Mga Pahiwatig para sa mga Magulang - Naririnig ba kayo ng inyong SANGGOL?
Narito ang checklist ng ilan sa karaniwang mga palatandaan na maaari ninyong tingnan sa unang taon ng inyong sanggol:
Ilang sandali matapos ang pagsilang
Dapat mabigla ang inyong sanggol sa biglang malakas na ingay gaya ng palakpak ng kamay o pagsara ng pinto at dapat kumurap o idulat ang kanyang mga mata sa mga naturang tunog.
Oo □ Hindi □
Sa 1 Buwan
Dapat nagsisimula na ang inyong sanggol na mapansin ang mga bigla at matagal na tunog gaya ng ingay ng vacuum cleaner at dapat siyang huminto at makinig sa mga ito kapag nagsimula ang mga ito.
Oo □ Hindi □
Sa 4 na Buwan
He should quieten or smile to the sound of your voice even when he cannot see you. He may also turn his head or eyes towards you if you come up from behind and speak to him from the side.
Oo □ Hindi □
Sa 7 Buwan
Dapat siyang lumingon kaagad sa inyong boses mula sa kuwarto o sa mga napakahinang ingay na ginawa sa bawat gilid kung hindi siya abala sa ibang mga bagay.
Oo □ Hindi □
Sa 9 na Buwan
Dapat siyang makinig nang mabuti sa mga pamilyar na pang-araw-araw na tunog at hanapin ang mga napakatahimik na tunog na ginawa nang hindi niya nakikita. Dapat din siyang magpakita ng kagalakan sa pagngawa nang malakas at may tono.
Oo □ Hindi □
Sa 12 Buwan
Dapat siyang magpakita ng ilang pagtugon sa sarili niyang pangalan at sa ibang pamilyar na mga salita. Maaari din siyang tumugon kapag sinasabi ninyo ang ‘hindi’ at ‘bye bye’ kahit hindi siya nakakakita ng anumang kasabay na kilos.
Oo □ Hindi □
Kung naghihinala kayo na hindi nakakarinig nang normal ang inyong sanggol, alinman dahil hindi ninyo masagot ng 'oo' ang mga item sa itaas o para sa iba pang mga kadahilanan, mangyaring humingi ng payo mula sa inyong provider ng pangangalaga ng kalusugan.
Muling ginawa mula sa “Naririnig ba kayo ng inyong sanggol?” na may pahintulot ni Professor Barry McCormick, Queen's Medical Centre, University Hospital, Nottingham, UK