Gabay ng Employer - sa Pagtatatag ng Lugar ng Trabaho na Mainam sa Pagpapasuso
Pagsasama ng Pagpapasuso at Trabaho
Masustansya ang gatas ng ina at nagtataglay ng iba't ibang antibodies at mga immune cell para sa pag-iwas sa mga sakit. Mas maraming benepisyo ang idinudulot nito sa mga sanggol at maliliit na bata kaysa sa gatas na pormula. Tumutulong din ang pagpapasuso sa mga ina na mabawasan ang panganib ng kanser sa suso at obaryo. Eksklusibong inirerekomenda ng World Health Organization ang pagpapasuso sa mga sanggol hanggang anim na buwang gulang at unti-unting pagpapakilala ng matigas na pagkain habang ipinagpapatuloy ang pagpapasuso hanggang dalawang taong gulang o pasulong.
Sa tumaas na kaalaman sa pagpapasuso sa mga pamilya sa Hong Kong at ang pagpapatupad ng isang serye ng mga sumusuportang hakbang ng Kagawaran ng Kalusugan, dumami ang porsiyento ng mga inang nagpapasuso sa kanilang mga bagong silang na sanggol mula 66% isang dekada na ang nakalipas hanggang 86% noong 2014.1 Gayunman, itinuturo ng mga lokal na pag-aaral na ang pangunahing dahilan kung bakit humihinto ang mga ina sa pagpapasuso sa unang tatlong buwan pagkatapos manganak ay ang “pagbalik sa lugar ng trabaho”.2 Ikinokomento ng maraming nagtatrabahong ina na mahirap kumuha ng gatas sa dibdib sa lugar ng trabaho kahit na gusto nilang ipagpatuloy ang pagpapasuso sa kanilang mga sanggol.3
1Mga regular na mga ulat na natanggap ng Kagawaran ng Kalusugan mula sa lahat ng yunit ng pagiging ina ng mga pampubliko at pampribadong ospital sa Hong Kong.
2Tarrant M et al. Mga gawi sa pagpapasuso at pagsasanay sa mga ina na taga-Hong Kong: isang maaasahang pag-aaral. BMC Pregnancy and Childbirth 2010 10:27.
3Tarrant M, Dodgson JE, Tsang SF: Pagsisimula at pagpapanatili ng pagpapasuso sa Hong Kong: mga kaugnay na impluwensya sa mga karanasan ng mga bagong ina. Nurs Health Sci 2002, 4(4):189-199.
Ano ang “Lugar ng Trabaho na Mainam sa Pagpapasuso”?
Ang “Lugar ng Trabaho na Mainam sa Pagpapasuso” ay kung saan nagbibigay ang isang organisasyon o kompanya ng angkop at mainam na lugar para sa kanilang mga empleyadong nagpapasuso upang kumuha ng gatas sa dibdib sa lugar ng trabaho upang maipagpatuloy ang pagpapasuso sa kanilang mga anak. Dapat angkop ang sumusunod na tatlong hakbang:
- Pagpayag sa mga lactation break (halos dalawang 30-minutong pahinga sa panahon ng walong oras na shift) para sa paglalabas ng gatas mula sa dibdib para sa hindi bababa sa isang taon pagkatapos manganak, at upang umangkop sa isang naibabagay na pamamaraan pagkatapos.
- Pagbibigay ng espasyo na may privacy, isang angkop na upuan, isang mesa at de-kuryenteng socket para sa pagkakabit ng mga breastmilk pump; at
- Paglalaan ng isang refrigerator para sa pag-iimbak ng gatas ng ina (maaari ang refrigerator sa pantry).
Ano-ano ang mga benepisyo sa mga organisasyon o kompanya ng Pagtatatag ng “Lugar ng Trabaho na Mainam sa Pagpapasuso”?
Friendly Workplace”?
