Gabay sa Pagtatatag ng mga Lugar na Mainam sa Pagpapasuso

(Binago ang nilalaman 06/2015)

Creating a Breastfeeding Friendly Environment for Mothers and Babies

Kilalang-kilala ang mga pakinabang ng pagpapasuso ng gatas ng ina sa mga sanggol, ina at sa komunidad. Mas matagal na pinasuso ang sanggol, mas maraming pakinabang sa kalusugan ng mga ina at kanilang mga sanggol. Kaya, sa ngayon, gusto ng karamihang ina na pasusuhin ang kanilang mga sanggol hangga't pinapayagan ng mga pangyayari. Paminsan-minsan, lumalabas ang mga nagpapasusong ina kasama ang kanilang mga anak sa pagpunta sa mga shopping mall, restawran, café at mga pasilidad ng libangan; at gumagamit ng mga sistema ng pampublikong transportasyon. Madalas na kailangang direktang pasusuhin ang kanilang mga anak sa mga pampublikong lugar na ito. Habang positibo ang karamihan sa kanilang mga karanasan, nakakita ang mga ina ng mga bagay na dapat pagbutihin sa pag-uugali ng mga tauhan at mga pasilidad sa ilang lugar. Mas sumusuporta ang komunidad, kabilang ang mga lugar na pampubliko sa pagiging mainam sa pagpapasuso, kung mas matagal na binibigyang-daan ang mga ina na magpasuso, mas magiging malusog ang mas maraming bata.

Ano ang “Mga Lugar na Mainam sa Pagpapasuso”?

Ayon sa isang survey na isinagawa ng Kagawaran ng Kalusugan noong 2013, halos 60% ng mga ina ang direktang nagpasuso sa publiko upang angkop na tumugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga sanggol. Bukod dito, nagpahayag ang mga ina na hindi kailanman nagpasuso sa publiko na gusto nilang gawin iyon.

Ang "Mga Lugar na Mainam sa Pagpapasuso" ay isang lugar kung saan nararamdaman ng mga inang nagpapasuso at kanilang mga pamilya na malugod silang tinatanggap at sinusuportahan sa pagpapasuso anumang oras, saanman. Narito ang mga inirerekomendang sumusuportang hakbang upang sundin ng mga tauhan:

  • Igalang ang kalayaan ng ina na piliin kung saan magpapasuso;
  • Huwag istorbohin ang isang ina na nagpapasuso, hal. huwag hingin na magtago, huminto, o lumipat sa ibang lugar;
  • Mag-alok ng angkop na lugar sa isang ina na gusto ng mas pribadong lugar para magpasuso, hangga't praktikal, hal. isang tagong upuan na malayo sa pasukan;
  • Maging sumusuporta sa mga pangangailangan ng mga nagpapasusong ina at mga sanggol, hal. ipaliwanag sa ibang customer ang tungkol sa sitwasyon.

Hindi tama na sabihin sa mga ina na magpasuso sa kanilang mga sanggol sa mga palikuran!!

Ano-ano ang mga benepisyo sa mga Kompanya/ Negosyo sa Pagtatatag ng “Lugar na Mainam sa Pagpapasuso”?

Isang de-kalidad na serbisyo sa customer ang paggawa ng inyong lugar na mainam sa pagpapasuso na pinagaganda ang imahe ng kompanya at nagkakamit ng pagkilala ng publiko. Hahanga rin ang iba pang customer sa magiliw at matulunging pag-uugali ng mga tauhan sa mga nagpapasusong ina at sa kanilang mga pamilya. Mabilis na kumakalat ang mabuting balita. Maisasapubliko nang libre ang negosyo sa pamamagitan ng mga rekomendasyon ng mga ina sa kanilang mga pamilya at kaibigan.

Mga Kadalasang Itinatanong

Tanong 1: Patataasin ba nang malaki ng pagtatatag ng "Mga Lugar na Mainam sa Pagpapasuso" ang aming mga gastusin sa operasyon?

Sagot 1: Hindi. Walang direktang gastos na pananalapi sa paggawa sa inyong mga pampublikong lugar na mainam sa pagpapasuso. Nais ng karamihang ina na magkaroon ng kapaligirang gagawin silang maginhawa kapag nagpapasuso. Hinahanap ng mga ina ang magiliw at sumusuportang pag-uugali ng mga tauhan at iba pang customer.

Tanong 2: Kailangan ba naming magbigay ng isang kuwarto para sa nagpapasusong ina?

Sagot 2: Hindi kailangan. Magiging mainam ang isang kuwarto para sa pagpapasuso. Kung may espasyong magagamit upang magbigay ng kuwarto para sa pag-aalaga ng sanggol, maaari kayong sumangguni sa tala sa pagsasanay, "Pagbibigay ng mga Kuwarto sa Pag-aalaga ng Sanggol sa mga Gusaling Komersyal", inilabas ng Kagawaran ng mga Gusali (Buildings Department) para sa mga inirerekomendang pasilidad sa http://www.bd.gov.hk/english/documents/pnap/ADV/ADV032.pdf.

Kung walang magagamit na kuwarto, maaari ninyong isaayos ang isang lugar na may mas maraming privacy, o magkaroon ng ilang magagamit na impormasyon sa malapit na mga pasilidad sa pagpapasuso para gamitin ng mga inang nangangailangan. Sa katotohanan, gusto ng maraming nagpapasusong ina na ipagpatuloy ang kanilang mga aktibidad sa lipunan habang nagpapasuso, hal. pagkain kasama ang mga kapamilya, pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan, kaya hindi talaga iniuutos ang mga espesyal na pagsasaayos para sa mga nagpapasusong ina. Pinakamahalagang bagay ang igalang ang kalayaan ng ina na piliin kung saan magpapasuso.

