Gabay sa Pagtatatag ng mga Lugar na Mainam sa Pagpapasuso

(Binago ang nilalaman 03/2016)

Napatunayan na nakabubuti sa kalusugan ng mga sanggol at ina ang pagpapasuso. Mas matagal na pinasuso ang sanggol, mas maraming pakinabang sa kalusugan ng mga ina at kanilang mga sanggol. Ayon sa rekomendasyon ng World Health Organization, dapat pasusuhin lamang ang sanggol sa unang anim na buwan at patuloy na pasusuhin hanggang dalawang taon o higit pa habang sinisimulang magdagdag ng matitigas na pagkain sa kanilang diyeta. Talagang mahirap pagtugmain ang pagpapasuso at trabaho para sa mga nagtatrabahong mga ina. Gayunman, hindi magiging hadlang ang pagbabalik sa trabaho

Paghingi ng Tulong mula sa Pangasiwaan at mga Katrabaho

Kailan Ipapahayag ang Inyong Kahilingan?

  1. Habang nagbubuntis at bago magsimula ang maternity leave

    Talakayin sa Pangasiwaan ang kahalagahan ng pagpapasuso at ang inyong hangarin na ituloy ang pagpapasuso matapos bumalik sa trabaho. Sabihin nang malinaw ang partikular na tulong na inyong kailangan para masabi ninyo ang pagpapasuso sa trabaho. Matutulungan nito ang pangasiwaan na gumawa ng mas mabuting kaayusan sa trabaho at mas mabuting paghahanda para sa lugar ng trabaho.

  2. Pagkatapos bumalik sa trabaho

    Ipakita ang inyong pagpapahalaga sa pangasiwaan at mga katrabaho sa tulong nila sa inyong pagpapasuso. Tuparin ang inyong mga pangako tungkol sa kaayusan sa trabaho, oras ng pagpapasuso, paggamit ng lugar para sa pagkuha ng gatas at pasilidad para sa pag-iimbak ng gatas. Makipag-usap sa inyong katrabaho para maunawaan ang kanilang mga alalahanin at magtulungan para makahanap ng mga solusyon.

Paano Makipag-usap sa Pangasiwaan tungkol sa Inyong Kahilingan na Ituloy ang Pagpapasuso Pagbalik sa Trabaho

  1. Ipakita ang inyong pasasalamat sa pagtulong ng pangasiwaan sa trabaho
  2. Idiin ang kahalagahan ng pagpapasuso at ang desisyon ninyong magpasuso

    hal. “Pagkatapos makipag-usap sa aking doktor at iba pang mga propesyonal sa kalusugan, nagpasya ako na magpasuso dahil ibinibigay nito ang pinakamainam na nutrisyon at proteksyon sa aking sanggol. Bukod dito, sinabi sa akin ng aking doktor na mahalaga ang pagpapasuso sa pag-iwas sa maraming karamdaman at sakit para sa amin ng aking sanggol.”

  3. Sabihin ang inyong mga partikular na pangangailangan

    hal. “Para maipagpatuloy ko ang pagpapasuso habang nasa trabaho, umaasa ako na bibigyan ako ng kompanya ng mga sumusunod na tulong:

    • Flexible na oras ng pahinga para sa pagkuha ng gatas.

      Karaniwan, kailangan ko ng halos dalawang lactation break, na tumatagal ng tatlumpung minuto bawat isa, sa isang araw ng trabaho. Kung kailangan ng karagdagang lactation break, gagamitin ko ang aking libreng oras sa trabaho (hal. bago magsimula ang trabaho, oras ng tanghalian, pagkatapos ng trabaho);

    • Isang pribadong lugar (hal. isang bakanteng conference room o isang cubicle na may kurtina) na may upuan, mesa at saksakan ng kuryente para magamit ang breast pump; at
    • Refrigerator para sa pag-iimbak ng nakuhang gatas. (maaari na ang refrigerator sa pantry.)”
  4. Talakayin ang mga posibleng pagpipilian na kaayusan sa trabaho

    hal. “Gusto kong makipagtulungan sa inyo sa paghahanda at paghahanap ng opsyon na magpapahintulot sa akin na ituloy ang pagpapasuso nang hindi gaanong nakasasagabal sa trabaho.”

Mga Praktikal na Payo at Paalala

  1. Humingi ng tulong mula sa inyong pamilya

    Talakayin sa inyong asawa at pamilya ang inyong desisyon sa pagpapasuso, at hingin ang kanilang tulong at kooperasyon. Maaaring ipainom ng inyong pamilya sa sanggol ang nakuhang gatas mula sa inyo habang malayo kayo. Ipaalala sa inyong pamilya na bigyang-pansin ang mga palatandaan ng pagkagutom at pagkabusog ng sanggol at huwag siyang pakainin nang labis. Kung sumobra ang pagpapakain sa sanggol kapag nasa trabaho ang ina, mababawasan ang kagustuhang direktang sumuso kapag umuwi ang ina sa bahay.