Mahalagang kayamanan ng mga organisasyon at kompanya ang mga yamang-tao. Sa pagtatangkang mang-akit at magpanatili ng mga talento, maraming employer ang nagbibigay ng malalaking karagdagang benepisyo at pagsasanay bukod pa sa malalaking sahod. Isa sa mga karagdagang benepisyo na angkop sa lipunan sa panahon ngayon ay ang pagtanggap sa pagpili ng mga empleyado na magpatuloy na magpasuso sa lugar ng trabaho sa mainam na paraan. Mababawasan nitong mga hakbang na mainam sa pamilya ang mga pagpapalit ng mga babaeng empleyado kabilang ang mga empleyadong may karanasan na. Ipinahihiwatig ng mga pag-aaral sa ibang bansa na mas malusog ang mga batang pinasuso, mas kaunti ang ginagawang pagliban ng mga magulang para sa pag-aalaga ng maysakit na mga anak at nahaharap sa hindi rin gaanong presyur.4
Bilang karagdagan sa laging panalong sitwasyon para sa mga employer at empleyado, makatutulong ang pagpapatupad ng mga hakbang ng "Lugar ng Trabaho na Mainam sa Pagpapasuso" na mapahaba ang tagal ng pagpapasuso ng mga sanggol at maliliit na bata, itataguyod ang pangkalahatang kalusugan ng ating lipunan at mababawasan ang mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan.
4U.S. Kagawaran ng Kalusugan at mga Serbisyong Pantao. Ang Kaso ng Negosyo para sa Pagpapasuso. Mga Hakbang para sa Paglikha ng isang Lugar ng Trabaho na Mainam sa Pagpapasuso: Para sa mga Tagapamahala ng Negosyo. 2008.
Pagsasagawa
Mahalaga ang naiaangkop na pagsasaayos at magandang komunikasyon sa pagpapatupad ng mga hakbang ng "Lugar ng Trabaho na Mainam sa Pagpapasuso". Kailangan ang magandang komunikasyon sa pagitan ng pangasiwaan, mga empleyadong nagpapasuso at iba pang katrabaho upang makamit ang pagkakaunawaan ng bawat isa at maayos na koordinasyon.
-
Bumuo ng Nakasulat na Patakaran
Bumuo ng nakasulat na patakaran ng organisasyon tungkol sa "Lugar ng Trabaho na Mainam sa Pagpapasuso", na magpapahusay sa komunikasyon sa pagitan ng pangasiwaan at tauhan, at iayon ang mga gawi sa lugar ng trabaho. Mangyaring sumangguni sa "Halimbawa ng Patakaran".
-
Mga Lactation Break
Pagpapasuso ang natural na paraan upang pakainin ang isang sanggol. Alinsunod sa espiritu ng International Labour Organisation (ILO) Convertion,5 dapat isama ang lactation break sa mga oras ng trabaho at suwelduhan nang naaayon. Ang sumusunod ang mga inirerekomendang magagandang hakbang:
- Payagan ang dalawang 30-minutong lactation break o isang oras sa kabuuan para sa isang walong-oras na araw ng trabaho;
- Inirerekomenda ang mga lactation break na bilangin bilang "bayad" na oras ng paggawa;
- Hindi inaasahan ang mga empleyado na bumawi para sa oras na ginamit para sa pagkuha ng gatas; at
- Hindi kailangan ang katibayan ng katayuan ng pagpapasuso sa pagpapahintulot ng mga lactation break.
5Kombensyon sa Proteksyo ng Pagiging Ina ng ILO, 2000 (Blg. 183) at Rekomendasyon Blg. 191. International Labour Organization, ILO
-
Mga Pasilidad para sa Pagkuha ng Gatas
Maaaring gamitin nang naaangkop ang mga umiiral na mapagkukunan upang bigyan ang mga empleyado ng lugar sa pagkuha ng gatas nang may privacy. Nasa ibaba ang ilang halimbawa ng mga pagsasaayos:
- Magbigay ng kuwarto para sa lactation para sa mga empleyado;
- Gamitin ang mga umiiral na kuwarto gaya ng mga conference room, multifunction room o kuwarto ng pagpapalit nang pansamantala para sa pagkuha ng gatas;
- Maglagay ng screen o kurtina sa isang nakahiwalay na sulok para sa pagkuha ng gatas at mag-display ng karatula gaya ng "nagpapahinga ang ina, pakihintay"; o
- Payagan ang mga empleyado na bumisita sa malapit na mga pasilidad sa pag-aalaga ng sanggol sa komunidad sa panahon ng mga lactation break.