Tanong 3: Paano kokontrolin ang sitwasyon kapag nababahala ang ilang customer sa pagkakita sa isang ina na nagpapasuso?

Sagot 3: Karaniwang walang ikinababahala ang mga customer sa pagkakita sa isang ina na nagpapasuso. Maaaring ipaliwanag ng tauhan sa nababahalang mga customer na natural na paraan ang pagpapasuso upang pakainin ang sanggol. Kapag nagugutom ang isang bata, kailangan ng ina na tumugon sa kanyang pangangailangan. Kung kinakailangan, maaari kayong ialok sa customer ang isang upuan na malayo mula sa nagpapasusong ina upang maiwasan ang pagkapahiya, o humingi ng tulong mula sa mas may karanasang tauhan upang pangasiwaan ang sitwasyon.

Magsimula tayo. Suportahan ang pagpapasuso sa paggawa ng inyong mga lugar na mainam sa pagpapasuso ngayon!

  • Hakbang 1

    Bumuo ng nakasulat na patakaran ng organisasyon tungkol sa "Mga Lugar na Mainam sa Pagpapasuso", na magpapahusay sa komunikasyon sa mga tauhan at mga customer, at iayon ang mga gawi. Mangyaring tingnan ang halimbawang patakaran bilang sanggunian.

  • Hakbang 2

    Tukuyin ang mga lugar na may mas pribadong kalagayan sa lugar para sa mga ina na gustong magpasuso nang pribado at ipaalam ang mga lugar na ito sa lahat ng tauhan.

  • Hakbang 3

    Susi ang pagsasanay sa mga tauhan sa matagumpay na pagpapatupad ng mga hakbang sa mainam na pagpapasuso. Ipaalam sa bawat miyembro ng tauhan ang tungkol sa patakaran at mga gawi ng organisasyon sa mga lugar na mainam sa pagpapasuso. Siguraduhin na pamilyar ang mga tauhan sa patakaran, alam ang mga lugar na may mas pribadong katayuan, at tiwala sa pamamahala ng mga karaniwang pangyayari.

  • Hakbang 4

    Sa pagsasapubliko ng inyong mga lugar na mainam sa pagpapasuso, malalaman ito ng mga nagpapasusong ina at gagamitin ito kapag kinakailangan. At, malalaman ng iba pang customer na malugod na tinatanggap ang mga ina na magpasuso saanman sa lugar. Maaari ninyong isapubliko sa iba't ibang paraan, hal. pag-aanunsyo sa website o social media ng inyong organisasyon, at/ o paglalagay ng karatula ng malugod na pagtanggap ("Maaari kayong magpasuso") sa mga lugar na mabilis makita sa pasukan at sa loob ng lugar.

Halimbawa ng Patakaran

Patakaran sa "Mga Lugar na Mainam sa Pagpapasuso"

Kinikilala ng aming Organisasyon (o Kompanya) na natural na paraan ang pagpapasuso upang pakainin ang mga sanggol at maliliit na bata. Tinatanggap namin at sinusuportahan ang mga ina upang magpasuso sa mga pampublikong lugar ng aming gusali.

Nilalayon ng patakarang ito na suportahan ang mga ina na magpasuso sa publiko. Dapat ipaalam sa lahat ng tauhan ang tungkol sa patakarang ito upang masiguro na may kaalaman sila tungkol dito.

Gagawin ng lahat ng tauhan ang mga sumusunod na aksyon upang suportahan ang patakarang ito:

  1. Igagalang ang kalayaan ng mga nagpapasusong ina sa pagpili kung saan magpapasuso; hindi nangangahulugan ang pagkakaroon ng kuwarto sa pagpapasuso na dapat niyang piliin ang paggamit ng kuwarto.
  2. Huwag istorbohin ang nagpapasusong ina, hingin sa kanya na magtakip o lumipat sa ibang lugar maliban kung may ikinababahala sa kaligtasan o pagharang sa labasan/ daanan.
  3. Mag-alok ng angkop na lokasyon (hal. isang upuan ang layo mula sa pangunahing trapiko, isang tagong sulok, isang kuwarto sa pagpapasuso, o malapit na pasilidad sa pag-aalaga ng sanggol sa komunidad) kung gusto ng ina na magkaroon ng mas pribadong kalagayan sa pagpapasuso, hangga't praktikal. Hindi angkop na lugar ang mga palikuran o restroom sa pagpapasuso sa mga sanggol at hindi dapat ialok.
  4. Suportahan ang mga nagpapasusong ina na nangangailangan, hal. ipaliwanag sa iba pang kliyente ang tungkol sa patakaran sa mainam na pagpapasuso at ang mga pangangailangan ng mga sanggol na pasusuhin.

Mga Mapagkukunan tungkol sa Pagpapasuso mula sa Kagawaran ng Kalusugan

Impormasyon tungkol sa Pagpapasuso ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya ng Kagawaran ng Kalusugan

http://s.fhs.gov.hk/xknkz

Impormasyon mula sa Unicef

Maaaring magbigay ng espasyo at tulong ang mga pampublikong espasyo upang tulungan ang mga ina na magpatuloy sa pagpapasuso

Ipangako ang inyong suporta sa mga nagpapasusong ina ngayon.

www.SayYesToBreastfeeding.hk

Makipag-ugnayan sa amin upang matuto ng higit pa

Tel: 2833 6139

E-mail: bf@unicef.org.hk

#SayYesToBreastfeeding