  2. Magkaroon ng sapat na supply ng gatas para sa pangangailangan ng inyong sanggol

    Nakadepende ang produksyon ng gatas ng ina sa pangangailangan ng sanggol. Kung mas marami ang inyong pagpapasuso sa inyong sanggol, mas maraming gatas ang inyong magagawa. Makatutulong ang madalas na direktang pagpapasuso ayon sa pangangailangan ng sanggol para makagawa kayo ng sapat na gatas para sa kanya. Kung hindi kayo direktang makapagpasuso sa inyong sanggol, kinakailangan ang regular na pagkuha ng gatas tuwing tatlo hanggang apat na oras para mapanatili ang produksyon ng gatas. Maaari kayong maging pamilyar sa mga pamamaraan ng pagkuha ng gatas gamit ang kamay o pump sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga mapagkukunan na nasa website ng Kagawaran ng Kalusugan (www.fhs.gov.hk).

  3. Ihanda ang kagamitan: isang manwal o de-kuryenteng pambomba ng gatas, mga bote ng gatas o supot para sa gatas at isang cooler na may pakete ng yelo

    Gamitin ang kagamitang kailangan sa pagkuha at pag-imbak ng gatas bago kayo bumalik sa trabaho. Siguraduhing nalinis nang wasto ang lahat ng kagamitan bago gamitin.

  4. Maghanda dalawang linggo bago bumalik sa trabaho

    Nagpapabihasa ang pagsasanay. Mas madalas ninyong ginagawa, mas madali kayong masasanay sa mga pamamaraan ng pagkuha ng gatas, at mas dadalang ang nararanasang pagsinok. Halos dalawang linggo bago bumalik sa trabaho, maaari ninyong unti-unting baguhin ang iskedyul ng pagkuha ng gatas para tularan ang lactation break sa trabaho. Maaari din ninyong iimbak ang ilan sa nakuhang gatas bilang reserba. Kadalasan, sapat nang iimbak ang isa o dalawang araw na dami ng gatas na nakatabi nang kaunti ang mga dami ayon sa kain ng sanggol.

  5. Magkaroon ng balanse sa pagitan ng trabaho at pagpapasuso

    Pasusuhin ang inyong sanggol bago kayo umalis ng bahay. Sa trabaho, regular na kumuha ng gatas at iimbak ito nang maayos. Pagkatapos, masiyahan sa direktang pagpapasuso sa inyong sanggol pagdating ninyo sa bahay mula sa trabaho. Tuwing Sabado at Linggo at mga araw na walang trabaho, direktang pasusuhin ang inyong sanggol nang walang pagkontrol.

  6. Ano ang maaari kong gawin kung kailangan kong mas madalas na kumuha ng gatas habang nasa trabaho?

    Sa una, maaaring kailanganin ng ilang ina ang mas madalas at mas matagal na pahinga para sa pagkuha ng gatas dahil, halimbawa, kailangan nila ng panahon para masanay sa pagkuha ng gatas sa bagong kapaligiran. Sa ganitong kalagayan, maaari ninyong gamitin ang inyong libreng oras, hal. oras ng tanghalian, oras bago magsimula o pagkatapos ng trabaho, para sa pagkuha ng gatas. Gayunman, kung kailangan ninyo ng madalas na pagkuha ng gatas, maaaring mayroon kayong problema sa pagpapasuso tulad ng di-mabisang pagkuha ng gatas o labis na produksyon ng gatas. Dapat kayong humingi ng payo mula sa propesyonal.

Mga Mapagkukunan tungkol sa Pagpapasuso mula sa Kagawaran ng Kalusugan

Kung gusto ninyong alamin ang higit pa tungkol sa pagpapasuso, maaari ninyong:

  • Bisitahin ang website ng Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya ng Kagawaran ng Kalusugan (DH) sa www.fhs.gov.hk:
  • Humingi ng payo mula sa mga propesyonal sa kalusugan o sa mga Maternal and Child Health Centre
  • Tumawag sa Pagpapasuso Hotline ng DH: 3618 7450

Impormasyon mula sa Unicef

Maaari ding magpatuloy sa pagpapasuso ang mga nagtatrabahong ina.

Pakinggan ang iba pang kuwento tungkol sa pagpapasuso sa trabaho.

www.SayYesToBreastfeeding.hk

Makipag-ugnayan sa amin upang matuto ng higit pa

Tel: 2833 6139

E-mail: bf@unicef.org.hk

#SayYesToBreastfeeding