Gayunman, lubos na hindi angkop ang mga palikuran o restroom dahil sa mga dahilang pangkalinisan.
Kailangan ang mga sumusunod na pasilidad at hakbang sa isang lugar ng pagkuha ng gatas:
- Isang upuan na may sandalan upang upuan ng mga ina na nagpapasuso kapag kumukuha ng gatas;
- Isang maliit na mesa para sa paglalagay ng kagamitang kailangan sa panahon ng pagkuha ng gatas;
- Isang socket ng kuryente; at
- Maaari ding isaalang-alang ang iba pang pasilidad gaya ng likidong sabon, dumadaloy na tubig at lababo pati na rin mga locker.
-
Mga Pasilidad na Refrigerator para sa Pagtatabi ng Gatas ng Ina
Katangian ng gatas ng ina ang mga sangkap nitong mga panlaban sa bakterya. Karaniwang ligtas ang pagtatabi sa isang refrigerator o isang malamig na kahon. Ilagay lang ang nakuhang gatas sa isang kahon na nakalagay sa loob ng refrigerator ng pantry. Hindi kailangan ang hiwalay na refrigerator.
Mga Kadalasang Itinatanong
Tanong 1: Paano suportahan ang mga empleyadong nagpapasuso sa mga tungkulin sa labas?
Sagot 1: Nakadepende ang matagumpay na pagpapatupad ng hakbang ng "Lugar ng Trabaho na Mainam sa Pagpapasuso" sa isang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga employer at empleyado. Dapat talakayin ng mga employer sa mga empleyado ang tungkol sa kanilang mga pangangailangan. Maaari nilang isaayos nang angkop ang oras ng trabaho sa labas ng mga empleyado o isaalang-alang ang mga pagsasaayos gaya ng mga halimbawas sa ibaba:
- Payagan ang mga empleyado na gumamit ng malapit na mga pasilidad sa pag-aalaga ng sanggol; o
- Isaayos ang mga alternatibong pagtatalaga para sa mga empleyadong nagpapasuso upang bigyang-daan silang magpatuloy sa pagkuha ng gatas habang nasa trabaho.
Maaaring unti-unting bawasan ang mga ganitong naiaangkop na kaayusan kapag lumalaki na ang mga sanggol.
Tanong 2: Paano tutugon kung mas maraming lactation break o mas matagal na pahinga ang hiniling ng mga empleyadong nagpapasuso?
Sagot 2: Maaaring kailangan ng ilang nagpapasusong ina ng mas maraming pahinga o mas matagal na pahinga upang kumuha ng gatas, gaya ng mga ina na bumalik sa trabaho kamakailan. Magtatagal sila upang makaangkop sa bagong kapaligiran ng pagkuha ng gatas. Maaaring isaalang-alang ng mga ina na ito ang paggamit ng kanilang libreng oras upang kumuha ng gatas gaya ng oras ng pananghalian, oras bago o pagkatapos ng oras ng trabaho. Bukod dito, maaari silang humingi ng payo mula sa mga propesyonal sa medisina tungkol sa mga alalahanin kaugnay ng pagpapasuso.
Tanong 3: Paano harapin ang mga posibleng karaingan ng iba pang empleyado?
Sagot 3: Maaaring ituring ng ilang empleyado ang mga hakbang bilang hindi patas, halimbawa, ang pangangailangan na gawin ang mga gawain o tungkulin ng mga nagpapasusong empleyado sa panahon ng mga lactation break at hindi pagkakaroon ng katulad na oras ng pahinga. Sa kabutihang-palad, ipinahihiwatig ng karanasan sa ibang bansa na sumusuporta ang karamihang empleyado, anuman ang kanilang kasarian, sa pagpapatupad ng mga hakbang na mainam sa nagpapasuso sa mga lugar ng trabaho.
Padadaliin ang matagumpay na pagpapatupad ng madalas at bukas na komunikasyon sa pagitan ng pangasiwaan, mga nagpapasusong empleyado at ang iba pang tauhan, ipinaaalam ang pansamantalang kalikasan ng mga hakbang at ang mga pangmatagalang benepisyo para sa maraming partido.
Tanong 4: Kung nagpapasuso ang isang empleyado sa mahigit sa isang taon, kailangan ba ng employer na magpatuloy na magbigay sa kanya ng dalawang lactation break kada araw?
