DTaP-IPV - Booster na Dosis
Primary 5 Bakuna Laban sa Human Papillomavirus - Unang Dosis^
Primary 6 Bakuna Laban sa dTap-IPV - Booster na Dosis
Bakuna Laban sa Human Papillomavirus - Pangalawang Dosis^

Bakuna Laban sa DTaP- IPV: Bakuna Laban sa Diphtheria, Tetanus, acellular Pertussis at Hindi Aktibong Poliovirus

Bakuna Laban sa dTaP- IPV: Bakuna laban sa Diphtheria (binawasang dosis), Tetanus, acellular Pertussis (binawasang dosis) at Hindi Aktibong Poliovirus

* Makatatanggap ng bakuna laban sa MMRV ang mga batang isinilang sa o pagkatapos ng 1.7.2018 sa edad na 18 buwang gulang sa Maternal and Child Health Centres. Makatatanggap ng bakuna laban sa MMRV sa Primary 1 ang mga batang isinilang sa pagitan ng 1.1.2013 at 30.6.2018.

^ Simula sa 2019/20 taon ng paaralan, makatatanggap ng unang dosis ng bakuna laban sa 9-valent HPV ang mga karapat-dapat na mag-aaral na babae sa Primary 5 at ang pangalawang dosis naman ay kapag tumuntong sila sa Primary 6 sa susunod na taon ng paaralan.

Tandaan na magsaayos ng follow-up ng pagbabakuna ng inyong anak kung aalis kayo sa Hong Kong.

Mangyaring tumawag sa 24-na oras ng Hotline ng Impormasyon 2112 9900 upang ma-access ang mga address at numero ng telepono ng mga MCHC.

Para sa higit pang impormasyon sa kalusugan, mangyaring tumawag sa aming Linya ng Impormasyon para sa Edukasyong Pangkalusugan (Cantonese, English at Putonghua) sa 2833 0111 o bisitahin ang website ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya, Kagawaran ng Kalusugan sa http://www.fhs.gov.hk.