Sagot 4: Kapag umabot na sa isang taon ang mga bata, kumakain na sila ng iba't ibang pagkain. Mababawasan nang naaayon ang pang-araw-araw na pag-inom ng gatas at ang dalas ng pagpapasuso o ang mga pagkuha ng gatas. Sa yugtong ito, kailangan lang ng karamihang nagpapasusong mga ina ng isang lactation break sa isang araw. Maaaring isaayos nang naaangkop ng employer na pagbigyan ang mga pangangailangan ng mga empleyado para sa patuloy na pagpapasuso.
(Halimbawa ng Patakaran)
Patakaran sa "Lugar ng Trabaho na Mainam sa Pagpapasuso"
Kinikilala ng aming Organisasyon (o Kompanya) ang pagpili ng mga empleyado na magpasuso, tinatanggap at sinusuportahan ang mga empleyadong bumabalik sa trabaho matapos manganak upang magpatuloy sa pagpapasuso.
Nilalayon ng Patakaran na magbigay ng angkop at mainam na kapaligiran para sa mga empleyadong nagpapasuso upang nakaayon ang pagpapasuso sa trabaho. Dapat ipaalam sa lahat ng empleyado tungkol sa Patakarang ito upang masiguro na may kaalaman sila tungkol dito.
-
Mga Naglilihing Ina
Talakayin sa pangasiwaan sa lalong madaling panahon ang tungkol sa kanilang mga nais na magpatuloy sa pagpapasuso matapos bumalik sa trabaho, upang mapadali ang magandang paghahanda ng parehong partido sa maginhawang balangkas ng oras.
-
Tauhan ng Pangasiwaan
Isaalang-alang ang praktikal na sitwasyon at magbigay ng angkop at mainam na kapaligiran kasama ang mga pangunahing hakbang na nasa ibaba:
- Pagpayag sa mga lactation break (halos dalawang 30-minutong pahinga sa panahon ng walong oras na shift) para sa paglalabas ng gatas mula sa dibdib para sa hindi bababa sa isang taon pagkatapos manganak, at upang umangkop sa isang naibabagay na pamamaraan pagkatapos;
- Pagbibigay ng espasyo na may privacy, isang angkop na upuan, isang mesa at de-kuryenteng socket para sa pagkakabit ng mga breastmilk pump; at
- Paglalaan ng refrigerator para sa pag-iimban ng gatas ng ina.
-
Mga Katrabaho
Tanggapin at suportahan ang mga pinili ng mga katrabaho na bumabalik sa trabaho matapos manganak na magpatuloy sa pagpapasuso.
Maaaring i-browse ng mga empleyadong nais kumuha ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa pagpapasuso at payo ng propesyonal ang mga mapagkukunang ibinigay ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya ng Kagawaran ng Kalusugan gaya ng nasa ibaba:
- Gabay ng Empleyado sa Pagpapasuso habang Nagtatrabaho: http://s.fhs.gov.hk/i9uvr
- Mga Maternal and Child Health Centre: Serbisyong Pagpapayo sa Pagpapasuso
Mga Mapagkukunan tungkol sa Pagpapasuso mula sa Kagawaran ng Kalusugan
Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapasuso, mangyaring i-browse ang website ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya ng Kagawaran ng Kalusugan sa www.fhs.gov.hk:
- Impormasyong Pangkalusugan tungkol sa Pagpapasuso
http://s.fhs.gov.hk/xknkz - Mga Pasilidad sa Pag-aalaga ng Sanggol sa mga Gusali ng Gobyerno
http://s.fhs.gov.hk/enwss - Gabay ng Empleyado sa Pagpapasuso habang Nagtatrabaho
http://s.fhs.gov.hk/i9uvr
Impormasyon mula sa Unicef
Maaaring magbigay ng oras, espasyo at tulong ang inyong kompanya / organisasyon upang tulungan ang mga ina na magpatuloy sa pagpapasuso.
Ipangako ang inyong suporta sa mga nagpapasusong ina ngayon.
Makipag-ugnayan sa amin upang matuto ng higit pa
Tel: 2833 6139
E-mail: bf@unicef.org.hk
#SayYesToBreastfeeding